33rd Mail

2K 62 5
                                    

"Huy, Aya, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong ni Gina sakin habang hinihimas ang likuran ko.

Pinunasan ko ang aking bibig at hinarap si Gina. "Nahilo lang ako bigla..."

"Napapadalas naman yata ang pagkahilo mo na sinasabayan pa ng pagsusuka," may halong duda ang pagkakasabi ni Gina.

Napalunok ako. "Pagod lang siguro ako..." tipid kong sagot at nag-iwas ng tingin sa kanya.

Napatuon ako sa lababo. Iniisip ang alam kong iniisip rin ni Gina. Halos apat na buwan na rin akong nakakaramdam ng kakaiba.

"Aya," pagtawag niya sakin. Tumingala ako. Tiningnan ko si Gina sa repleksyon niya sa salamin na nasa harapan ko. "Buntis ka ba?" tanong niya.

Dahan-dahan ko siyang hinarap at mariin siyang tiningnan. "Hindi... Pagod lang talaga ako," sabi ko.

***

Umayos na ang pakiramdam ko nang bumalik kami ni Gina sa trabaho. Ilang linggo na ring hindi pumapasok si Adam simula nung gabing sinabi niya sakin ang nararamdaman niya at wala samin ang nakakaalam kung ano ang nangyari at kung nasaan siya.

Nagtatype ako ng mga papeles nang biglang tumunog ang cellphone ko. Kinailangan ko pa itong patagong tingnan dahil baka makita ni Miss Yna at mapagalitan pa ako.

Nakita ko ang pangalan ni Carson na tumatawag sa number ko. Agad ko itong sinagot. "Carson?"

"Uh," do'n pa lang ay nahalata ko ng hindi si Carson ang sumagot. Iba pero lalaki pa rin ang boses. "Hindi si Carson 'to... Ka-trabaho niya ako... Ako si Joseph," malungkot ang boses niya.

"Uh, b-bakit nasa sa'yo ang cellphone ni Carson? B-bakit mo ko tinawagan? May problema ba?" tanong ko.

"Sino 'yan?" tanong ni Gina.

Hinarap ko siya at nagkibit-balikat. "Joseph daw. Ka-trabaho ng kaibigan ko,"

"Joseph?" kunot-noong tanong ulit ni Gina. Hindi ko na siya nasagot pa dahil nagsalita ulit iyong Joseph sa kabilang linya.

"Kagabi kasi... Natagpuan naming si Carson na... P-patay... Dinala pa siya kagabi sa morgue ng ospital na malapit lang sa building namin," sabi niya. Napahawak ako sa bibig ko nang malamang patay na si Carson. "Sinubukan ko kasing tawagan 'yung Liam kaya lang hindi sumasagot, e,"

"S-saang ospital 'yan?" tanong ko. Sinabi niya sa akin kung saang ospital. "S-sige... Papunta na 'ko," sabi ko.

"C-condolence..." sabi niya. Hindi ko maiwasang maiyak sa sobrang takot at lungkot.

Iniisa-isa niya na talaga kami. Papatayin talaga kami ni Angelica para lang sa paghihiganti niya sa kasalanang ginawa namin sa kanya.

***

Nagpasama ako kay Gina papunta sa ospital na sinabi nung Joseph. Mabuti na lang at pinayagan kami ni Miss Yna na maagang umuwi dahil wala naman daw si Adam.

Nang makarating kami ay agad kaming pumunta sa morgue para tingnan si Carson. At nang makita namin ang morgue, isang lalaki ang nakatayo at nakasandal sa may pader sa gilid. Nakatungo siya habang ang isang paa ay nakatapak sa pader.

"Joseph?" napatingin ako kay Gina na binanggit ang pangalan ng kausap ko sa cellphone kanina. Napatingin sa gawi namin iyong lalaki.

Lumapit si Gina kaya lumapit na rin ako. "Anong ginagawa mo dito, Joseph?" tanong ni Gina.

"Magkakilala kayo?" tanong ko.

"Aya, siya si Joseph... 'Yung boyfriend ko." Sabi ni Gina at saglit akong nilingon dahil binalik niya rin agad kay Joseph. "Anong ginagawa mo dito? Anong nangyari?"

"Siya ba si Aya?" tanong ni Joseph at tumingin sakin. Tumango lang si Gina bilang tugon sa tanong ng kanyang boyfriend.

"Masaya ang buong team dahil naka-five hundred calls kami kagabi..." pagkukuwento ni Joseph. "Binigyan kami nung team leader namin ng 15 minutes na break... Inaya ko si Carson pero hindi siya sumama sakin kaya siya lang 'yung naiwan."

"Tapos?" tanong ni Gina.

Tumingin sakin si Joseph pero binalik rin agad kay Gina. "Nagulat na lang kaming lahat nang makita namin si Carson na nakaupo sa swivel chair niya habang nakatali at naliligo sa sariling dugo. Mayroong natagpuang papel na nakalagay sa bulsa niya 'yung mga pulis na nag-imbestiga..."

Yumuko si Joseph dahil may kinuha siya sa bulsa niya. Isa 'tong papel na may bahid pa ng mga dugo. Iniabot 'to sakin ni Joseph. "Para sa'yo, Aya..."

Kinuha ko 'to sa kanya at hanggang sa makauwi ako, ang tanging nasa isipan ko ay kung ano ang nakasulat sa papel.

***

Kanina ko pa tinititigan ang papel. Nagtatalo ang isipan ko kung titingnan ko ba ito o hindi. Pero sa huli, nanaig ang desisyon ko na titingnan ko kung ano ang nakasulat.

"Aya, you've got mail!"

'Yan ang nakasulat na dugo pa ang ginamit na panulat. Napalunok ako sa takot at kaba. Tiningnan ko ang computer ko. Huminga ako ng malalim at tumayo palapit sa computer ko. Umupo ako do'n sa swivel chair at binuksan 'to.

Ilang sandali ang lumipas, bumukas na ang computer kaya agad kong binuksan ang browser para buksan ang email account ko.

Nang makita ko ang email account ko, may isa nga akong email na hindi ko pa nababasa. Galing ito sa isang unknown email address. Pinindot ko ito at walang ibang nakitang laman sa email kung hindi ang isang video file na naka-attach.

Binuksan ko ang video at pinanood ito. Napahawak ako sa bibig ko nang makita si Angelica Bermudez sa video na para bang may kausap.

"Ako si Angelica Bermudez," panimula niya. May kinuha siyang baril at tinutok iyon sa kanyang bibig. Humigpit ang hawak ko sa aking bibig. "At ipinapangako ko na ang magiging kabayaran ng mga taong nagkasala sakin ay ang buhay nila!" sigaw niya at ipinutok ang baril sa bibig niya.

Akala ko, doon na nagtatapos ang video pero mayroon pang mga sumunod. Napaluha na ako nang makita sa video ang pagkakasunod-sunod ng pagpatay sa mga kaibigan ko.

Si Nico, Connie, Yohan, Vina at Carson.

Nanlaki ang mga mata ko at napahawak sa screen ng makita si Liam na nakaupo sa isang upuan, nakatali at may busal ang bibig. Napatayo ako at hinawakan ang monitor. "LIAM!"

Kita ko ang mga pasa sa katawan niya. May mga dugo ang ibang bahagi ng kanyang katawan. "Liam!" sigaw ko sa pangalan niya habang humahagulgol ako ng iyak.

Biglang naputol ang video at may kung anong file na lumabas sa computer ko na naging dahilan kung bakit na-reformat at nabura lahat ng files ko.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang patuloy na humagulgol dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sa lahat ng nangyayari.

Hindi ko alam kung sino ang taong nasa likod ng mga pagpatay pero ngayon, sigurado akong hindi lang si Angelica ang gustong pumatay saming magkakaibigan at kailangan kong iligtas si Liam...

.fx=Zb.q��!w��

Death MailWhere stories live. Discover now