6th Mail

3.7K 105 7
                                    

Ilang sandali ang lumipas, nakarating kami sa school kung saan naka-graduate kaming magbabarakada ng highschool at sama-sama. Hindi ko tuloy mapigilan ang malungkot nang maalala na wala na si Nico at Connie. Kung wala ang isa saming magbabarkada, kulang na kulang kami.

Naramdaman ko ang kamay ni Yohan sa kamay ko nang makababa kami ng kanyang kotse. Napatingin ako doon at kay Yohan.

"Alam kong mahirap dahil wala na si Nico at Connie—" Pinutol ko agad ang sinasabi ni Yohan.

"Yohan, ayokong saktan ang nararamdaman mo pero sorry... Kasi bilang isang kaibigan lang talaga ang turing ko sa'yo." Sabi ko.

Napalunok si Yohan nang marinig 'yon sakin. Iyon ang katotohanan na karapatan at dapat niyang malaman.

"Alam ko," sabi niya. "Pero alam ko rin na kayang-kaya mo kong mahalin gaya ng pagmamahal ko sa'yo." Dagdag niya.

"Aya!"Napatingin kami ni Yohan sa tumawag sa pangalan ko, nakita ko si Vina at Carson. Lumapit si Vina sakin at nakipag-beso.

"Alam mo, mabuti na lang at nakahanap ako ng papalit sa shift ko... Kung hindi, wala ako dito!" sabi ni Vina.

Ngumiti ako sa kanyang kinuwento. Ngumiti si Carson sakin kaya nginitian ko rin ito. Bumaling siya kay Yohan at ito ang kinausap.

"Nasabihan mo ba si Liam?" tanong ko. Hindi ko alam kung bakit biglang napatingin si Yohan sakin nang banggitin ko ang pangalan ni Liam.

"Oo, pupunta raw siya kaya lang baka daw malate siya kasi mayroong problema sa restaurant niya." Sabi ni Vina.

Lumapit si Carson kay Vina. "Pasok na tayo sa loob. Mag-uumpisa na rin yata, e."

***

"Maraming salamat sa lahat ng alumni na dumalo rito... Godbless you all and enjoy this night!" masayang pagtatapos ng principal ng school namin sa kanyang speech. Sinundan ito ng masigabong palakapakan.

Buffet style ang kainan. Konti lang ang nakain ko kasi hindi naman talaga ako ganun kalakas kumain. Pagkatapos kumain ng lahat ay mayroong intermission number na naganap at sinundan ito ng isang video presentation.

Mga pinagsama-samang picture ng highschool batch namin. Puro tawanan pero may mga iyakan ring naganap habang pinapanood ang presentation.

"Excuse me," sabi ko kina Vina, Carson at Yohan na kasama ko sa table. Tumayo ako sa upuan ko. "Punta lang akong ladies' room." Sabi ko.

"Sama—" pinutol ko agad ang sasabihin ni Vina.

"Huwag na, Vins. Tapusin mo 'yung presentation, oh." Tawa ko.

"Sure ka?" tanong niya.

Tumango ako. "Sure na sure." At umalis na.

Pagpasok ko pa lang ng banyo ay agad na bumungad sakin ang usapan ng dalawa. Hindi ko ginustong makinig pero nang banggitin nila ang pangalan ni Connie ay hindi ko na napigilian ang sarili ko.

"Tanda mo pa 'yung babaeng kaaway ni Connie?"

"Connie na kaibigan nila Liam at bestfriend ni Julianna?"

"Oo."

"'Yung laging binubully nila?"

"Oo. Angelica ba ang pangalan no'n?"

"Oo, oo. Angelica Bermudez. Pero matagal ng patay 'yon, di ba?"

"Oo, nagpakamatay siya nang ikalat ni Connie na hindi na daw virgin si Angelica sa buong school."

"Di ba nga? Si Nico na boyfriend ni Connie at si Yohan na kaibigan nila ang isa sa mga lalaking nakatikim na kay Angelica?"

"Grabe 'yon. Grabeng trauma ang binigay ni Connie kay Angelica. Kahit ako magagalit kay Connie kung sakaling gano'n ang gawin sakin."

Death MailWhere stories live. Discover now