Chapter 25

17 5 0
                                    

★★★★★

“Yaong mga namamatay ay mas maswerte pa. Pero yaong mga naiiwang nabubuhay ay habang buhay na magdudusa. Hindi ko 'yun kakayanin, Scarlet!” nasa mata ni Gamael ang pagkalungkot.

“Huwag mo akong pakitaan ng kaunting pag-alala, Gamael. Natatakot ako, natatakot akong umasa. Alam ko naman na kahit kailan ay si Lindelle talaga ang mahal mo, 'eh.” wika ni Scarlet at saka tumayo.

“Pag-isipan mo'ng mabuti.” bulong ni Scarlet kay Gamael at tinapik pa ang braso bago naglakad paalis. Napatingin na lamang si Gamael sa kawalan hanggang sa tuluyan ng bumuhos ang luha niya. Hindi niya kaya ang pinapagawa sa kanya ni Scarlet.

Matamlay siya'ng umuwi sa kanila at naabutan niya ang kanyang bunsong kapatid na natutulog sa kama. Mahimbing ang tulog nito kaya napatitig siya rito.

Papunta sana silang magkapatid sa venue kung saan ginanap ang birthday celebration ni Lyka ng mangyari ang aksidente. Ilang buwan na ang nakakalipas matapos nangyari iyon.

Lumapit siya sa bunsong kapatid at bahagyang hinaplos ang buhok nito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi niya para tigilan ang pagbulusok ng emosyon niya. Ilang sandali pa niya itong hinaplos ang buhok hanggang sa gumalaw ito kaya napatayo siya at napalayo.

“Kuya, andiyan ka'na pala.” wika nito at saka nag-unat pa ito bago tumayo. “Kararating niyo lang po?”

“Oo. Bago lang.” Mahinang wika nito at saka napatingin sa mesa at doon naupo. Kinukusot-kusot pa ni Lyka ang kanyang mata at saka tuluyang bumaba sa kama.

“Kuya, mataguan ka'ba ng sekreto? Pangako, 'wag na 'wag mo'ng ipagsabi kahit kanino. Lalong-lalo na kay Ate Scarlet.” tanong ni Lyka at saka naupo sa kaharap na upuan ni Gamael. Tumawa naman ng mapakla si Gamael.

“Wala ka'bang tiwala sa kuya mo?” napailing-iling na lamang si Gamael at muling napatingin kay Lyka. “Ano 'yun?”

“Dumalaw dito kahapon si Amiel. Nadatnan niya si Ate Lindelle. Kuya, sorry. Matagal ng alam ni Amiel na nandito ako at kung sino ako. At lalong alam niya kung sino si Ate Lindelle. Mukhang ito nga ang naunang nakaalam key'sa kay Aquiro.” wika nito at napakagat labi.

Natulala naman si Gamael habang nakatingin sa mesa. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya.

“Sabi ni Ate Lindelle. Tutulungan 'raw tayo ni Amiel para makaalis sa lugar na ito. Baka bukas sa makalawa 'o sa susunod na bukas.” mula sa pagkalungkot at napalitan ng pagkatuwa ang mukha ni Lyka. “Kuya! Makakauwi na tayo.”

Sa kabilang dako, nakikinig lang pala si Scarlet sa likod ng pinto habang nag-uusap sina Lyka at Gamael. Napahawak si Scarlet sa dibdib niya. Nasasaktan siya. Hindi siya pinagkatiwalaan ni Lindelle. Gumagawa ito ng sariling plano dahil takot ito sa kanya.

Napakagat labi naman si Scarlet at kusang tumulo ang luha niya. Kinagat niya ng mariin ang labi niya para lamang mapigilan ang paghikbi niya.

“Hindi 'yon, ganu'n na'lang kadali.” biglang sagot ni Gamael.

“Kuya, naman.”

Ilang sandali pa ang pananahimik ni Scarlet ay napagdesisyunan niya'ng pumasok. Pinunasan niya ang ilang takas na luha mula sa kanyang mata at pumasok sa loob.

Nagulat naman si Lyka sa biglaang pagpasok ni Scarlet. Natatakot siya na baka narinig ni Scarlet ang lahat. Pinagkatiwalaan siya ni Lindelle at ayaw niyang masira iyon.

