28th Mail

2K 62 16
                                    

"Knock, knock,"

"Who's there?"

"My thoughts..."

"My thoughts who?"

"My thoughts... My knees... My shoulder... My head..."

Mariin kong tiningnan si Adam nang sabihin niya ang isa sa mga corny knock-knock jokes niya habang kumakain kami.

Hindi ko akalain na ang isang anak ng may-ari ng isa sa mga pinakamalaking kumpanya ay may kakornihan sa katawan at kakengkoyang alam...

"Last na 'yan, huh?" biro ko.

"Sorry naman," tumatawa pa din siya sa sarili niyang joke. "Ngayon ko na lang kasi ulit nasabi sa isang tao 'yung mga jokes ko," sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Ngayon na lang ulit? Bakit kanino mo ba sinasabi dati?"

Ngumiti siya. "Isang taong mahal na mahal ko rin..."

"Girlfriend mo?" tanong ko.

Umiling siya. "Hindi,"

"Ah, ex-girlfriend?" pangungusisa ko.

Humagikgik siya. "Hindi," sagot niya. "Kapatid ko,"

Natulala ako sa sinabi niya at tila nanigas sa kinauupuan ko. "M-may kapatid ka?"

Hindi ako makapaniwala dahil ang alam ko, nag-iisang anak lang si Adam. 'Yun ang alam ng lahat ng nasa opisina at ng buong mundo na nakakakilala sa pamilya ng mga Veloso.

Tumango siya. "Yes, but unfortunately, she died..." sabi niya.

Napalunok ako. "S-sorry,"

Huminga siya ng malalim at halatang pinilit ang ngiti. "It's okay..."

***

"Aya, are you alright?"

Napatingin ako kay Adam. Napagpasyahan naming maglakad na muna sa park na malapit lang sa restaurant kung saan kami kumain ng dinner.

"Oo naman," sabi ko at nag-iwas ulit ng tingin sa kanya. "Ba't mo naman naisip na hindi ako okay?"

"Napansin ko kasi na kanina ka pa tahimik at parang may iniisip..." sabi niya. "Dahil ba 'to do'n sa kinuwento ko na may kapatid ako?" tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "Alam ko wala ako sa posisyon para tanungin sa'yo ang mga tanong na kanina pa gumugulo sa isipan ko..."

Narinig ko na naman ang mahinang pagtawa ni Adam. Tiningnan ko siya. Nakatingin na rin pala siya sakin. "Okay lang... Wala na rin naman akong ibang nakikita pa na pwede kong pagsabihan..." sabi niya.

"A-anong nangyari sa kapatid mo? B-bakit ang alam lang namin ay ikaw ang anak ng mga Veloso?" tanong ko.

"Ako lang naman talaga ang anak ng mga Veloso..." panimula ni Adam. "Anak ako ng daddy sa ibang babae,"

"H-hindi ka anak ni President Veloso kay Ma'am Patricia?" pangungusisa ko.

Umiling siya ng nakangiti at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. "Hindi... At hindi rin niya ako tanggap,"

Tumango lang ako sa kuwento niya sakin. Maraming tanong pa rin ang bumabalot sa isipan ko pero nahihiya na akong magtanong pa kay Adam.

"Hindi mo ba tatanungin kung bakit kinuha ako ng daddy ko sa mama ko at hindi na sila nagkaanak pa ni mommy?"

Tumingin ako kay Adam nang magtanong siya. Nakaramdam ako ng pagkahiya. Nababasa niya ang nasa utak ko. "B-bakit?"

Ngumisi siya. "Kasi hindi pwedeng magkaanak si mommy dahil hindi niya kaya..."

Death MailWhere stories live. Discover now