Chapter Twenty One

En başından başla
                                    

Isa pa sa iniisip niya ang pag uusap nila ng mga kaibigan niya two days ago. Specially ang sinabi sa kanya ni Cathy. Yeah she is considering it lalo na kapag naalala niya ang katarantaduhang ginawa nito noon sa kanya. Kung paano siya nito ipinahiya sa lahat.

Flashback

How she love her life. She have everything. Everything is so perfect. She have a loving parents, a very supportive kuya, a great friends, she is doing good in school and most of all she have the love of her life by her side. Kristoff makes her life so perfect.

Yes they have been dating for the past three months. Well hindi naman nililinaw nito sa kanya na nanliligaw ito sa kanya but she assume that he is. He is visiting her every weekend sa bahay nila. Brought her flowers and some stuffs. Hindi ito nagrereklamo kapag tinuturuan siya nito sa mga subjects na hindi niya maintindihan. He is so patient at her.

Noong nakaraang Christmas break ay halos araw araw silang magkasama. Palagi siya nitong ipinapasyal sa kug saan saan. He even show her the other side of him ng dalhin siya nito sa isang lugar where extreme sports are available. Though hindi siya nito hinayaan sumabak sa mga iyon ay nakuntento nalang siya sa pagtingin dito habang ginagawa nito ang mga delikadong sports na iyon. Parang mahuhulog ang puso niya everytime na tatalon ito mula sa itaas.

Kristoff even spent Christmas with them. He gave a her a white gold necklace na may palawit na star as a christmas gift. Binigyan naman niya ito ng bagong rubber shoes na alam niyang magagamit nito sa paglalaro ng basketball.

He even went to their house at twelve midnight of New Years eve. And that was the happiest day of her life when he told her he love her. She was so happy that time na hindi siya nakatulog magdamag.

But she still remember what her father say at her kaya naman kahit mahal na mahal niya ito ay hindi muna niya ito sinagot. "Study first baby princess. When you turn eighteen thats the only time I will allow you to have a boyfriend, I guess Andrew here can wait until that time comes?" Baling nito kay Kristoff

Medyo alanganin ang ibinigay niyang ngiti kay Kristoff. Na parang hiyang hiya siya sa sinabi ng kanyang daddy. She is just sixteen at dalawang taon pa ang hihintayin nila para official niya itong maging boyfriend. Ang tagal pa non, pero wala siyang magagawa kasi and daddy niya ang batas dito.

"Yes Tito. Rest assured I will never pressure Marie. Its just two years I can definitely wait for that. And I promise you I will respect her." Sabi nito habang nakatingin ng tuwid sa kanyang daddy.

Nasiyahan naman siya sa sinabi nito dahil willig itong maghintay ng dalawang taon para sa kanya. Well they can still get to know each other pa naman sa two years na iyon. Ang dating lang ay parang mag M.U. na sila at hinihintay nalang talaga nila ang tamang panahon para maging sila officially.

"Thats good to hear then." Her father said habang inilalahad nito ang kamay kay Kristoff na tinanggap naman ng huli. As if sealing what they have just talked.

Ahh parang kailan lang nangyari ang lahat ng iyon. She cannot believe na mamahalin diya nito. Dream came true para sa kanya ng sabihin nito ang three magic words na iyon.

Nabalik siya sa pagbabalik tanaw ng may bigla nalang umupo sa tabi niya. Nandito siya ngayon sa paborito niyang bench na malapit sa soccer field.

Nalingunan niya ang seryosong mukha ni Kristoff. Well kahit naman nagtapat na ito sa kanya ay madalang pa din niya itong nakikitang ngumiti. But she is so used to it, sanay na siya na hindi talaga ito palangiti.

Magsimula din nung pinagtanggol siya nito sa isa sa mga kaklase niya ay wala ng nangahas na e bully siya. Sanay na din sa mga ibang studyante na palagi siyang inihahatid sa classroom nito at sinusundo sa oras ng uwian niya.

His Personal Assistant slash Bedmate (completed)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin