5th Mail

4.1K 106 3
                                    

Kanina pa ako paiba-iba ng posisyon sa kama ko. Hindi ko alam kung bakit simula nung sabihin sakin iyon ni Yohan ay hindi na ako mapakali. Umayos ako ng upo sa kama ko at bumuntong-hininga. Kung sana'y hindi pa patay si Connie, siya sana ang kausap ko ngayon...

Bumaba ako ng kwarto dahil hindi talaga ako makaramdam ng antok. Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig nang bigla akong makarinig ng mga yapak na parang tumatakbo. Napalingon ako sa may salas at tumawag ng pangalan.

"Jonas?"

Sinarado ko ang pinto ng refrigerator at naglakad papunta sa may salas. Nilibot ko ang tingin pero wala naman akong nakitang gising na tao.

Napalingon naman ulit ako sa kusina nang bigla kong marinig ang pagtulo ng tubig sa gripo. Agad akong lumapit sa lababo at pinatay ang gripo.

Bumuntong-hininga ako at nagdesisyon na bumalik na lamang sa kwarto ko nang bigla akong matigilan dahil sa isang babae na naka-upo sa may sofa namin. Napahigpit ang hawak ko sa gilid ng lababo at nanlaki ang mga mata.

Hindi ko kita ang mukha ng babae dahil nakatalikod ang sofa'ng inuupuan niya. Bigla ko na lang narinig ang mumunti niyang paghikbi. Tumataas-baba ang kanyang mga balikat kasabayng kanyang paghikbi. Bumilis lalo ang paghinga ko.

Nilakasan ko ang loob ko para malapitan ang babae. Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya. Hinabaan ko ang kamay ko para sana hawakan ang kanyang balikat nang bigla siyang humarap sakin dahilan para makita ko ang nakakatakot niyang mukha.

"AHHHHHHHHHHHHHH!" Napasigaw ako at napaatras sa takot. Bigla siyang nawala doon sa may sofa. Mabilis na mabilis ang paghinga ko.

Kumunot ang noo ko nang may maramdaman akong kung anon a tumatama sa may tainga ko sa kanan. Napalunok muna ako bago ito tingnan. Napasigaw ako at napaupo nang makitang isang paa iyon at may tumutulo-tulo pang dugo.

Dahan-dahan ko naman 'tong tiningnan at nakita iyong babae na nakasabit sa kisame. Dahil sa takot, napaiyak na lang ako.

"Sino ka? Anong kailangan mo? Bakit mo ko tinatakot?" Hagulgol ko.

Naramdaman ko na lang bigla ang pagsakal sakin noong babae sinasambit ang mga salitang ito: "Buhay ang kinuha, buhay rin ang kapalit... At hindi kita tatakutin, kasi papatayin kita." sabi niya sa nakakatakot na boses at nandilim na ang paningin ko.

***

"Julianna! May bisita ka, bumaba ka na riyan nang makakain ka na rin..."

Nagising ako sa sigaw na iyon ni mama sa labas ng pinto ko. Mabilis ang paghinga ko. Isa lamang pala 'yong bangungot? Napalunok ako nang maalala ang nangyari.

Tumayo na ako sa kama at nagtungo sa banyo. Huhubarin ko na sana ang pantulog ko nang mapansin ang kakaibang sugat sa may leeg ko. Para itong isang kamay na madiin ang pagkakahawak sa leeg ko. Naalala ko iyong pagsakal sakin nung babae.

Ibig bang sabihin nito, totoo ang nangyaring 'yon?

"Julianna!" Nabalik ako sa wisyo nang marinig na naman ang sigaw ni mama kaya naman naligo na ako at kinalimutan ang nangyari kagabi.

Ilang sandali pagkatapos ko maligo ay agad na akong bumaba ng kwarto ko. Hindi pa man din naapak ang mga paa ko sa sahig ng sala namin ay narinig ko nang naghahagikgikan ang mga magulang ko sa may kainan. Nang dumating ako doon ay nakita ko si Yohan na nakaupo katabi si Jonas at kumakain ng almusal kasama ang pamilya ko.

"Oh. Ayan na pala si Aya, e." sabi ni papa sakin. Lumapit ako sa kanya at hinagkan siya sa pisngi.

"Good morning, pa." bati ko sa kanya. Nang daanan ko naman si Jonas ay ginulo ko lang ang buhok nito na talaga namang ikinagalit niya.

