25th Mail

2K 63 5
                                    

"Huy, Aya!"

Nabalik ako sa wisyo ko nang marinig ang sigaw na iyon ni Gina. Tiningnan ko siya. "Bakit?"

"May naghahanap sa'yo..." sabi niya at umupo sa desk niya.

Kumunot ang noo ko. "Sino?"

Ngumuso si Gina. Sinundan ko ang direksyon ng nguso niya at nanlaki ang mga mata ng makita ko si Carson na nakapamulsa at talagang parang hinihintay ako.

"Ano? Kilala mo ba 'yan?" tanong ni Gina.

Tumango ako. "K-kaibigan ko 'yan," sabi ko.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at lumapit kay Carson. Napalunok pa ako nang tuluyan akong makalapit sa kanya. "A-anong ginagawa mo dito, Carson?" tanong ko.

Tumingin siya sa paligid namin. "Lunch break mo na ba?" tanong niya.

Tumingin naman ako sa relo ko at sakto namang lunch break ko. "Oo. Bakit?"

"Iimbitahan sana kita mag-lunch..." sabi niya.

"S-sige, paalam lang ako saka kunin ko lang b-bag ko..."

***

Nakatingin lang ako sa plato sa harapan ko simula nung dumating kami ni Carson sa isang restaurant kung saan dinala niya ako para makapag-lunch at makapag-usap kami.

"Aya,"

Nag-angat ako ng tingin kay Carson. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin.

"I-I'm sorry..." sabi niya. "Sorry do'n sa nangyari sa ospital... H-hindi ko gustong saktan ka... I was just so hurt because of Vina's death, at nung sabihin mo na baka nagpakamatay si Vina dahil sa nasaktan siya sa akala niya ay panloloko kong ginawa sa kanya, siguro nga kasi naisip ko na baka tama ka,"

"C-carson..."

"Pero, Aya, hindi ko naman talaga gustong saktan si Vina. Ayoko siyang saktan," sabi niya. "Kasi mahal na mahal ko siya," sabi ni Carson ng umiiyak.

"N-naiintindihan ko, Carson," sabi ko. "Naiintindihan ko at okay lang 'yon," sabi ko.

***

"Next week siya ililibing..." malungkot na sabi ni Carson habang sinasabi sakin kung kailan ililibing si Vina.

"Hindi ako makadalaw kasi iniisip ko na baka kapag makita mo ko do'n ay magalit ka at palayasin lang ako," sabi ko nang hindi ako nakadalaw sa burol ni Vina ng tatlong araw simula nang mamatay siya.

"Pagkatapos akong kausapin ni Liam nung araw na 'yon, okay na ako..." sabi niya.

"Sorry rin... Hindi ko dapat sinabi sa'yo 'yon..." sabi ko.

Ngumiti si Carson. "Okay na tayo?" tanong niya.

Tumango ako at ngumiti. "Oo naman," sabi ko.

***

Pagkatapos naming magkausap at kumain ni Carson ng lunch ay hinatid niya rin ako pabalik sa opisina. Saktong pagsakay ko sa elevator paakyat ay tumunog ang cellphone ko. Agad ko itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Nakita ko ang isang unregistered number sa screen ng cellphone ko. Kumunot ang noo ko at nagdalawang isip kung sasagutin ko ba o hindi.

Ilang ring bago tumigil at mawala sa screen ko ang unregistered number na tumatawag.

Tumigil ang elevator. Napatingin ako sa may taas nung pinto ng elevator kung saan makikita mo kung nasa anong floor ka na. Napabuntong-hininga ako nang makitang tatlong palapag pa bago ko marating ang floor ng opisina namin.

Death MailWhere stories live. Discover now