"Athanea?" napalingon ako doon bigla saka nanlaki ang mata ng makita kung sino iyon. Gumwapo siya! At bakit naka-formal attire siya? At wow! Grabe naman ang tangkad na iyan. Halos tumingala na ako.

"Vincent?!" nakangiti ako ng malaki habang inaaral ang mukha niya. Grabe naman, bakit lahat sila ay nag-glow up?! Bakit ako yata ay hindi?!

"You look more beautiful that the last time. How are you? "he's smiling at me a little. Saktong ngiti lang, kung baga. Why he seems so sad? Para siyang nagising ng 1:00 a.m. ng january 1.

"Okay lang! Kayo? Nasaan si Mell? Kasama mo ba?" tumingin ako sa likod niya pero walang tao. Napa-iwas siya ng tingin sa akin bago bahagyang lumunok. Nagpamulsa siya bago ulit nagsalita.

"We're no longer together. We broke up already. Like five years ago." hindi naniya naiwasan ang manginig. Pero hindi niya masyadong ipinahalata. Kumunot ang noo ko doon. Kailan pa? Five years? Saka bakit sila maghihiwalay? Sobrang bait ni Vincent, at mabait din si Mell. Bakit kaya hindi sinasabi sa akin ni Mellaria?

" Ah, sorry. Kaya pala kasama na siya ni Lurius, eh. "ako rin ay napatigil sa sinabi.

Hindi kaya nanglalaki si Mell?!

Hinawakan ko ang kwelyo nito at inilapit ang mukha ko sa kanya.

" Nanglalaki si Mellaria?! " sigaw ko. Kumunot ang noo ko ng mamula siya hanggang tainga. Pati na yung leeg niya.

"May allergy ka?! Tara na sa hospital!" hihilahin ko sana siya ng matawa siya. Nakakunot ang noo na tiningnan ko siya. Kanina lang ay malungkot siya, ngayon naman ay natatawa.

"No, nevermind. Napadaan lang ako then I saw your hair. So it's easy to find out that you're Athanea. By the way, nice to see you again. Punta na ako sa park, ha? I'm going home already. Do you want me to ride you home?"

Napasinghap ako ng malakas. Nanlaki ang mata ko sa kanya.

"Ano! Bastos!" anong ride you home?

"What? No! I mean, do you want me to drive you home?" nakahinga ako ng maluwag. I didn't really know why I'm turning like this. Matalino naman ako sa English, ah! Why I'm being like this?

"Teka! Sige, tutal nagtitipid ako. Kuhanin ko lang ang milk tea ko ha.

Matapos makuha ay sumama na ako sa park. Ayoko na maghintay sa shed, ang init init. Natutusta ang maganda kong balat kahit may bubong. Baka magkaputok pa ako kapag nagkataon. Ayoko nga.

"Teka, dito ka nagtatrabaho sa Emerald Company?" tanong ko. Umikot na siya sa driver's seat kasi pinagbuksan pa niya ako ng pinto eh may kamay naman ako.

"No, Um-attend lang ako ng meeting." seryoso lang siya, saktuhan lang ganoon. Hindi masungit, hindi rin galit. Napakunot ang noo ko dahil doon sa sinabi niya. Ano ba siya? Secretary ba siya tapos hindi naka-attend yung boss niya.

"I'm a CEO. My company is the one of the partners of the Emerald Company." CEO?!Aba! Bakit ngayon ko lang nalaman iyon?!

"C-Ceo ka pala?" tumango lang siya. Tahimik lang ang byahe. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit sila naghiwalay. Eh matagal na sila, noon pang junior high kami, lagi na silang magkasama. Close pa ang pamilya nilang dalawa. Eh, nagtataka rin ako, mag-jowa na ba si Lurius at Mell? Pero bakit parang ang magkasintahan ay si Margoux at Lurius?

Hays, ewan ko na. Hindi ako ipinanganak para problemahin ang problema ng iba.

"How is she?" biglang nagsalita ang lalaki. Nagising ako sa pagmumuni muni at tumingin sa kanya. Seryoso lang siyang nagda-drive. Malungkot kaya siya? Kung ako iyon, masasaktan ako.

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now