2nd Mail

4.9K 158 2
                                    

2nd Mail

Isang linggo ang nakalipas, nailibing na si Nico pero hindi pa rin alam ng mga magulang nito ang nangyari dahil ayaw pa rin sabihin ni Connie. At mailibing si Nico, hindi na naging katulad ng dati si Connie. Palagi na lang siyang tulala at wala sa sarili. Madalas tuwing gagala ng magkakasama ang barkada, naiiyak na lang si Connie dahil naaalala niya si Nico. Kami naman, hindi naming maiwasang hindi mag-alala. Na-postponed rin ang reunion dahil nabalitaan ng school board ang nangyari kay Nico.

"Connie, kumain ka na." sabi ko sa kaibigan ko na dalawang araw ng hindi kumakain. Wala ang mga magulang ni Connie, sa pagkakaalam ko, nasa States ito para sa isang business trip.

"Ayoko, Aya. Hayaan mo na lang ako, please." Sabi niya.

"Hindi pwede, Connie." Sabi ko. "Kaya please, kumain ka na. Napapagod na 'kong alagaan at intindihin—"

Pinutol niya ang sasabihin ko. "Kung napapagod ka na, iwan mo na ako... Hayaan mo na akong mamatay para makasama ko na si Nico!" ani Connie.

Sinampal ko siya. Umiyak siya kaya niyakap ko siya. "Shh." Sabi ko.

Patuloy sa pag-iyak si Connie, kumalas ako sa yakap. "Huwag mong isipin na dahil patay na ang taong inaasahan mong kasama mo habang nabubuhay ka ay ibig sabihin rin ay patay ka na rin... Marami pa kaming nabubuhay na nakapaligid at umaasa sa'yo, Connie." Sabi ko.

"Sorry..." sabi niya at niyakap ako ulit.

"Okay lang. Okay na." sabi niya.

"Ma'am! Ma'am!" Naputol ang pag-uusap namin ni Connie dahil sa katulong nilang humahangos ng akyat papunta sa kwarto.

"Ano 'yon, manang?" tanong ni Connie.

"May naghahanap po sa inyo sa telepono." Sabi nung maid at umalis na. Nagkatinginan kami ni Connie at nagpalitan ng ngiti. "Please, Connie, sabihin mo na sa mga magulang ni Nico na wala na siya. Karapatan  nila 'yon."

Tumango si Connie. "Sasabihin ko na, Aya. Natakot lang talaga ako no'n." sabi niya.

***

Dahan-dahan na ibinaba ni Connie ang telepono. Malungkot ang kanyang mukha kaya agad akong umupo sa tabi niya at hinawakan siya sa balikat. "Bakit, Connie? Anong nangyari? Sino 'yung tumawag?" tanong ko.

Tumingin siya sakin, nangingilid ang mga luha sa mata, "Mga magulang ni Nico." Sabi ni Connie.

Nanlaki ang mga mata ko. "A-alam na nila?"

Tumango si Connie. "Galit na galit sila, Aya! Anong gagawin ko?! Si Liam daw ang nagsabi sa mga magulang ni Nico tungkol sa nangyari sa kanya," at tumuloy na ang luha ni Connie. Agad ko siyang niyakap.

"Shh. Shh. Kakausapin ko si Liam..."

***

Naglalakad ako ngayon papasok sa isang restaurant kung saan nagtatrabaho si Liam. Sikat ang restaurant ni Liam kaya palaging maraming tao rito. Pagkapasok ko ay agad akong sinalubong ng isang babae. "Table for?" tanong nung babae. Napagtanto kong siya iyong sumasalubong sa mga customer.

Umiling ko. "Nandyan ba si Liam?" tanong ko.

"Si Sir Liam po?" tanong niya.

Magsasalita na sana ako nang biglang may magsalitang lalaki sa likod nung babae. Tiningnan ko siya. Lumingon iyong babae at nagsalita. "Sir, hinahanap po kayo." Sabi niya.

Tumango ang nakapamulsang si Liam at nagsalita. "Ako ng bahala sa kanya, asikasuhin mo na lang ang ibang customers." Sabi niya at bumaling ng tingin sakin. "Dun tayo sa office ko."

Tumango ako at sumunod sa kanya. Nang makarating kami sa office niya ay umupo siya sa swivel chair at ako naman ay pinaupo niya doon sa upuan sa harap ng table.

"Liam..." Pagtawag ko sa pangalan niya.

"Alam ko na ang sasabihin mo, Aya," sabi niya at may kung anong tsinekan na papel sa table niya. "Kung bakit sinabi ko sa mga magulang ni Nico na patay na ang anak nila..." dagdag niya at nag-angat ng tingin.

"Oo. Bakit mo pinangunahan si Connie?—" Hindi pa man din tapos ang sasabihin ko ay nagsalita na si Liam.

"Nagkita kami ng mga magulang ni Nico nung umuwi ako sa Bicol. Isang linggo na ang nakalipas simula nung ilibing si Nico kaya inisip ko nung mga oras na 'yun, na dapat lang na sabihin na sa kanila lalo pa't nakikita ko na si Connie ay wala sa sarili niya." Sabi niya.

"Hindi mo pa rin dapat pinangunahan si Connie." Mariin kong sabi at nag-iwas ng tingin,.

"Pinangunahan man o hindi, ikaw na rin ang nagsabi, na karapatan nilang malaman dahil anak nila si Nico..." nabalik ang tingin ko kay Liam nang sabihin niya 'yan.

"Alam mo bang galit na galit sila sa kaibigan natin dahil hindi niya sinabi na patay na si Nico?" Sabi ko.

"Oo. Natural lang 'yon..." sabi niya. "Dahil, Aya, kasalanan 'yon ni Connie..."

"Alam ko, Liam. Kasalanan ni Connie 'yon pero sana intindihin mo rin ang side niya." Sabi ko at tumayo na. "Bilang kaibigan niya..." dagdag ko. Tinalikuran ko siya at naglakad papunta sa pintuan.

"Wala akong kakampihan dahil hindi ko naman problema 'yan. Problema 'yan ni Connie." Sabi niya na nakapagpatigil sakin sa pintuan.

Nilingon ko siya. "Pero kung sakaling kailanganin niya ang tulong ko, nandito lang ako. Bilang kaibigan niya..." sabi niya at bumalik na sa ginagawa niya. Binuksan ko ang pinto at tumapak na palabas ng opisina niya.

Death MailKde žijí příběhy. Začni objevovat