Chapter 12

21 5 0
                                    

★★★★

Napatitig ako sa kisame at hindi mapakali. Kapag makauwi na kami, balak ni Scarlet na magpa-iwan. Hindi naman siguro 'yun makatarungan?

I heard what she say. It replay my mind unconstrained.

“Kinakailangan pa kayo ng pamilya niyo. Kaya 'wag kayong susuko. Hinihintay nila kayo.”

Hindi siya maaring mandirito sa mundong ito. Hindi siya nababagay sa mundong ito at lalong hindi siya nararapat na mananatili rito dahil hindi siya isang Aestherian. She didn't belong this place.

Kinabukasan, andiyan na naman sa labas si Aquiro tulad ng nakagawian niya. Nakaupo siya sa isang bakanteng upuan ng harden.

“Magpahinga ka'na. Tama na 'yan.” narinig kung suway niya habang ako nama'y nagpapatuloy lang sa pagdidilig ng mga halaman.

Sabing tama na 'yan!” Madiin na wika ni Amiel at hinila ang pulsuhan ko kaya napasandal ako sa dibdib sa niya.

“Wow! Ang ganda ng  telenovela!” sigaw ni Aquiro na nasa wooden bench at pumalakpak pa pero hindi namin iyon inalintana.

Nagkatitigan lang kami ni Amiel sa mata. Nabigla ako sa biglaang pangyayari habang siya namay bored lang akong tinitigan. Panay naman kabog ang nararamdaman ko sa dibdib ko habang nakatingin sa mapupungay niyang mata.

Ilang minuto pa kaming nagtitigan hanggang siya na mismo ang umiwas. Napatalikod na lamang ako habang tinatakpan ang namumula kong mukha. Nilakumos ko ang mukha ko at napatingin kay Aquiro. Nando'n ang mapanuksong ngisi nito kaya sinamaan ko siya ng tingin.

“Sa susunod, huwag mong ilublob ang sarili mo sa trabaho.” napalingon ako kay Amiel na nagsalita.

“'Wag ka namang torpe, 'tol!” Aquiro snapped.

“Tumahimik ka'ng minor ka!” Sigaw 'rin pabalik ni Amiel.

“Hindi, 'no! Labingwalong taong gulang na kaya ako!” Pakikipagtalo naman ni Aquiro. Napasapo na lamang ako sa noo ko dahil sa pagtatalo nila.

“Tama na 'yan, pakiusap. Mabuti pa't magpahinga na kayong pareho at gano'n na 'rin ako.” wika ko at naglakad na papasok sa loob. Napahinto ako saglit ng marinig na nagsalitang muli si Amiel.

“Papayag ka'bang hihimlay akong kasama ka!” rinig kong sigaw ni Amiel. Napa'ayiee' naman si Aquiro. Napakunot ang noo ko sa narinig ko. Huh? I can't understand. Ipinilig ko na lamang ang ulo ko at naglakad papasok sa loob.

Habang nakatitig sa kisame ay hindi ko maiwasang damdamin ang sinabi sa akin ni Amiel. I'd remember something, saranghae. Napailing na lamang ako at nagtalukbong sa kumot.

Bago pa ako makatulog ay nakarinig ako ng yabag sa labas ng pinto kaya napatayo agad ako. Si Scarlet? Bumalik ba siya sa silid ko?

Patiyad akong naglakad sa pintuan at sumilip mula sa pintuan. Mula doon ay makikita ko sina Aquiro at Amiel na nag-uusap.

“Akala ko ba ay magugulat siya. Pero parang walang sa kanya.” malungkot na wika ni Aquiro at uminom ng tubig. “Mukhang mali ka sa tyamba.”

“Hindi niya naiintindihan.” Amiel snapped.

“Bakit?!”

“Sa kabilang banda, wala ka'bang narinig mula sa prinsesa tungkol kay Danaya?” Amiel beating around the bash. Napahawak ako sa bibig ko dahil sa narinig ko. Bakit kinakailangang idawit ang pangalan ko sa usapan nila?

“Hanggang ngayon, wala naman. Bakit pala? Sino pala si Danaya at tila natatakot ka? Wala ka namang ikatakot sa prinsesa kahit nag-aaral siya sa sikolohiya kung walang itinatago na sekreto si Danaya.” pangaral nito kay Amiel.

Bumagal ang pagtibok ng puso ko sa narinig ko. Naging malabo na 'rin sa pandinig ko ang usapan nila. Nakakatakot pala ang prinsesa, what if she will catch me?

Isinarado ko na lamang ang pinto at naupo sa kama. Maraming mga bagay ang pumapasok sa isip ko at tungkol na dito si Amiel. Siguro, hindi lang kayang tanggapin ng sistema ko ang mga hinala ko. Napakahirap.

Kinabukasan, habang ginagawa ko ang daily routine ko —which is magdidilig ng mga halaman dito— ay lumapit sa akin ang mahal na prinsesa.

“Kumusta ka naman rito, habang wala pa ako.” Napatalon ako ng marinig kong nagsalita siya. Nagpilit ngiti ako sa kanya ngunit hindi pa 'rin nagbabago ang walang expresyon niyang mukha. Nakatingin lang sa akin ang kanyang mata na parang sinusuri ako at pilit na inaalam kung ano ang nakapaloob sa akin.

M-Mabuti naman po ako, mahal na prinsesa.” wika ko at yumuko pa ng kaunti. She scoffed, I heaved my head upset. Nakakainsulto ang pagtawa niya.

“Dear, I don't know 'if are you pretending or else. I am well-known for unraveling some secrets. What if you are one of those?” She asked while arching his brow. She knows how to speak English! Isang patunay na may kaugnayan talaga ang mga Eartherian noon at Aestherian.

I bit my lower lips to control myself. If I speak English, she will doubt. The better things I do is to zip my mouth.

“Patawad, ngunit hindi ko naiintindihan ang iyong sinasabi kamahalan.” malumanay at may halong pagtitimpi kong boses.

“Kaano-ano mo si Ameil?” tanong niya habang may nakangisi.

“Kaibigan.”

“Kaibigan? Nagmula sa isang Ilustrado ang pamilya ni Amiel at imposibleng may kaibigan siyang isang  mangmang.” she scoffed. My hand are clenching in angrier but I composed my self to be calm.

“You are hard to catch 'but if my hunch is right. You are grow this place, so, you know how to speak our language NOT yours.” Nakangising nitong wika. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, naghinala siya sa akin!

Tumalikod siya at naglakad palayo pero bago siya makalayo ng tuluyan sa akin ay huminto siya.

“Be scared little lady. I will start to unravel your secret, you will be allow me or not. Hook or crook.” Wika nito at nagpatuloy ng maglakad papalayo.

When she is varnishing from my sight. I released a heavy sigh. Everyone is right, she is venomous in her word. Mahihirapan kaming gawin ang plano namin kung tinik siya sa lalamunan. How we survive this place?

“'Wag mo'ng damdamin ang sinasabi niya. Mahilig talaga ang prinsesa sa teorya niya. 'Wag mo'ng damdamin ang sinabi niya kung wala ka namang tinatago.” biglang sulpot ni Aquiro at inakbayan ako paharap sa nilalakaran ng prinsesa.

Hindi ko naman dinadamdam ang sinasabi niya pero kasi, buong akala niya'y hindi totoong kaibigan ko si Amiel dahil sa estado ng aming buhay.” buntong hininga kong sagot.

Pabayaan mo na 'yun.” malungkot na wika ni Aquiro at tiningnan ako sa mata.

TO BE CONTINUED.....

Parallel Universe Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon