18th Mail

2.3K 83 4
                                    

Nagising ako ng dahil sa ingay ng busina. Dumilat ako at nakitang nasa loob ako ng isang sasakyan. Kaninong sasakyan 'to? At bakit ako nandito?

Umayos ako ng upo at nilibot ng tingin ang buong sasakyan. "Shit," muli na namang tumunog ang busina na nakapagpagising sakin.

"Aya?" tiningnan ko ang tumawag sakin. Nakia ko si Adam. "Nagising ba kita? Pasensya ka na. Parang tanga kasi 'yung kotse na dumaan, e," paliwanag niya.

Tumango-tango ako. "Okay lang," sabi ko. "Pero nasaan ako? Nasaan tayo?" tanong ko.

Napa-iwas ako ng tingin sa kanya nang tumigil ang sasakyan niya. "Nasa tapat ng bahay niyo."

Nanlaki ang mga mata ko at nabalik sa kanya ang mga tingin ko. "Anong ginagawa natin sa tapat ng bahay namin?" tanong ko.

"Kanina sa opisina, hinimatay ka na lang bigla kaya ako na mismo ang naghatid sa'yo dito sa bahay niyo," sabi niya. Napasampal ako sa noo ko.

"Sir, bakit n'yo ginawa 'yon?" tanong ko. "Baka magtaka ang mga ka-opisina ko..."

Kumunot ang noo niya. "Anong ipagtataka nila?"

"Basta, Sir. Mahirap ipaliwanag at kung ikaw ang nasa kalagayan ko ngayon, sigurado akong maiintindihan mo ko kung bakit..." sabi ko at binuksan ang pinto saka humakbang palabas.

Papasok na sana ako sa gate namin nang biglang may humawak sakin sa kamay dahilan para mapalingon ako. Nakita ko si Adam na naguguluhan ang itsura. "Ano bang ibig mong sabihin, Aya?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "Baka isipin ng mga ka-opisina ko na may namamagitan satin..." sabi ko.

Tumawa siya ng mahina at saglit. "Bakit wala ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niyang 'yon. "A-anong sabi mo?"

Binitawan niya ang kamay kong hinatak niya kanina. "Wala bang namamagitan satin, Aya?" tanong niya.

Napalunok ako at napa-isip. Mayro'n ba? Ewan... Baka... Hindi ko alam...

"Aya," pagtawag niya sakin. "Sa'yo ko lang naramdaman 'to. Sa'yo lang talaga at handa akong ipakita 'yon sa'yo," sabi niya.

"A-ano bang ibig mong sabihin, Adam?" tanong ko, naguguluhan pa rin.

Napalunok siya at bumuntong-hininga. Pumikit siya ng mariin pero dumilat rin naman agad. "Good night, Aya," sabi niya at tinalikuran na ako para makasakay sa kanyang sasakyan.

Natulala ako sa may labas ng bahay namin. Kahit na wala na sa paningin ko ang sasakyan ni Adam ay wala ako sa sarili ko. Huminga ako muli ng malalim at inisip maigi ang mga salitang binitawan ni Adam, ngayong gabi...

"Aya,"

Nilingon ko sa gilid ko ang tumawag sakin. Nakita ko si Liam na nakasuot ng kulay gray na hoodie. Nakalagay ang dalawang kamay niya sa bulsa ng hoodie na suot niya.

"Liam,"

Tuluyan ko siyang hinarap at nilapitan. "A-anong ginagawa mo dito? Kasama mo ba si C-cedric?" tanong ko.

Umiling siya at nagsalita. "Umalis sila ni Cedric. Umuwi sila ng Bulacan para dalawin ang pamilya ni Lisa do'n," sabi ni Liam.

"Bakit hindi mo sila sinamahan? Delikado..." sabi ko.

"Ayaw ni Lisa, hindi ko alam kung bakit..." ani Liam at tinanggal ang hoodie niya sa ulo at ang dalawang kamay niya sa bulsa nito. "B-bakit hinatid ka nung boss mo?" tanong niya.

"Hinimatay kasi ako kanina sa ospital, siya lang 'yung naghatid sakin," tugon ko.

"Aya, kayo ba?" derechong tanong sakin ni Liam.

Death MailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon