29th Mail

2K 59 2
                                    

Pagpasok na pagpasok ko sa opisina ay pinagtitinginan na agad ako ng mga nakakasalubong ko. Napapanguso na lang ako dahil nawiweirduhan ako sa mga kinikilos nila...

Nang makarating ako sa desk ko ay nanlaki ang mga mata ko sa mga bulaklak na bumungad sakin. Agad akong napatingin kay Gina na malaki na ang ngisi sakin. "Ano 'to?" turo ko sa mga bulaklak habang inilalapag ang bag ko sa swivel chair ko.

Nagulat ako nang may inabot na maliit na box si Gina sakin. "Ikaw na... Ang haba ng hair mo!" sabi niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya at sa maliit na box na inaabot niya. Kinuha ko ito at binuksan. Ang laman nito ay isang kwintas na may pendant na hugis puso. Nasilaw ako sa mga baton a nakapalibot sa pendant.

Inalis ko ito sa lalagyan niya at itinaas sa ere, kapantay ng mga mata ko. Nagulat ako nang may humawak sa kamay kong hawak-hawak ang kwintas. Lilingunin ko na sana para makita kung sino ito kaya lang ay bigla siyang nagsalita.

"This is to show that my feelings for you is true..." sabi ni Adam at sinuot ang kwintas sakin.

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat upang makaharap siya. Napalunok ako nang magkatitigan kami. "And I'll tell you once again," sabi niya. "Aya, mahal kita..."

Narinig ko ang palakpakan at hiyawan ng mga taong nakapaligid samin. Nangingibabaw pa nga iyong boses ni Gina sa likuran ko.

***

"Ang swerte ni Aya, ano? Biruin mo, nililigawan na siya ni Sir Adam..."

"Hmp! Maswerte si Aya... Malas si Sir Adam..."

"Bakit naman naging malas si Sir Adam? Maganda at mabait naman si Aya, a?"

"Sa panlabas, oo... Pero sa panloob, hindi kaya..."

"Paano mo naman nasabi?"

"E, kasi, chinika sakin nung pinsan ko na nakita si Aya nang minsan siyang nagpunta rito, na 'yang si Aya raw at ang mga kaibigan niya ay mga mamamatay tao..."

"Ano? Totoo ba 'yan?"

"Oo... Dahil sa pambubully nila, nagpakamatay 'yung binubully nila na... Ano ngang pangalan no'n? Ah! Basta! Kaya 'yang si Aya, hindi 'yan mabait!"

"Grabe ka naman makapanghusga!"

"Hindi naman ako nanghuhusga, no! Nagsasabi lang ako ng totoo—"

Natigilan sa pagsasalita ang isa sa mga katrabaho ko na nakasabay naming ni Gina sa banyo. Nanlaki ang mga mata niya sakin, maging ang kasama niya...

"O-o, Aya, k-kanina ka pa ba d'yan?" tanong nung kasama niyang namumutla na.

"Hindi... Kakarating lang rin namin," sabi ko.

Nagtaas ng kilay iyong isang babae. "Tara na, Yayo, marami pa tayong trabaho..." sabi niya at nilagpasan na nila kaming dalawa ni Gina.

Nang tuluyan silang makalabas ng banyo at makalayo ay agad na nagsalita si Gina. "Ano 'yong sinasabi nila, Aya?" tanong ni Gina.

"Hindi naman totoo 'yon, e..." sagot ko saka huminga ng malalim. "Nambully kami ng mga kaibigan ko no'n pero hindi naman naming siya pinatay..."

Tumango si Gina. "Hayaan mo na lang 'yon... Inggit lang siya sa'yo kasi bet niya si Sir Adam na ikaw ang bet..." ngiti ni Gina.

Pinilit kong ngumiti sa kanya. "Hindi ko nga alam kung anong nararamdaman ko para sa kanya, e," sabi ko.

"Hindi mo alam?" takang tanong ni Gina.

Tumango ako. "Hindi ko alam kasi siguro mabilis ang mga pangyayari at..." pinutol ko ang sasabihin ko dapat.

"At ano, Aya?"

"At... dahil siguro may iba akong gusto..." pagpapatuloy ko.

Kumunot ang noo ni Gina. "Sino naman ang karibal ni Sir Adam sa puso mo?"

Huminga ako ng malalim. "Isang kaibigan ko na matagal ko ng gusto na may gusto rin pala sakin... Kaya lang ikakasal na siya..." sabi ko.

"May sabit pala, e... Kaya kalimutan mo na siya at kay Sir Adam ka na lang..."

"Hindi naman gano'n kadali 'yon, no!"

Humarap si Gina sakin. Tiningnan ko siya. "Aya, madaling makalimot lalo na kung gugustuhin mo para sa taong handa kang mahalin ng buong-buo at wala kang kahati..."

Napalunok ako. "Hindi madali kasi mahal ko siya...

***

"Are you alright? Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo..."

Napatingin ako kay Adam na nagsalita habang nagda-drive papunta sa isang restaurant upang kumain ng dinner. "Adam..."

"Oh?" malambing niyang sabi.

"P-pwede bang iuwi mo na muna ako... Sumama kasi 'yung pakiramdam ko bigla," sabi ko. Pero ang totoo, hindi ko lang talaga gustong makasama si Adam sa ngayon.

Tumingin siya sakin saglit at binalik sa daan ang mga mata. "Bakit? Ano bang nararamdaman mo?" tanong niya.

"Sumama lang talaga 'yung pakiramdam ko... Sorry," sabi ko.

Ngumiti siya kahit na alam kong nalungkot siya sa ginawa ko. "Okay lang," sabi niya at agad na sinunod ang hiling ko sa kanyang iuwi niya na ako.

#w"QV

Death MailOnde as histórias ganham vida. Descobre agora