32nd Mail

2.1K 67 4
                                    

"Congratulations, guys! Na-reach natin ang goals natin for this day na 500 calls!" masayang sabi ng team leader namin na si Miss Marilyn. Tumingin siya sakin at ngumiti. "Congratulations to you, too, Mr. Carson dahil sa 500 callers, ikaw ang may pinakamaraming customer," dagdag niya sa sinabi kanina.

Tumango ako at narinig ko ang palakpakan ng mga ka-team ko. "Fifteen minutes break, guys!" sabi ni Miss Marilyn at umalis na patungo sa kanyang sariling desk.

Nagulat ako nang biglang may kumalabit sakin. Tiningnan ko kung sino iyon at nakita si Joseph na nakatayo. "Mukhang tipo ka ni Miss Marilyn, a?" tukso niya sakin.

Umiling ako sa kanya. "Binati lang ako, may gusto na agad?" tanong ko.

"Sabi nga ng girlfriend ko, lahat ngayon may malisya na..." sabi niya.

Tumawa ako ng mahina at umiling. Naisip ko kasi na baka kapag sinasabi ng girlfriend ni Joseph sa kanya na lahat ng bagay ngayon ay may malisya na ay dahil nahuhuli siyang nakikipag-usap sa ibang babae. Loyal naman 'tong si Joseph kaya nga lang, e, minsan, sinasapian ng isang kung sinong nilalang...

"Anyway," sabi niya. "Ano? Di ka ba lalabas para mag-yosi? Break naman, e,"

Umiling ako at nilibot ang tingin. Lahat ng ka-team ko ay nagsisi-ayusan ng gamit at nagsisi-alisan dahil break nga. "Hindi... Pass muna ko,"

Nagkibit-balikat si Joseph. "O, sige, bahala ka," sabi niya at tinapik ako sa balikat bago tuluyang umalis.

Huminga ako ng malalim nang ako na lang ang matira sa buong floor. Maging si Miss Marilyn kasi ay nakita kong lumabas ng opisina niya saka umalis sa building namin.

Hinihilot-hilot ko ang noo ko sa sobrang pagod at stress nang biglang tumunog ang computer sa harapan ko. Nakita ko ang pangalan ni mama sa screen na nag-vi-video call sa Skype. Kinlick ko ang green button at nakita ko si mama na kumakaway sa screen.

"Hi, ma!" sabi ko.

"Hello, anak!" masayang bati ni mama.

Sa States nagtatrabaho si mama at papa. Sa totoo lang, doon na rin sila nakatira dahil pinetition sila ng kapatid kong si Apple na nakapangasawa ng isang Amerikano kaya naging US citizen siya.

"Kumusta kayo d'yan, mama? Nasaan ang mga pamangkin kong sa akin nagmana ng itsura?" tanong ko.

Humalakhak si mama. "Loko-loko ka talagang bata ka! Wala na sila... Pumasok na... Okay kami, anak," sabi niya. "Ikaw? Kumusta ka? Alam mo, anak, ikaw ang inaalala naming lahat dito..."

Ngumiti ako. "Mama naman, okay ako, no?" tumawa pa ako para lang sabihin niyang okay ako kahit na hindi naman talaga dahil sa sobrang kalungkutan. "Ako pa!"

"Anak naman kasi, kung bakit kasi hindi ka na lang dito magtrabaho... Mas magagamit mo pa dito 'yung course na natapos mo nung nasa kolehiyo ka pa—"

Hindi ko na nasundan pa ang sinasabi ni mama nang may biglang sumilip sa kanyang likuran na isang babaeng duguan ang mukha at marumi.

Nanlaki ang mga mata ko na ikinanoot ng noo ni mama. "Carson, anong nangyayari sa'yo?"

Nawala iyong babaeng nakangiti na nakasilip sa likuran ni mama nang magsalita ito. "M-ma, sino nga pala ang kasama mo d'yan sa bahay?" tanong ko.

"Ako lang... Bakit, nak?" tanong niya. "Day off ko kasi ngayon, e,"

"G-gano'n ba? P-para kasing..." tumigil ako sa pagsasalita at kinalma ang sarili. "Wala, ma..." sabi ko.

"Anak, bakit ba kasi hindi ka pa pumunta dito? Para sama-sama na tayo..." sabi niya. "Ah, alam ko na... Dahil kay Vina. Anak, pwede mo naman siyang dalhin rito, e... Dito kayo magpakasal."

"P-patay na si Vina, ma..." sabi ko.

Nanlaki ang mga mata ni mama. "Kailan pa?" tanong niya, gulat na gulat.

