19th Mail

2.2K 73 0
                                    

Naunang umalis si Adam dahil may ginagawa pa raw siya sa opisina. Hindi ko maiwasang hindi mahiya dahil naabala ko siya sa mga trabaho niya. Nagpasalamat rin ako kay Gina sa lahat ng tulong na nagawa niya para sakin bago siya umalis at umuwi.

"Sayang," sabi ni Vina. Kasama niya si Carson na dumalaw sakin. "Hindi namin naabutan 'yung boss mo," dagdag niya.

Umiling ako. "Vina naman, wala nga kaming relasyon no'n. Pati, na-ospital na ako, 'yan pa rin ang iniisip mo..." sabi ko.

"Eto naman," sabi niya. "Syempre, nag-aalala kami sa'yo, no. Nanghinayang lang ako kasi hindi ko nakita 'yung boss mo,"

"Gano'n rin 'yon," mahinhin kong tawa.

"Osya, aalis na kami ni Carson, baka kasi ma-late kami sa trabaho namin, e," sabi ni Vina at sinuot ang bag niya.

Naalala ko agad na night shift nga pala ang dalawang 'to sa trabaho nila. "Sige, salamat sa pagdalaw, huh," sabi ko.

Ngumiti si Vina at niyakap ako ng saglit. "Wala 'yon. Pagaling ka, huh? Bye, Aya." sabi sakin ni Vina.

Tumingin sakin si Carson at ngumiti. No'n pa man, hindi kami masyadong close nitong si Carson. "Sige, Aya," sabi niya.

"Tita, alis na po kami," sabi ni Vina. Tumingin pa siya sakin ulit at ngumiti bago umalis ng kwarto.

***

"Aya, bakit hindi mo inimbitahan ang boss mo?" tanong ni Vina sakin habang naka-upo kami. Ngayon ang birthday party ni Carson na inasikaso ng girlfriend niyang si Vina.

"Hindi ko nga na-imbita kasi nahiya na ako..." sabi ko.

Nandito ngayon ang mga kasamahan ni Carson sa call center, ang ilan ay mga kasamahan ni Vina sa ospital. Nilibot ko ang tingin ko sa buong paligid. "Si Liam ba pupunta?" tanong ko.

Umiling si Vina at ininom ang kanyang cocktail. "Hindi daw siya makakapunta... Marami raw siyang inaasikaso."

Bigla kong naalala na ikakasal nga pala sila ni Lisa. Ibig sabihin, hindi pa nasasabi ni Liam kina Vina ang tungkol sa kanila ni Lisa at kay Cedric?

"Buti hindi nagtampo si Carson..." sabi ko.

Ngumiwi siya. "Paano magagalit si Carson, e, binigyan siya ng regalo ni Liam..."

"Anong regalo?" tanong ko.

"Ewan ko... Hindi sinabi sakin ni Carson," sabi ni Vina.

"Teka, nasaan na ba si Carson? Hindi ko pa nababati 'yon ng 'Happy Birthday!'" sabi ko.

"Kasama niya 'yung mga kaibigan niya sa trabaho..." sagot niya.

Ngumuso ako. "O, e, bakit parang may away kayong dalawa?" tanong ko.

"Mayro'n nga..." sabi niya at uminom na naman ng isa pang cocktail. Napansin kong medyo tipsy na siya.

"Vins, marami ka ng naiinom, tama na..." sabi ko.

"Huwag mo nga akong pigilan, Aya... Tsk," galit niyang sabi. "Kung hindi ko lang mahal 'yong gago na 'yon, matagal na akong nakipag-hiwalay sa kanya," sabi ni Vina.

Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit naman? Ano bang nangyari?" tanong ko.

"Kagabi, nag-away kami kasi ayaw niyang ipakita sakin 'yung inbox niya," sabi niya.

"Bakit daw?" tanong ko ulit.

"Malamang may tinatago," sabi ni Vina.

"E, baka naman sorpresa para sa'yo 'yung tinatago niya sa inbox n'ya," sabi ko.

"Sorpresa? Malabo, Aya... Wala naman sa bokabularyo n'yan ang surprise. Ang sabihin mo, may katext siyang babae at ayaw niyang ipaalam sakin kasi mabubuking ko ang relasyon nila!"

"Vina!" tawag ko sa kanya ng lagukin niya ang cocktail niya. "Napapa-praning ka na naman," sabi ko.

