23rd Mail

2.1K 73 4
                                    

Hindi ako makatulog dahil hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isipan ko ang nangyari kay Vina. Kaninang umaga lang siya nilibing.

At dahil nga sa hindi ako makatulog, napagpasyahan kong maglakad-lakad sa labas ng subdivision namin. Naglalakad ako papunta sa playground nang may marinig akong kaluskos sa likuran ko. Nilingon ko ito, ang dalawang kamay ko ay nakalagay sa bulsa sa harapan ng hoodie na suot ko.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid pero wala akong nakitang tao.

Huminga ako ng malalim at hinarap ang daanan papuntang playground nang bigla akong mapatalon sa gulat dahil kay Liam na nasa harapan ko na.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang takot. "Sh*t," bulong ko sa sarili ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya, nakalagay rin ang dalawang kamay sa bulsa sa harap ng hoodie na suot niya.

"Nagpapahangin lang... Hindi ako makatulog," sabi ko. "E, ikaw?" tanong ko.

"Hinihintay ang tawag ni Lisa," sabi niya.

Napalunok ako. "Bakit mo hinihintay ang tawag niya?"

"Umalis sila ni Cedric... Sabi ko tumawag siya kapag nasa may gate na sila ng subdivision," paliwanag niya.

Tumango ako. "Umalis sila, bakit hindi ka sumama?"

"Ayaw ni Lisa... Bonding daw nila ni Cedric..." sabi niya.

Umiling ako ng nakangiti. "10 taon silang magkasama ni Cedric, hindi pa ba sapat ang bonding na 'yon para sa kanilang mag-ina? Ikaw dapat ang nakikipag-bonding kay Cedric kasi 10 taon kang wala sa tabi n'ya," sabi ko.

"Gusto rin naman ni Cedric kaya hinahayaan ko na lang," sabi niya.

Tumango ako. Nabalot kami ng katahimikan. Napatitig ako kay Liam na nakatingin sa taas. Hindi ko alam pero no'n pa lang, nung highschool pa lang kami, manghang-mangha na ako sa tuwing titingnan ko si Liam.

"Gusto mong pumunta muna sa playground?" tanong niya.

Ngumiti ako. "S-sige ba..." sabi ko.

***

"Lakasan mo naman! Para naman 'tong babae kung magtulak, e!"

"Babae naman talaga ako, e!"

Tinigil ko ang pagtulak k okay Liam sa swing. Napalingon siya sakin. "Bakit mo tinigil?" tanong niya.

Pinanliitan ko siya ng mga mata habang nauupo sa swing sa tabi niya. "Ikaw naman kaya ang magtulak sakin, no?" sabi ko.

Ngumiti siya at tumawa. Akala ko ay hindi niya gagawin ang sinabi ko pero nagulat ako nang tumayo siya at pumunta sa likuran ko. "Oh, oh, anong gagawin mo?" tanong ko.

"Susundin ang utos mo..." sabi niya.

Hindi na ako nakaangal dahil sinimulan na niya ang pagtulak sakin, hindi gaanong malakas, at hindi rin gaanong mahina. 'Yung tulak na tama lang...

Huminga ako ng malalim at hinawakan ng mahigpit ang kadenang nakadugtong sa baka na parisukat ang haba at kinauupuan ko ngayon.

"Anong iniisip mo, Aya?" tanong ni Liam.

"Kung bakit may nangyayari ang isang bagay sa buhay ng isang tao..." sabi ko.

"Nangyayari kasi may rason," sabi niya. "May rason kaya nangyayari,"

Umiling ako. "Binaliktad mo lang 'yung sinabi mo nung una,"

Tumawa siya ng mahina. "Pero aminin mo, may ibig sabihin ang sinabi ko kahit binaliktad ko lang..."

Tumigil si Liam sa pagtutulak sakin. Tiningnan ko siya, umuupo na sa katabi kong swing. "Mayroon nga," sabi ko.

Ngumiti siya at tumingin sa lupa habang nakapatong dalawang siko sa magkabilang hita. Iniwas ko ang tingin ko kay Liam. "Sa tingin mo, ano ang rason bakit nangyayari sating magkakaibigan 'to?"

"Alin?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "'Yung isa-isang namamatay..." sabi ko.

Napatingin ako sa kanya nung marinig ko ang mahina niya ulit na pagtawa. "Aya, hindi naman ako Diyos para pati 'yan ay masagutan at malaman ko kung bakit nangyayari..."

Napalunok ako. "E, tayong dalawa... Bakit hindi na lang tayo?"

Halos ibaon ko na ang sarili ko sa lupang tinatapakan ko ngayon. Bakit ako nagtanong ng ganyan? Anong pumasok sa isipan mo, Aya, at nagtanong ka ng ganyan?

Napatingin sakin si Liam. "Hindi nga ako Diyos pero ang sagot sa tanong mong 'yan, alam ko..." sabi niya. "Kasi natakot ako no'n na naka hindi mo ako gusto... Na baka hindi ako 'yung tipo mo... Na baka hindi mo ako mahal..."

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko ang sasabihin niya. Mabilis ang pagtibok ng puso ko, na para bang nakikipag-karera ito...

"Nakakalecheng 'baka'... Ng dahil sa salitang 'yan, hindi ko nasabi sa'yo kung gaano kita kamahal..."

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa mukha niya. Konting-konti na lang ay magkakadikit na ang mga labi naming nang biglang may tumunog.

Akala ko nung una ay cellphone ko pero kay Liam pala. Sinagot niya ito. Umayos naman ako ng upo sa swing.

"H-hello?" tanong ni Liam.

Hindi ko rinig ang sinasabi nung kausap niya sa kabilang linya. Inalala ko ang mga sinabi sakin ni Liam at parang isang sirang plaka na paulit-ulit nag-pe-play sa aking isipan.

"S-sige... Papunta na 'ko, d'yan, Lisa," sabi ni Liam.

Pero unti-unting nadurog ang puso ko nang marinig ko ang pangalang iyon mula sa bibig ni Liam. Si Lisa na ina ng anak niya at ang babaeng pakakasalan niya...

Huminga ako ng malalim at tumayo. Napatingin sakin si Liam. Tumayo rin siya. "Pupuntahan ko na sila Lisa at Cedric sa may gate," sabi niya.

Tumango ako. "Bye, Liam," sabi ko at aktong maglalakad na sana palayo nang bigla kong maramdaman ang kamay niya na humatak sa kamay ko.

Napalingon ako at agad na tumingin sa kamay naming magkahawak. Nang magsalita siya ay dahan-dahan ko siyang tiningnan.

"H-hatid na kita sa inyo," sabi niya. Tumango lang ako at binawi ang kamay ko sa kamay niya.

***

"Good night, Aya," sabi ni Liam sakin.

Natigilan ako sa pagpasok sa may gate ng bahay namin. Nilingon ko si Liam.

"Good night," sabi ko.

Aktong papasok na ako ng bigla na naman niyang hatakin ako sa kamay. Akala ko ay pipigilan niya lang ako pero laking gulat ko nang maramdaman ang labi niya sa labi ko.

Inalis niya ang labi niya sa labi ko at niyakap ako. "Hindi ko man nasabi sa'yo no'n, pwes, ngayon ko na sasabihin kahit na alam kong mali ang timing..." sabi niya.

"Mahal kita, Aya,"

0[q

Death MailWhere stories live. Discover now