3rd Mail

4.4K 140 10
                                    

Bumukas ang pinto at nakita ko ang kasambahay ni Nico na si Yaya Meding. "Ma'am Connie, kayo po pala, tuloy po kayo." Sabi niya at pinapasok ako sa loob ng bahay.

Ngumiti ako at nilibot ang tingin sa buong bahay. Nakita ko ang mga bag ni Yaya Meding na nakahanda na sa may salas. "Nagpunta na ba rito ang mama at papa ni Nico, Yaya Meding?" tanong ko.

Tumango si Yaya Meding. "Opo, ma'am. Sa katunayan nga po, e, pinasasauli ni Misis iyong mga gamit ni Sir Nico na may kinalaman sa inyo. Ipinapatapon niya nga po sakin 'yon, e, kaso naisip ko kayo kaya tinawagan ko na po kayo para kuhanin iyong mga gamit..." pagpapaliwanag ni Yaya Meding.

Tumango ako. "Okay lang, Yaya Meding." Ngumiti ako.

"Sige po, ma'am, kuhanin ko lang po sa taas..." sabi niya at umakyat na sa taas. Bumuntong-hininga ako. Napatingin ako doon sa kanan ko nang may biglang tumunog. Nakita ko ang computer ni Nico na nakabukas. Lumapit ako at nakitang nakabukas ang email ni Nico. Kumunot ang noo ko.

Papakielaman ko n asana 'to nang biglang may magsalita sa likuran ko na siyang ikinagulat ko. Napahawak ako sa dibdib ko. "Ma'am, eto na po 'yung lahat ng gamit..." sabi ni Yaya Meding at inabot sakin ang isang kahon.

Inabot ko 'yong kahon sa kanya. "Salamat, Yaya Meding..." sabi ko at hinahabol pa rin ang paghinga ko.

"Ma'am, okay lang po kayo?" tanong niya. Tumango ako at binaling ang tingin sa computer ni Nico. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi na ito nakabukas.

"Yaya, binubuksan mo ba ang computer ni Nico?" kunot noo kong tanong.

"Ho? Hindi, ho. Hindi na po 'yan nabubuksan simula nang mamatay si Sir Nico..." sabi niya. "Hindi ko rin naman po mabubuksan 'yan kasi hindi naman po ako marunong sa mga ganyang bagay..." dagdag niya.

"Gano'n p-po ba?" tanong ko at tiningnan siya. Bumuntong-hininga muna ako bago magsalita. "E, ano pong balak ninyo ngayon? Saan kayo tutuloy?"

"Doon na lang muna siguro ako sa kapatid ko tutuloy, Ma'am. Gustung-gusto na po kasing ipagbili nila Misis itong bahay ni Sir Nico dahil magma-migrate na raw sila ni Mister sa States." Sabi niya.

Ngumiti ako. "Basta, Yaya Meding, kung sakaling may kailangan ka po, e, huwag po kayong magdalawang-isip na tawagan ako..." sabi ko at nagpaalam na kami ni Yaya Meding sa isa't isa.

***

Hinahalungkat ko ngayon ang kahon na binigay sakin ni Yaya Meding. Hindi ko maiwasang hindi maluha habang nakikita ang mga bagay na nagpapaalala sakin kay Nico.

Nakahiga na ako sa kama ko habang yakap-yakap ang frame na may picture ni Nico nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita ang pangalan ni Vina sa screen.

Agad ko itong sinagot. "Hello?"

"Connie," natigilan si Vina sa pagsasalita nang suminghot ako. "Umiiyak ka na naman ba, Cons?" tanong niya.

Pinunasan ko ang luha ko. "Namimiss ko lang si Nico, Vins. Di kasi ako sanay na wala siya... Bakit ka nga pala napatawag?" sabi ko.

"Cons, okay lang 'yan. Wala man si Nico sa paligid mo, nandito naman kami ng barkada para pumalit sa kanya sa'yo," Sabi niya dahilan para mapangiti ako kahit papaano. "Napatawag ako kasi gusto kitang kumustahin..." sabi niya.