"No, Aya! Hindi ako napa-praning!" sabi ni Vina, tumayo siya. "Niloloko ako ni Carson..." sabi niya at nag-walk-out. Mabuti na lang at malakas ang music kaya hindi nila narinig ang usapan namin ni Vina.

Kinuha ko ang bag niya na iniwan niya sa mesa pati na rin ang bag ko. Sinundan ko siya pero nawala na siya sa paningin ko nang may makabangga sakin. Tiningnan ko muna ito, nakayuko ito at pinupulot na ang mga gamit na nalaglag sa bag na dala-dala ko.

Bumuntong-hininga ako at yumuko na rin. Tinulungan siyang magpulot. Nang matapos kaming dalawa sa pagpupulot ay sabay kaming nag-angat ng tingin.

Nanlaki ang mga mata ko samantalang siya ay ngumiti. "Aya?"

"Adam?" tanong ko at kinuha agad sa kanya ang bag ko. "Anong ginagawa mo dito?"

Hindi nawala ang ngiti sa kanyang mukha. "Ikaw? Anong ginagawa mo dito? May kaibigan ako na inimbitahan ako dito..." sabi niya.

Kumunot ang noo ko. "Sinong kaibigan mo?" tanong ko.

"Si Carson Angeles," sabi niya.

"Kaibigan mo si Carson Angeles?" tanong ko. "Boyfriend siya ng kaibigan ko at kabarkada ko rin..."

"Small world, eh?" tawa niya. "O, e, bakit parang humahangos ka? Anong problema?"

Magsasalita na sana ako ng may marinig akong ingay na nanggagaling sa loob ng bahay. Napalingon rin si Adam sa ingay. "Ano 'yon?" tanong ni Adam.

"Hindi ko alam," sagot ko. Agad akong nagtungo kung saan nanggaling ang ingay na 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita si Vina na nagwawala at pinaghahahampas si Carson. Napatingin naman ako doon sa babaeng nasa likuran ni Carson.

"Vina! Vina! Vina!" sabi ko at nilapitan si Vina, inawat ko siya sa paghampas kay Carson. Nagulat ako nang tumulong si Adam.

"Hayop ka! Hayop! Ang kapal ng mukha niyo! Ang kapal ng mukha mo!" sigaw ni Vina kay Carson.

Tumingin ako kay Adam. "Dala mo ba ang kotse mo?" tanong ko. Tumango siya. "Pakidala muna siya sa kotse mo, please? Salamat."

Agad namang sinunod ni Adam ang sinabi ko sa kanya. Inalalayan niya si Vina at binuhat na ito. Bumaling ako ng tingin doon sa babae bago binalingan ng tingin si Carson. "Ano 'to?" tanong ko.

"Aya, it's not what you think it is," sabi niya.

"Pwes, ano, Carson? Anong nangyari?" tanong ko.

"Nahuli kami ni Vina na naghahalikan. I didn't want that to happen... Hindi ko gustong mangyari ang nakita ni Vina," sabi ni Carson. "Alam mo namang mahal ko ang kaibigan mo, Aya, di ba?" tanong niya.

Napalunok ako at tumango-tango. "Mahal ka rin n'ya, Carson," sabi ko. "Mahal na mahal ka ng kaibigan ko..."at naglakad na palayo sa kanila.

***

"Adam, paano nga pala kayo nagkakilala ni Carson?" tanong ko kay Adam. Nasa loob na kami ngayon ng sasakyan niya at bumabyahe papunta sa bahay nila Vina.

"Sa isang party rin..." sabi niya.

Tumango ako. Nagulat ako nang biglang magsalita si Vina sa likuran. "Adam? Ikaw ba 'yung boss na jowa nitong si Aya?" tanong ni Vina, lasing na lasing.

Nanlaki ang mga mata ko. Tiningnan ko si Adam, ngiting-ngiti.

"Vins, boss ko siya. Hindi jowa," sabi ko.

"Gwapo siya, Aya, may taste ka talaga..." sabi niya. Nagulat ako nang bigla niyang pagsabihan si Adam. "Ikaw, huh, huwag mong sasaktan ang kaibigan ko, fragile 'yan kaya kapag nasaktan, sobra-sobra..." sabi niya.

Napailing ako at napasapo sa noo. "Vins, lasing ka... Kaya hindi mo alam ang mga sinasabi mo..."

Napatingin naman ako kay Adam na ngiting-ngiti. "Bakit ganyan ka maka-ngiti?" tanong ko.

"Wala..." sabi niya. Ramdam ko ang pag-akyat ng lahat ng dugo ko sa pisngi ko.

.lengt,f9

Death MailTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon