Epilogue

3.7K 97 19
                                    

Nagising ako may kumakalas na ng tali sa kamay ko. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. May isang anino ng babae akong nakita sa may pintuan. "Liam, bilisan mo... Baka maaabutan tayo ni Adam," sabi nung babae.

May humawak sa balikat ko. Naramdaman kong nakawala sa pagkakatali ang aking mga kamay at paanan. "Aya," tawag ni Liam sakin.

"Liam!" humagulgol ako at niyakap siya. Ilang sandali ang lumipas, kumalas si Liam sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

"Okay ka lang ba? Sinaktan—" natigilan sa pagsasalita si Liam nang makita ang dugo sa pagitan ng hita ko at may mga pasa ako sa mukha. "Hayop siya!" sabi ni Liam at hinawi ang buhok ko. Nang makapa niya ang sugat sa likuran ng ulo ko ay napadaing ako at nakita niyang may dugo ito. "Hayop talaga siya!"

"Liam!" sumigaw si Lisa. "Tama na 'yan! Maabutan kayo ni Adam! Bilisan niyo!"

Tinulungan ako ni Liam tumayo at inalalayan maglakad. Saktong pagkalabas namin ng kwarto ay may narinig kaming kotse na nagpark sa may front door ng bahay.

Nataranta si Lisa. "Liam, sa likuran na kayo dumaan..." sabi ni Lisa nang makarating kami sa baba at aktong dederetso na siya sa may sala para salubungin si Adam.

Hinawakan ko si Lisa sa kamay niya. "Lisa, sumama ka na samin... Baka patayin ka niya," sabi ko.

Ngumiti si Lisa kahit na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalinlangan. "Asawa ko siya, Aya... Mahal ko siya at alam kong mahal niya rin ako..." sabi niya. "Bilis! Umalis na kayo!"

Pagkarating namin ni Liam sa kusina ay agad naming binuksan ang back door at lumabas. Hindi pa man din kami nakakalayo ay nakarinig kami ng sigawan at limang putok ng baril.

Napalingon kami ni Liam sa bahay at nakitang nakatayo si Adam sa pintuan ng back door. "BUMALIK KAYO DITO!!!" sigaw niya at tumakbo.

Tumakbo na rin kami ni Liam. Pero ilang sandali pa lang kaming nakakatakbo at nakikita ko na si Adam na medyo malapit na samin ay nakaramdam na ako ng pagod. "Liam, tumakbo ka na..." sabi ko at unti-unting natigilan sa pagtakbo.

"Hindi kita iiwan dito, Aya!" sabi niya at pinilit akong buhatin.

"Liam! Please! Iwan mo na ako dito!" sabi ko at tinulak siya.

"Aya! Ano ba! Hindi kita iiwan sabi, e!" sigaw niya.

Nagulat kami ni Liam nang may marinig kaming putok ng baril, hindi kalayuan sa kinatatayuan namin. Nilingon naming 'to at nakita si Adam na nkatutok sa taas ang baril at umuusok pa.

Dahan-dahang lumapit si Adam samin. "Hanggang sa huli, kayo pa rin ang magkasama?" humalakhak si Adam. Ibinaba niya ang baril at itinutok saming dalawa ni Liam. "Mga p*tang*na kayo! Bakit ba hindi pa kayo magsipagmatay?!" hiyaw niya.

"Aya! Takbo!" sigaw ni Liam at lumapit kay Adam para agawin ang baril. Sinipa ni Liam si Adam pero hindi ito natinag. Sinapak ni Adam si Liam dahilan para mapahiga ito.

"LIAM!" sigaw ko. Lumapit ako kay Adam at tinangkang agawin ang baril pero tinaldyakan niya ako at hinampas nung baril na hawak niya sa aking ulo dahilan para mapahiga ako sa sahig at mahilo.

Nagpatuloy sila sa agawan ng baril. Halos mabaliw ako nang makitang mas naitututok ni Adam ang baril kay Liam. "ADAM!!! TIGILAN MO NA 'TO!!!" sigaw ko, nakahiga pa rin sa gilid ng kalsada.

"Hindi ako titigil! P*tang*na ka! Tumahimik ka d'yan! Papatayin ko muna 'tong gagong 'to at ikaw rin ang isusunod ko!"

"Aya! Tumakbo ka na! Tumakas ka na!" sabi ni Liam habang hirap na hirap nang itutok kay Adam ang baril na nakatutok sa kanya.

"WAAAAAAAAH!!! MAMAMATAY KA NA NGAYON!!!" mala-demonyong sabi ni Adam at humalakhak nang tuluyan niyang matapat kay Liam ang baril. "P*TANG*NA MO!!! MINAHAL KA NG ATE KO PERO GINAGO MO SIYA!!!" sigaw ni Adam at kinalabit ang baril.

"LIAM!!!" sigaw ko.

Dumaloy ang dugo ni Liam papunta sakin dahilan para mapahagulgol ako. Dahan-dahang lumapit sakin si Adam habang nakatutok sakin ang baril.

"Para sa kapatid kong si Angelica Bermudez..." sabi niya. "MAMAMATAY KA NA NGAYON, AYA!!!" sigaw ni Adam. Hinintay ko na marinig ang pagputok ng baril ni Adam pero isang busina ng trak ang narinig ko na siyang sumagasa kay Adam.

Hindi ko na inintindi si Adam. Gumapang ako palapit kay Liam at hinaplos ang kanyang buhok. "L-liam..." banggit ko sa pangalan niya.

Unti-unting lumabo ang paningin ko at nagdilim.

***

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Bumungad sakin ang mukha ng mga mukhang pamilyar sakin. Sina mama, papa, Jonas, Precy at Laura...

"N-nasaan ako?" tanong ko.

"Anak, Aya, nasa ospital ka..." sagot ni mama.

"Si Liam? N-nasaan siya?" tanong ko ulit.

Nagkatinginan silang lahat. "Aya, magpahinga ka na muna..." sabi ni papa.

"N-nasaan si Liam?"

"Aya, w-wala..." huminga muna ng malalim si mama bago magsalita muli. "Wala na siya... Dead on arrival siya..." sabi ni mama.

Nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko sa mga oras na 'to...

"Anak, ano ba talaga ang nangyari?" tanong ni mama, maluha-luha na rin.

"Gusto niya akong patayin... Gusto nila kaming patayin... Isa-isa... Binabawi niya ang mga buhay namin para pagbayaran ang kasalanang nagawa namin sa kapatid niya..." sabi ko.

"Anak, sino? Sino ang tinutukoy mo?" tanong ni papa.

Dumating ang isang nurse. "Pasensya nap o pero lagpas na po ng visiting hours," sabi niya kina mama at papa.

Hinawakan ni mama ang kamay ko. "Babalik kami bukas, anak..." sabi niya.

Umiling ako. "Ma, huwag niyo kong iwan... Ma! Please! Ma!" nagwawala na ako.

"Sige na po, misis... Ako po ang mapapahamak niyan..." pagtataboy nung nurse sa pamilya ko. Nang tuluyang makalabas sila mama, mabilis ang tunog na nilikha ng aparato sa gilid ko.

Nanatili ang tingin ko sa aparato dahil sa kuriosidad na namumuo sa isipan ko.

"Okay, ma'am, matulog na po kayo ng mahimbing para makasama niyo na 'yung taong mahal niyo..."

Nagulat ako sa sinabing 'yon ng nurse. Dahan-dahan kong inilipat ang tingin ko sa kanya. Nakayuko siya at para bang tinitingnan ang kamay kong may suwero.

"Anong sabi mo?" tanong ko.

Hinawakan niya ang kamay ko at diniinan ang hawak. Naramdaman kong parang bumabaon ang karayom sa loob ng kamay ko.

Nag-angat ng tingin 'yong nurse at nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ni Angelica sa kanya. Tumaas ang balahibo ko dahil sa dugong tumutulo sa kanyang mukha at mga matang walang bahid ng itim.

"Kung inaakala mong tapos na ang paghihiganti ko, pwes, mali ka... Kasi..." pinutol ng isang mala-demonyong halakhak ang kanyang sinasabi. "Matatapos lang 'to kapag namatay ka na..."

The End

clicԞ�����

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 19, 2015 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Death MailWhere stories live. Discover now