“K-Kanina ka 'po ba nandito, ate Scarlet?” gulat na tanong ni Lyka. Ngumiti naman ng pilit si Scarlet at hinarap si Lyka.

“Huwag kayong mag-aalala. Wala akong gagawing masama kay Amiel. K-Kapatid siya ni Akiro at siguro, katulad 'din siya ng kapatid niya. Mapapagkatiwalaan, naman siguro ang tulad niya.” mahinang bulong ni Scarlet at kinuha ang hoodie na nakalagay sa mesa at isinuot niya.

Binigyan muna niya sina Gamael at Lyka ng malapad na ngiti. Tila ba, sinisigurado nitong wala siyang gagawing masama na ikakagalit nila.

Nagmamadali siyang tumakbo palabas. Nang makasigurado siyang malayo na siya sa lahat at wala nang makakarinig sa kanya. He leaned on the wall with her hand cupped around his face.

Nagsimula siyang humagulgol ng malakas. Nadurog ang buong pagkatao niya sa nalaman niya. Hindi siya pinagkatiwalaan ng kaibigang itinuring niya sa maikling panahon. Lahat na lang ng mga itinuring niyang kaibigan ay kusang lumalayo sa kanya.

Sa kabilang banda naman ay nag-p-pulong naman ang mga Aesthria kasama ang prinsesa. Pinaghandaan nila ang araw na ito at ninanais nila na huling pagpupulong na ito at mahuli na ang salarin.

“Paano si Gamael?” Tanong ni Amiel. Napalingon naman sa kanya ang kanyang ama't ina at tiningnan siya nito. Ang mga mata nito ay tila nagtatanong.

Wala siyang samang loob sa mga magulang niya pero kinakailangan niya itong iiwan at tiisin ang maging kahihinatnan ng plano niya. Ayaw niya na pati ito ay madamay sa mga pinanggagawa niya. Tumikhim muna si Amiel bago muling nagsalita...

“Ibig kung sabihin. Napakinabangan na natin siya. Tutulungan ba natin siya'ng makauwi?” taas kilay na tanong ni Amiel. Tumawa naman ng mapakla ang prinsesa kaya naagaw niya ang atensyon ng lahat.

“Nagbibiro ka'ba?” she mocked. The princess sip in her tea before continuing. “Salot sila sa lipunan na'tin. Kinakailangan 'din na mawala siya.”

“Pero hindi naman siya salarin. Ang gusto kung sabihin ay 'wala naman siya'ng kinalaman.” pangangatwiran ni Amiel.

“Ang pagtatago ng isang kriminal ay isang krimen.” wika ng prinsesa at ngumisi ng nakakaloko. “Bakit tila nag-alala ka sa lalaking iyon? Gayong hindi mo naman siya kaano-ano.”

“Naawa lang ako sa kanya. May pamilya siya, di'ba? Nakakawa naman siya lalo na't nilinaw niya'ng may pamilya'ng naghihintay sa kanya.” paliwanag ni Amiel at saka humigop ng tea.

“Naawa?” The princess twisted his tongue and laugh sarcastically. “Eh, sila ba? Naawa ba sila sa mga Aetherian na kinuhaan nila ng karapatan na mabuhay?”

“Wala namang kasalanan si Gamael, at isa pa—.”

“Ameil, ano ba! Bakit kinakailangan mo'ng  ipagtanggol ang lalaking iyon!” Inis na boses ng prinsesa at hinampas ng malakas ang lamesa at tumilapon ang kanyang tea sa mesa at tumutulo na ito ngayon sa sahig.

Natahimik ang buong paligid dahil sa tensyon. Hindi na lamang kumibo si Amiel sa isang gilid. Hindi niya alam kung sa paanong paraan niya maliligtas si Danaya. Ngayon pa lamang ay nahihirapan na siyang kausapin ang prinsesa. Nagkaroon na nang lamat ang puso niya dahil sa pagkamatay ni Aquiro at mahirap ng paamuhin ang prinsesa.

The princess started to unleashed her bad side now.... be careful the torn of the princess.

TO BE CONTINUED....

Parallel Universe On viuen les histories. Descobreix ara