4th Mail

4.3K 124 9
                                    

Papunta kami ngayon ni Vina, Carson at Yohan sa bahay nila Connie para dalawin siya. Pero pagdating naming do'n ay tatlong kotse ng pulis at isang ambulansya ang sumalubong samin.

"Bakit may pulis sa bahay nila Connie?" tanong ni Carson na kasalukuyang pina-park ang kotse niya.

"Hindi ko alam..." Kibit-balikat ni Vina sa boyfriend niya.

Tumingin si Yohan sakin. "Hindi mo ba sinabi na pupunta tayo ngayon?" tanong niya sakin.

"Patay ang cellphone niya kagabi, e." sabi ko.

"Tumawag ako kagabi, kinumusta ko siya kaya lang naputol 'yung linya. Nung sinubukan kong tumawag ulit, cannot be reached na 'yung cellphone niya." Sabi ni Vina.

Nang mai-park na ni Carson ang sasakyan niya ay bumaba na agad kami at nagtungo sa bahay nila Connie.

"Boss, anong nangyari dito?" tanong ni Carson sa isa sa mga pulis.

"Kaanu-ano niyo si Constancia Encarnacion?" tanong nung pulis. Nagkatinginan kaming apat.

"Kaibigan niya po kami..." sabi ko.

Magsasalita na sana 'yung pulis nang bigla may malakas na humahagulgol sa loob ng bahay. Nakita naming ang isang medical team na may hatak-hatak na isang stretcher at kasunod nila ang katulong nila Connie na siyang humahagulgol ng malakas.

"Ma'am Connie!" Hagulgol nung katulong nila Connie. Nanlaki ang mga mata naming lahat. Tumigil kami sa harapan ng stretcher dahilan para matigilan rin ang mga nurses na lalaki na nagtutulak nito.

"Manang..." tawag ko sa katulong nila Connie. "A-anong nangyari? N-nasaan si Connie?" tanong ko.

Humahagulgol pa rin siya ng sagutin niya ang tanong ko. "Kakauwi ko lang kanina galing probinsya namin. May susi naman ako ng bahay kaya hindi na ako kumatok kasi si Ma'am Connie hindi sumasagot sa tawag at text ko kaya inisip ko na baka tulog pa siya. Kaya lang nung katukin ko siya sa kwarto niya, walang sumasagot... Binuksan ko 'to at... Nakita na lang si Ma'am Connie na nakahiga sa sahig."

Napahawak ako sa bibig ko. Naramdaman kong may humawak sa may likuran ko, nilingon ko ito at nakita si Yohan. "Aya..." malungkot niyang sabi.

Napatingin naman ako kay Vina na gulat na gulat rin sa narinig mula sa katulong nila Connie, nasa likuran niya si Carson at sa likuran ni Carson, nakita ko si Liam na kakarating lang.

Binalik ko ang tingin sa bangkay ni Connie na nakatakip ng puting tela. Dahan-dahan kong inalis ang tela sa kanyang mukha at hindi napigilang tumulo ng mga luha ko. "Connie..." banggit ko sa pangalan ng kaibigan kong ngayon ay patay na.

Napayakap ako kay Yohan at doon umiyak ng umiyak. Naramdaman ko ang kamay niyang taas-baba ang paghimas sa likuran ko.

"Natagpuang patay si Constancia Encarnacion sa kanyang kwarto. Sira ang cellphone niya at ayon sa investigation team naming ay pinaghihinalaang ginamit ni Ms. Encarnacion ang kanyang cellphone habang ito ay naka-charge dahil na rin sa kamay niyang may sugat at paso. Dilat ang parehong mata at may mga bulati at dugo sa kanyang bibig." Sabi ng pulis.

"Alam na ba nila Tito Chris?" narinig ko ang malalim na boses ni Liam. Kumalas ako sa yakap at nakita agad ang likuran ni Liam. Kausap niya iyong katulong nila Connie.

"T-tinawagan ko na po sila. Mamayang gabi raw po ang uwi nila."