"Nung nakaraang buwan pa... P-patay na rin po 'yung sanang magiging a-apo ninyo,"

"Ano?—"

Biglang naputol ang linya ni mama sa Skype. Huminga ako ng malalim at napasandal sa swivel chair ko at hinilot ang aking noo.

Hanggang ngayon, sariwa pa rin sakin ang sinapit ni Vina at ng anak namin. Hindi man lang ako nakahingi ng tawad sa kanya. Ni hindi ko man lang alam na buntis pala ang girlfriend ko. Kinuha ko ang singsing na binili ko bago ang araw ng birthday ko. Binili ko ito para kay Vina.

Dahil aayain ko na siyang magpakasal.

Naalala ko lahat ng plano ko. Nahahalata ko si Vina na pinaghihinalaan ako at pinagdududahan dahil pakiramdam niya ay may itinatago ako sa kanya at hindi 'yon kasama sa plano ko. Kinailangan ko lang talaga itago sa kanya dahil gusto ko siyang isurpresa.

Kaya lang ay nangyari ang isang bagay na wala sa plano ko at kahit kailan ay hinding-hindi ko gugustuhing mangyari. Napapabuntong-hininga na lang ako.

"Carson..."

Napatingin ako sa gilid ko dahil narinig kong may bumanggit sa pangalan ko. Nakita ko ang isang babae na nakatayo doon. Nakahawak siya sa kanyang tiyan at dahan-dahan na lumapit sa akin.

At kahit na alam kong ako na lang ang tao sa opisina dahil ang lahat ay nag-break, hindi ko nagawang matakot lalo na nang makita ko si Vina na nakangiti sa akin.

"Vina?" pagtawag ko sa kanyang pangalan.

Tuluyan siyang nakalapit sakin. Ang paghaplos niya saking mukha ang dahilan ng pagpikit ko dahil sa nangingilid kong mga luha. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi.

"Vina, I'm sorry... Sana... Sana napatawad mo na ako... Hindi ko ginustong mangyari satin 'to..." sabi ko, medyo garalgal ang boses ko dahil sa paghikbi ko. "Mahal na mahal kita..."

"Okay lang, Carson... Kahit buhay mo na lang ang maging kapalit sa ginawa mong kasalanan sakin,"

Nagulat ako sa sinabing iyon ni Vina. Dahan-dahan akong dumilat at nakita na hindi na 'yon si Vina kung hindi isang babaeng duguan ang mukha, dilat na dilat ang mata at may mga uod na lumalabas sa bibig at pisngi.

Nang dahil sa gulat at takot ay nagwala ako sa kinauupuan ko na naging dahilan ng pagbagsak ko sa swivel chair. Nang mag-angat ako ng tingin, nawala na ang babae na nagpanggap na siya si Vina.

Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid pero wala akong nakitang babae na pakalat-kalat. Naging mabilis ang bawat paghinga ko dahil sa mga nangyari.

Napatingin ako sa computer ko nang marinig kong tumutunog ang keyboard nito. Tumayo ako at tiningnan ang monitor. May isang mensahe doon ang nakalagay.

"Naniniwala ka bang ang patay ay pupuwedeng mabuhay?"

Napalunok ako nang mabasa 'yan sa monitor. Umikot ako para tingnan ang buong paligid pero wala pa rin akong makita kung sino pa ang nandito bukod sa akin.

"KUNG SINO KA MAN! O KUNG ANO KA MAN! MAGPAKITA KA! HINDI AKO NATATAKOT SAYO! MAGPAKITA KA!"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ulit na nagta-type ang mag-isa ang computer ko. Binasa ko ito ng malakas.

"Check your mail,"

Bumilis ang tibok ng puso ko. Huminga ako ng malalim at agad na pumunta sa email account ko. May nakita akong isang panibagong email na galing sa isang unknown email address.

Dahan-dahan kong hinawakan at mouse para pindutin ang email. Blanko ito pero mayroong isang attached file. Binuksan ko ito at nakita ang isang picture na puro itim lang.

Tinitigan ko lang ito at laking gulat nang makita sa picture ang mukha ko at sa likuran no'n ay 'yung babaeng nakita ko kanina. Hinawakan niya ako sa bibig at pilit itong ibinubuka.

Nanlalaki ang mga mata ko nang tumingin ako sa screen ng monitor dahil nakita ko ang isang ngisi na nakakapangilabot mula sa babaeng nasa likuran ko.

of l7{PI

Death MailOù les histoires vivent. Découvrez maintenant