1st Mail

7.2K 195 13
                                    

"Isang lalaki ang natagpuang patay sa kanyang tirahan. Ayon sa witness na nagsisilbing kasambahay ng lalaki, nakita na lamang niya kinaumagahan ang kanyang amo na nakaupo sa swivel chair, dilat ang dalawang mata at ang bibig na nakanganga ay puno ng dugo at bulati."

'Yan agad ang narinig ko pagkababa ko ng hagdanan. Nadatnan ko ang kapatid kong si Jonas kasama sina mama at papa na kumakain ng almusal habang nanonood ng balita.

"Ano ba 'yan, ma! Kumakain tayo ng almusal tapos babanggitin 'yung bulati!" sabi ni Jonas kahit na punung-puno ang bibig nito ng hotdog at kanin.

Tinakpan ko ang bibig niya. "Ang arte naman nito! Bulati lang 'yon, oy!" sabi ko at tinanggal ang kamay ko sa bibig niya para makaupo na at makakain na ng almusal na inihandan ni mama.

"Ate naman, e! Tss." ani Jonas.

"Oh, nakabihis ka, Aya. Saan ang lakad mo?" tanong ni mama.

"Uh, mamimili po kami nila Connie ng susuotin namin para sa reunion po namin sa susunod na linggo." Sabi ko. Tumango lang si mama.

"Ayon sa kasambahay ang biktima ay nagngangalang Nico Alonzo." Kusang tumigil ang kamay kong nakahanda ng isubo ang kutsara na may laman na kanin at kapirasong hotdog sa bibig ko nang marinig ang pangalan na iyon.

Agad na napatingin ako sa tv at minukhaan ang bahay na pinapakita pati na rin ang kasambahay. Si Nico Alonzo! Ang isa sa mga kaibigan ko! Patay na!

Hindi pinakita sa tv ang bangkay ni Nico. Ang pinakita ay iyong nakatakip na ang katawan niya at iniimbestigahan na ng mga polis at imbestigador. Napatingin ako sa cellphone kong umiilaw-ilaw lang, naka-silent kasi ang cellphone ko.

"Ano ba 'yong nag-va-vibrate?" taking tanong ni papa. Kinuha ko ang cellphone ko at agad na nagpaalam sa kanila na pupunta lang ako sa kwarto ko para sagutin ang tawag ni Connie.

"Aya! Patay na si Nico! Nasa—"

Pinutol ko agad ang sasabihin ni Connie. "Nasa balita. Napanood ko." Malungkot kong sabi. "Nasaan ka?" tanong ko.

"Papunta sa ospital kung saan dinala si Nico. Papunta na rin daw sila Carson, Vina, Liam at Yohan. Ikaw? Nasaan ka?" tanong ni Connie na paputol-putol ang salita dahil sa pag-iyak.

"P-papunta na rin ako. Saan ba?"

***

Naglalakad na ako sa hallway papunta sa kung saan sinabi ni Connie ay iniimbalsamo na ang katawan ni Nico. Nadatnan ko ang barkada na naghihintay sa labas kung saan iniibalsamo ang mga katawan.

Si Liam ay nakasandal sa pader. Si Yohan na nakapatong ang baba sa likod ng palad at ang siko ay nakapatong sa hita ay katabi naman si Connie na nakatakip ang dalawang kamay sa mukha. Sina Vina at Carson ay nakatayo lamang sa harap ng pinto.

Napatingin sa gawi ko si Liam pero hindi siya nagsalita. Sunod na napatingin sa gawi ko si Yohan na pinansin ako. "Aya." Sabi niya.

Naglakad ako palapit sa kanila, si Connie ang sumalubong sakin ng yakap at humagulgol. Si Vina naman ay lumapit saming dalawa at hinimas-himas ang likuran ni Connie upang tumahan.

"Bakit si Nico pa, Aya? Bakit?" Iyak ng iyak si Connie."Isang taon kaming naghanda para sa kasal namin at kung kailan ikakasal na kami next month, e, saka pa nangyari 'to? Bakit gano'n?"

"Shh. Tahan na, Connie." Sabi ko. Kumalas siya sa yakap, pulang-pula na ang mata at buong mukha niya dahil sa pag-hagulgol niya. Pinaupo ko siya ulit at doon siya humagulgol ng humagulgol ulit.Umupo si Vina sa tabi ni Connie at patuloy na hinimas ang likuran nito para patahanin.

"Alam na ba nila tito at tita ang nangyari kay Nico?" tanong ko.

"Hindi pa." sagot ni Liam na nakapikit at magkakrus ang mga braso habang nakatayo at nakasandal sa pader.

"Bakit?" tanong ko.

"Ayaw ni Connie." Tipid na sagot ulit ni Liam.

"A-ano?" bumaling ako kay Connie, "Bakit ayaw mo, Connie? Nababaliw ka na ba?" buntag ko.

"Ano na lang ang sasabihin sakin ng mga magulang ni Nico, huh, Aya? No'n pa lang ayaw na nila sakin dahil hindi raw ako karapat-dapat sa anak nila dahil simula nang makilala ako ni Nico ay nag-iba na ang panagarap niya! Dati, gusto raw ni Nico maging lawyer pero nung dumating ako sa buhay ng anak nila, ang gusto ni Nico ay magkaroon ng pamilya kasama ako!"

"Karapatan nila 'yon bilang mga magulang ng magiging asawa mo!" sigaw ko. Naramdaman ko ang hawak ni Liam sa balikat ko. "Enough, Aya." Sabi niya, bumuntong-hininga ako at pilit na kinalma ang sarili ko.

Umupo ako sa isa sa mga upuan sa harapan nila Connie. Bigla kong naalala na tinawagan ko si Nico kagabi para tanungin kung pupunta siya sa reunion.

"Kagabi... Tumawag ako kay Nico dahil sabi ni Connie, pilitin ko ito na pumunta ng reunion." Nag-angat ako ng tingin. Nakita ko silang lahat na nakatingin rin sa akin. Tiningnan ko si Connie. "Kasi sabi mo nakikinig rin 'yong si Nico sakin kahit papaano." Dagdag ko.

"Tapos?" tanong ni Connie.

"May sinasabi siyang tumawag raw ako dahil may sinend akong email sa kanya. Sabi ko, wala akong sinend na email sa kanya at nung tanungin ko siya kung pupunta ba siya ng reunion, 'yun ang unang tawag ko sa kanya, wala ng iba." Sabi ko at bumuntong-hininga.

Death MailWhere stories live. Discover now