10th Mail

2.8K 95 0
                                    

Simula ng dumating si Sir Adam sa kumpanya ay palagi ko na lang naaalala ang kahihiyang dinanas ko nung araw na 'yon. At sa tuwing naaalala ko 'yon, napapasapo na lang ako. Katulad ngayon...

"Huy, Aya, may problema ka ba?" tanong sakin ni Gina nang maabutan niya akong nakasapo ang kamay sa mukha.

Bumuntong-hininga ako. "Okay lang naman ako, Gina... May iniisip lang." sabi ko.

"Gano'n ba? Mukha naman yatang malalim ang iniisip mo kasi napapasapo ka na lang bigla. Ano ba 'yan?" tanong niya.

Umiling ako. Nakakahiyang sabihin kay Gina kung bakit dahil napakababaw ng dahilan ko. "Hindi. Wala 'to," tugon ko.

Nagkibit-balikat si Gina at bumalik sa kanyang trabaho. Binalik ko na lang rin ang atesnyon ko saking trabaho at inalis sa isipan ko ang pagpapahiya sakin ni Sir Adam.

Ilang sandali ang nakalipas, biglang nag-ring ang cellphone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag at nakita ang pangalan ni Vina na tumatawag. Agad ko itong sinagot. "Hello?"

"Aya, si Yohan!" sabi ni Vina. Napatayo ako sa upuan ko. Nagulat si Gina sa ginawa ko kaya tinanong niya ako kung ano ang nangyari pero binalewala ko 'yon.

"Anong nangyari kay Yohan?"

Umiyak si Vina. "W-wala na siya... Aya, p-patay na si Yohan," sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "N-nasaan siya?" tanong ko.

"N-nasa morgue ng ospital na pinagtatrabahuhan ko... Dito siya dinala nung matagpuan siya ng sekretarya niyang patay sa opisina niya kaninang umaga lang." humihikbing sabi ni Vina.

"S-sige. P-papunta na ako," sabi ko at binaba na ang linya. Inayos ko ang mga gamit ko at kinuha ang bag ko.

"Aya, saan ka pupunta?" tanong ni Gina.

"Namatay 'yung kaibigan ko... Pupuntahan ko lang." sabi ko.

"Huh? E, marami pa tayong gagawin saka magpaalam ka muna kay Miss Yna." sabi ni Gina at nginuso ang head ng HR naming.

Bumuntong-hininga ako at lumapit kay Miss Yna. "Miss Yna, emergency lang po, 'yung kaibigan ko po kasi namatay nab aka po pwede akong mag-half day kahit ngayon lang po." sabi ko.

"Naku, Aya, kahit marami tayong gagawin, papayagan kita, alam mo namang malakas ka sakin, e. Kaya lang naging strikto na kasi ang patakaran sa opisina simula nang dumating si Sir Adam dito at ang utos niya ay bawal mag-half day unless pinayagan niya... Ako kasi ang mapapagalitan niyan, e. Pasensya na." sabi ni Miss Yna.

"Please naman po, Miss Yna." sabi ko.

Bumuntong-hininga siya. "Sige, ganito na lang, sasamahan kita kay Sir Adam, okay?" sabi niya.

Tumango ako kahit na labag sa loob ko ang kausapin si Sir Adam dahil sa pagpapahiya niya sakin. "S-sige po."

***

Kumatok si Amy sa pinto ng opisina dati ni President Veloso na ngayon ay opisina na ni Sir Adam.

"Sir, gusto raw po kayong makausap ng head ng HR natin." sabi ni Amy. Hindi nag-abalang tumingala si Sir Adam. "Sige, papasukin mo..." sabi niya.

Naiwan kami ni Miss Yna sa loob ng opisina ni Sir Adam, pareho kaming nangangapa ng salita pero si Miss Yna na ang nauna. "Sir, kung pwede raw pong mag-half day itong si Julianna Paler?" tanong niya.

"Bakit daw?" tanong ni Sir Adam, ngayon ay abala sa kanyang laptop.

"Namatay po kasi 'yung kaibigan ko... Emergency lang po." sabi ko.

Nag-angat siya ng tingin. "Anong kinamatay ng kaibigan mo?" tanong niya.

"'Yun nga po ang aalamin ko, Sir," sabi ko.

"Well, Miss Paler, hindi kita papayagan..." sabi niya.

Nanlaki ang mga mata ko. "Po? Bakit ho?" tanong ko.

"Kaibigan mo lang naman ang namatay, di ba? Hindi kayo magkadugo at wala kayong relasyon, bukod sa magkaibigan lang kayo..." sabi niya at binalik ang tingin sa kanyang ginagawa.

"Magkaibigan nga lang po—" naputol ang sasabihin ko ng magsalita bigla si Sir Adam.

"Yna, makakaalis na kayo... Marami pa akong gagawin," sabi niya.

"Aya, tara na..." sabi ni Miss Yna. Gusto kong sampalin si Sir Adam. Pinigilan ko ang galit ko sa kanya.

Namumuro na siya sakin! Kinalma ko ang sarili ko at sumagot kay Sir Adam. "Yes, Sir," sabi ko at lumabas ng opisina niya ng puno ng inis dahil sa ginawa niya.

***

"Hello, Aya, nasaan ka na?" tanong ni Vina sakin nang tinawagan niya ako sa telepono.

"Ito na ako. Papasok na ako ng ospital..." sabi ko.

"Sige, hintayin ka namin," sabi niya at binaba na ang telepono.

Pagpasok ko sa ospital ay agad kong hinanap sina Vina. Kung saan-saan ako napadpad sa buong ospital bago ko mahanap sina Vina.

"Aya!" sigaw ni Vina at lumapit sakin. Niyakap niya ako ng mahigpit ayt umiyak ng umiyak sa balikat ko.

"Tahan na, Vina," sabi ko. "Bakit gano'n? Sunud-sunod ang pagkamatay ng mga kaibigan natin? U-una si Nico, tapos si Connie, ngayon naman si Yohan... N-natatakot ako, Aya... B-baka ako na ang susunod..." sabi niya.

Kumalas ako sa yakap at hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Bakit mo iniisip 'yan, Aya? Walang susunod, okay? Hindi ka susunod... Pati, baka coincidence lang ang lahat ng 'to... Huwag kang mag-isip ng ganyan." sabi ko.

Bigla kong naalala si Angelica. Hindi nga kaya naghihiganti siya samin? Kaya niya ba pinatay sina Nico, Connie at Yohan kasi sila ang pinakadahilan kung bakit siya nagpakamatay? Ano ba, Aya? Hindi. Walang kinalaman si Angelica. Pinapraning mo lang ang sarili mo.

Lumapit kami ni Vina kina Carson at Liam. Agad namang niyakap ni Carson ang kanyang girlfriend na namumugto na ang mga mata. "P-paano natagpuang patay si Yohan?" nauutal kong tanong.

Tiningnan lang ni Carson si Liam kaya bumaling ako sa isa ko pang kaibigan na sumagot sa tanong ko.

"Natagpuan siyang nakaupo sa swivel chair niya sa opisina niya. Dilat ang parehong mata at ang bibig ay may mga bulati at dugo." sabi ni Liam. Magsasalita na sana ako nang bigla niyang dugtungan ang kanyang sasabihin.

"Kagaya ng kung paano natagpuang patay sila Nico at Connie."

Nanlaki ang mga mata ko. Imposibleng magkakapareho ng pagkakatagpo sa mga bangkay ng tatlo kong kaibigan... Coincidence pa nga ba ang tawag dito? O planado ang pagpatay sa kanila?

Death Mailजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें