35th Mail

2.3K 64 7
                                    

Papunta ako ngayon sa lugar kung saan sinabi sakin ni Adam kung nasaan siya. Simula nang sabihin sakin ni Lisa ang lahat ng katotohanan ay hindi na tumigil ang pagtulo ng mga luha ko.

"Miss, okay ka lang?" tanong nung taxi driver.

Tiningnan ko siya sa rear mirror ng sasakyan na tanging ang mga mata niya lang kita. Tumango ako habang patuloy pa rin sa pagtulo ang mga luha ko.

Ilang sandali ang lumipas, nakarating rin ako sa lugar na sinasabi ni Adam. Isang malaking bahay ang bumungad sakin nang bumaba ako ng taxi.

Pinunasan ko ang magkabila kong pisngi na basang-basa ng luha gamit ang pareho kong kamay. Huminga ako ng malalim at inihanda na ang mga salitang sasabihin ko kay Adam.

Naglakad ako palapit sa pintuan at agad na kinatok ang pinto ng tatlong beses.

Sa ikatlong katok ko ay bumukas ng kusa at dahan-dahan ang pinto. Hindi ko maiwasang kabahan at matakot lalo na ng biglang bumuhos ang napakalakas na ulan at sinasabayan pa ng malakas na kulog.

Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng bahay. Dahan-dahan kong tinapak ang mga paa ko sa loob ng bahay.

Walang tao... At madilim ang paligid.

Napatigil ako sa paglalakad nang makaharap ko ang isang sofa na nakatalikod sakin. May nakaupo rito. Isang babae at isang lalaki. Huminga ako ng malalim at naglakad papunta sa harapan ng sofa.

Napatakip ako saking bibig nang makita ko ang mga magulang ni Adam na sina President Veloso at Ma'am Patricia na may gilit sa leeg at mga sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan habang nakasuot ng corporate attire.

Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha ko.

"AHHHHHHHH!"

Napatingala ako nang may marinig akong sigaw na nanggagaling sa pangalawang palapag ng bahay. Isang pangalan ang pumasok sa isip ko.

"Adam..." bulong ko sa sarili ko at agad na pumanik sa taas.

Sinundan ko kung saan nanggagaling ang ingay at sigaw pero nang makapanik ako ay nawala ito bigla. Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Medyo madilim ang paligid kaya dahan-dahan ang ginawa kong paghakbang.

"Aya..."

Napatigil ako sa paglalakad at dahan-dahan na nilingon ang kung sinong tumawag sakin.

Kumulog ng malakas na sinabayan ng pagkidlat, nakita ko si Adam na nakatayo sa harapan ko at sinambit muli ang pangalan ko. "Aya..." bulong niya.

Naalala ko ang mga ipinagtapat ni Lisa sakin. Na si Adam ang tunay niyang asawa at ama ni Cedric. Na may plano si Adam.

"A-adam? A-anong nangyari dito?" tanong ko. "A-at... A-anong plano 'yung sinasabi ni Lisa?"

Ngumisi siya. "It's all about revenge, Aya..." sabi niya at lumapit sakin. "Ang paghihiganti ko para sa kapatid kong pinatay ang sarili dahil sa kagagawan ng iba..."

Nahirapan akong huminga. Mula sa mga salitang binitawan niya, alam ko na... Na siya ang isa pang kapatid ni Angelica na tinutukoy nito sa sulat. Bukod kay Connie, kapatid rin ni Angelica si Adam.

"K-kapatid mo si Angelica?" tanong ko, maluha-luha na.

Tumawa siya ng mahina at tumingin ng mariin sa mga mata ko. Dahan-dahan siyang lumapit sakin. "Kapatid ko ang Angelica'ng pinatay ninyo..." sabi niya at naramdaman ko na lang ang kamao niyang dumantay sa may bandang tiyan ko.

Sa sobrang lakas no'n, ay nanghina ako at nandilim ang paningin ko.

***

Hilo-hilo pa ako nang magising. Naramdaman kong mahigpit na nakatali ang mga kamay ko, pati na rin ang mga paa ko sa silyang kinauupuan ko.

Death MailWhere stories live. Discover now