"Vins, okay lang ako. And thank you kasi lagi kayong nandyan para sakin..." Pagkasabi ko noon ay hindi ko na nasundan pa ang mga sinasabi ni Vina sa kabilang linya dahil putol-putol ang pagsasalita niya.

"Hello? Vina? Vina? Hello?" at bigla na lang naputol ang linya. Bumuntong-hininga ako nang tingnan ko ang cellphone ko at nakitang battery dead nap ala ito. Agad kong kinuha ang charger ko sa drawer ng bedside table ko at chinarge ang cellphone.

Umupo ako sa study table  at binuksan ang laptop ko. Pagkabukas ko ng laptop ay agad na tumunog ito. Tiningnan ko kung bakit, dahil pala sa mayroon akong email. Binuksan ko ang account ko at pinindot ang email.

Galing 'to sa isang unknown email address kung sa'n hindi ko makikita kung sino ang nag-send at hindi ko pwedeng reply-an. Kumunot ang noo ko nang makitang blanko ang email niya sakin pero mayroong naka-attach na file.

Pipindutin ko na sana 'to ng biglang tumunog ulit ang cellphone ko, pumunta ako sa saksakan kung saan nakacharge ang cellphone ko at tiningnan kung bakit. May isang unknown number na nag-text sakin, binuksan ko ito.

Unknown:

You're. Going. To. Die.

Nagulat ako nang biglang pumutok ang cellphone ko. Nabitawan ko ito at napahawak sa kamay kong may malaking paso.

"Shit!"

Napatingin ako sa cellphone ko na nasa sahig at sira na. Napalingon ako sa laptop ko nang tumunog ulit ito. Lumapit ako at umupo sa swivel chair. Mayroon na namang nag-email sakin at galing na naman ito sa isang unknown email address. Kagaya ng naunang email sakin, binuksan ko ito at nakita na mayroon na namang attached file pero kung iyong naunang email ay picture ang naka-attach, dito sa pangalawa, isang video naman.

Pinindot ko iyon at laking gulat nang makita ang mukha ko sa screen. Kasalukuyang nangyayari ang video, paano nangyari 'yon?

Napalingon ako nang may marinig akong kaluskos sa likuran ko. Mabilis ang bawat paghinga ko dahil sa takot at kaba na bumabalot sa buong katawan ko ngayon.

Napatingin ulit ako sa laptop ko nang bigla itong tumunog ng parang ulan. Dahil pala ito sa naging static na ang video na kanina lamang ay pinapakita ako. Hanggang ngayon, isa pa ring palaisipan kung paano nangyari 'yon.

Binuksan ko naman iyong picture na naka-attach sa naunang email. Napahawak ako sa bibig ko nang makita ang picture ni Nico na dilat ang parehong mata at lumuluha ng dugo at ang bibig niya ay nakanganga, may bulati sa loob nito.

Nakaramdam naman ako ng kung anong gumagalaw sa kamay kong may paso. Inangat ko ito at nakitang may mga bulating gumagapang at pumapasok sa loob ng kamay ko. Pinagpag ko ito, nalaglag ang mga bulati sa sahig pati na rin ang ilang tulo ng dugo.

"Shit! Shit! Shit!" sabi ko.

Dahan-dahan akong tumingin ulit sa laptop ko nang makitang kusa itong nag-ta-type.

"Do,"

"You,"

"Remember,"

"Me?"

Inisa-isa ko ang pagbasa dito. Kumunot ang noo ko. Inilapit ko ang mga mata ko sa laptop at laking gulat ng makita ko sa screen ang mukha ng isang babae na dilat na dilat ang parehong mata, tumutulo ang dugo at nakanganga na parang walang panga.

Napasigaw ako sa mukhang nakakakilabot ang itsura.

Death MailWhere stories live. Discover now