2...

"Oh," kinuha ko iyon at ininom. Nangangatal na ang kalamnan ko. Minsan lang ako magkaganito, kapag sinusumpong lang.

3. . . .

...

...

"Stay here." nagmulat ako at nakitang nakatayo na si Mavy. Kumunot ang noo ko saka ako nagsalita. Nakapamulsa siyang lalabas ng pinto.

"H-Ha? Saan ka pu-" wala na. Lumabas na siya.

Susunod sana ako ng hawakan ako ni Mell sa braso."Teka! 'Wag ka nang sumunod-"

"Sandali! Baka kasi k-kung saan siya pumunta, baka makita siya ni Zafius at baka-"

"Wait, 'wag na! Teka-"

"Mellaria bitiw-"

"Huwag na nga kasi-"

" Ano ba?! "lahat ng tao sa room ay tumahimik. Maging si Mell ay natulala. Ako naman ay nagulat din sa pag sigaw, kaya lumapit agad ako sa kanya.

"Sorry. P-Pero, 'wag mo muna akong sundan..."

Lumabas na ako para tingnan si Mavy doon, iba kasi ang babala niya kanina. Hindi lang ako mapakali. Naglakad lakad pa ako pero hindi ko na sila nakita pa.

NAGULAT ako sa pinag-uusapan nila Mommy. Nasa hospital daw si Zafius. Hindi sa nag-aalala ako pero nakakagulat lang. Iyon? Ma-o-ospital? Parang imposible.

"Unbelievable. He's strong and he can even kill someone if he want." sabi ni Dad. Tahimik lang akong kumakain at hindi nakikisabat.

"Hindi na siya papasok sa LuNa University, even that school is own by his family-relatives." Doon ako napalingon sa kanila. Gusto kong maluha sa saya!

"T-Talaga po?" paninigurado ko. Tinaasan ako ng kilay ni Mom saka sumagot.

"Yes, but still, hindi magbabago na sa kanya ka ikakasal."

F*ck.

Para akong nakapulot ng one thousand sa daan pero play money pala.

Nalumbay kaagad ang buo kong katawan. At least, makakatakas ako sa kanya in short period of time. But still, I can't imagine that he'll be my husband in the future. I can picture myself being beaten by him.

Tumikhim muna si Daddy bago nagsalita."Besides, it's good for him. Hindi na siya pagtatakpan pa ng pagtatakpan sa kagaguhan niya." sabi nito.

Pera.

Pera lang naman ang gusto nila sa pamilya ng mga Beviriotte. Kapag naman nakatalikod, mga plastic sila. Kahit pa sarili nilang anak ang mahirapan, wala silang pake. Basta magkapera.

"Right. Buti nalang at maimpluwensya ang magaling niyang ama. Buti nga't namatay ang nanay niya, para naman walang tututol sa atin! She deserves it. Well." nagtawanan ang mag-asawa. I know, mabait si Mrs. Beviriotte. But, sayang at ang sasama ng anak at asawa nito. Nakakaawa siya. Kaya siguro ito namatay ay gawa rin ng sariling pamilya.

Hindi sa nanghuhusga, pero it's not impossible.

"Ikaw naman, huwag kang lalandi sa school. Ang bata mo pa para bumukaka." napuno ng kahihiyan ang katawan ko. Daddy ko pa ang nagsabi. Wala mang mga tao ay hiyang hiya ako sa bunganga nila.

"Hindi ka namin pinalaki at pinalamon para magpahipo." lalo akong lumubog at nanliit sa pinagsasasabi nila. Si Mommy naman ang nagsalita.

Tang*na mo kang luha ka, huwag kang babagsak. Nea,'wag kang iiyak! 'Wag!

" Busog na po ako. Aakyat na muna po ako sa room ko. May quiz po kami bukas, magre-review muna po ako. "tumingin lang sila sa akin saka sila nag-usap ulit. Habang umaakyat ay doon na lumabas ang luha ko. Nakasalubong ko pa si Lena...

 Master's Servant (SIR Series #1) Where stories live. Discover now