"Ngayon pala 'yong reunion niyo?" tanong ni mama sakin. Kumunot ang noo ko at lumapit kay mama, hinagkan ko siya at binati. Bumaling ako ng tingin kay Yohan.

"Akala ko hindi tuloy 'yon? Tumawag raw  kahapon ng hapon 'yung organizer ng reunion kay Vina at ang sabi hindi daw tuloy dahil sa pagkamatay ni Connie?" tanong ko.

"Well, tinuloy na ng principal kasi next week ay aalis sila ng pamilya niya para magbakasyon abroad, hindi naman pwede two weeks from now kasi raw magpapasukan na sa kanila." Sagot ni Yohan.

"Ah... Biglaan naman yata?" tanong ko at umupo sa puwesto ko.

"Oo nga, e. Pero I'm sure lahat ng aattend ng reunion ay last last week pa ready." Sabi ni Yohan, tumatawa.

Ngumiti ako. "Oo nga, pero alam na ba nila Vina?" tanong ko. Tumango si Yohan habang nginunguya ang kanyang pagkain.

"Oo, ang totoo nga n'yan, si Vina pa ang tumawag sakin kagabi para sabihin sakin na tuloy ang reunion natin at sabi ko ako na lang rin ang magsasabi at maghahatid sa'yo do'n." sabi ni Yohan.

"Naku, tamang-tama. Hindi na namin kailangang mag-alala kay  Julianna namin dahil kasama ka niya." Sabi ni papa.

Ngumiti si Yohan, "Pangako po... Aalagaan ko si Aya..." sabi ni Yohan at bumaling ng tingin sakin.

***

Nag-aayos kasi ako para sa reunion na ang tema ay semi-formal. Light make-up at nakabestida lang ako.  Si Yohan naman ay nasa baba, naghihintay sakin na matapos. Nakakahiya nga kaya binilisan ko rin ang pagkilos ko.

Napalingon ako doon sa kumatok sa pintuan ko, nakita ko si mama. "Ang ganda naman talaga ng anak ko." Sabi niya.

Ngumiti ako. "Mama talaga," hagikgik ko.

"Bakit? Totoo naman, e! Mana ka sakin!" sabi niya.

Hinarap ko siya. "Syempre naman, mama, no? Kanino pa ba naman ako magmamana ng kagandahan kung hindi sa'yo lang din naman!"

"Pero, nak, kung si Yohan ang natitipuhan—" Agad kong pinutol ang sasabihin ni mama. Natitipuhan si Yohan?

"Ma! Ano bang sinasabi mo?" gulat kong tanong na sinundan ko ng medyo awakward na tawa.

"Kung sakali lang naman, anak." Sabi ni mama. "E, boto naman kami sa kanya pero kung hindi naman, e, ayos lang rin samin basta masaya ka."

Ngumiti ako. "Salamat, ma." Sabi ko at niyakap siya.

"O, tama na 'yan, naghihintay 'yung date mo sa baba, Aya." Napatingin kaming dalawa ni mama sa nagsalita sa may pinto. Si papa lang pala na nakasilip.

"Pa! Hindi ko date si Yohan, kaibigan ko lang siya." Sabi ko.

"Date o kaibigan, nakakahiya sa tao na pinaghihintay siya..." sabi ni papa.

"Bert, di mo man lang ba babatiin ang anak mo?" tanong ni mama.

"Birthday niya ba?" pabalik na tanong ni papa.

"Bert!" hiyaw ni mama.

"Joke lang 'yon, syempre." Sabi ni papa at tumingin sakin pero binalik rin agad kay mama. "Araw-araw ko naman 'yong sinasabi sa anak natin, di ba, Aya?" tanong ni papa sakin.

Ngumiti ako. "Sige na po, nakakahiya na po kay Yohan, alis na po kami." Sabi ko at nagpaalam na sa kanila.

***

"You look beautiful, Aya," sabi ni Yohan nang makalabas kami sa subdivision namin.

Nginitian ko siya. "Simpleng make-up at dress lang 'to, Yohan, parang ako pa rin 'yong Aya na nakikita mo araw-araw, no." sabi ko.

"I look at you everyday and I can't stop telling myself how beautiful you are."

Napalunok ako sa sinabi niya at tumingin na lang sa labas ng bintana. Hindi na ako nagsalita, maging siya rin  ay hindi na. Nabalot ng katahimikan ang buong kotse simula nang sabihin niya 'yon.

                                                                                      

Death MailWhere stories live. Discover now