Tumango si Liam. Hinarap niya kami. Napatingin muna siya sakin bago magsalita at tingnan ulit kaming lahat.

"Ako ng bahala dito..." sabi niya. "Umuwi na muna kayo. Tatawagan ko na lang kayo kapag okay na..." sabi niya at lumapit sa dalawang pulis na nag-uusap.

"Aya, tara na?" tanong ni Yohan at inalalayan ako papunta sa kung saan nakapark ang kotse ni Carson.

***

"Mahal na mahal naming ang anak naming si Connie. Napakabait na bata ng anak ko. Masunurin at matalino. Wala na akong ibang hihilingin pa para sa isang anak dahil lahat na kay Connie na." panimula ng mama ni Connie na si Tita Alicia. "Siya lang ang anak namin. K-kaya..." Napaluha na si Tita Alicia at hindi na natapos pa ang sasabihin. Agad siyang inalalayan ni Tito Chris pababa ng podium at inupo sa upuan sa tabi niya.

Dinala ang kabaong ni Connie sa kanyang huling hantungan. Hindi ko maiwasang hindi na mapaluha dahil sa pighanti at lungkot ng pagkawala ng isa pa naming kaibigan.Nilaglag ng mga nakiramay ang mga dala nilang rosas. Humahagulgol si Tita Alicia na nakayakap kay Tito Chris.

Inakbayan ako ni Yohan at niyakap ng mapansing sobra na ang pag-iyak ko. Katabi ko si Vina at Carson habang si Liam naman ay katabi ni Yohan.

Ilang sandali ang lumipas, nagsi-uwian na ang lahat ng mga nakiramay. Hindi na naming nakausap pa sila Tito Chris at Tita Alicia dahil maaga silang umuwi at ayaw na muna namin silang istorbohin.

"Ako na lang maghahatid kay Aya... Dala ko naman kotse ko." Sabi ni Yohan.

"Gano'n ba?" Sabi ni Vina, "Hindi kasi namin siya mahahatid sa bahay nila kasi ihahatid pa ako ni Carson sa ospital tapos dederecho siya sa trabaho niya. Sorry talaga, Aya."

Isang nurse kasi si Vina. Ang duty niya ay tuwing gabi at si Carson na boyfriend niya ang naghahatid sa kanya sa ospital. Si Carson naman ay isang call center agent at gaya ni Vina, gabi rin ang duty niya. Si Yohan naman ang nagpapatakbo sa kompanya ng kanyang daddy. Ako naman, nagtatrabaho sa isang opisina bilang HR.

"Ano ka ba, Vins! Okay lang." sabi ko at pilit na ngumiti, "Sige na, baka malate pa kayo sa pupuntahan niyo." Sabi ko. "Okay na ako kay Yohan."

"Sige." Sabi ni Vina at nagpaalam na.

"Ikaw, Liam? Saan ka?" tanong ni Yohan nang pagbuksan ako ng pintuan.

"Babalik ako sa restaurant. May aasikasuhin pa 'ko, e." sabi ni Liam at binuksan ang pintuan ng driver's seat.

"Ah, gano'n ba?" tumango-tango si Yohan. "Sige. Ingat..."

Tumango si Liam. "Ikaw rin... May kasama kang babae." Sabi niya at pumasok na sa kotse. Mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan kaya mabilis rin itong nawala sa paningin namin ni Yohan.

"Alam mo namang mag-bestfriends kami di ba?" tanong ni Yohan. Tumango ako. "May kasunduan kami no'n na hindi kami ma-i-in love sa iisang babae." Sabi niya.

"Bakit mo 'to sinasabi sakin, Yohan?" tanong ko.

"Kasi nung sinabi ko sa kanya na gusto kita, bigla na lang siyang nagbago. 'Yun bang parang ang lamig-lamig ng trato niya sa lahat ng tao." Sabi ni Yohan.

Nanlaki ang mga mata ko. "G-gusto mo ko?" nauutal kong tanong.

Ngumiti si Yohan. "Uwi na kita sa inyo, Aya." Sabi niya at sumakay na sa loob.

Death MailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon