C H A P T E R: 50

CONSONANT
P.O.V

ANG ulan na akala namin na titila rin ay nauwi na sa bagyo. Jusko! Mabuti na nga lang at puno kami ng mga stocks ng pagkain---salamat sa'ming sponsor na si Drape my crushiecakes so sweet. Kung hindi dahil sa kaniya, baka adobo na dagang bukid ang ulam namin. Kawawa ang mga anak ng dilim. Kapag nalaman nila na dagang bukid ang ulam namin baka sumpain na nila ako. Literal na sumpa dahil nag aaral sila ng mahika blangka.

Huhu, thankful talaga ako dahil may kaibigan ako na mayaman at madaling mahuthutan---eme! And speaking of my bff's, ilang araw na walang tigil sa pagme-message sa akin si Letter. Inaalok niya ako ng trabaho sa kaniyang kumpanya. Agad naman ako ng nag 'no', dahil duh? Baka kasi gawin niya akong secretary niya, e mas gusto ko ako iyung CEO! Hindi ako binuhay sa mundong ito para alilan lamang!

Aba, ng malaman ang rason sa pag ayaw ko sa inalok niya ay minura ba naman ako ng lechugas! Feeling pretty---e maitim naman ang singit. Buwisit na buwisit tuloy sa'kin kaya agad ako pinagbantaan. Kailangan ko raw pumunta sa birthday niya sa March, kung hindi friendship over na raw kami. Ano akala niya sa'kin 'hello'? Pake ko naman sa kaniya--- joke lang. Ahe!

Um-oo na lang ako tutal simpleng birthday celebration din lang naman kaya okay lang sa'kin. Basta may pa letchon siya at puwede umuwi ng mga handa niya---'di go! Pero alam ko kung bakit siya sa akin napatawag. Hindi iyun tatawag kung hindi importante.

Pagkasabi niya sa'kin ng kaniyang birthday, natunugan ko na agad na hindi siya masaya at parang namomoblema base sa kaniyang tono every call niya sa'kin. Ang galing ko, ano? Mabilis ako makiramdam.

Ang galing ko nga talaga, dahil akala ko masama ako na human being pero hindi niyo nahulaan na isa pala akong manghuhula. Nakakaramdam ako ng something na hindi niyo nararamdaman dahil hindi kayo ang bida, mga extra lang kayo sa'king story!

Pero anyways, nakaramdam ang puwet ko ng pagkabagabag dahil baka nawalan ng 1 million si Letter, sayang iyun e, uutangin ko pa naman sa kaniya.

Namura nga ako dahil kahit daw sa pag-o- overthink ay may kasama pang pera. Siyempe ako pa? E gusto ko ng pera!

At heto na nga ang nalaman ko na pangmalakasan na chismis. Nararamdaman niya raw na magpo-propose si Drape sa kaniya---ika 10th proposal na pala ng beshiwaps ko. Nakakalungkot nga dahil bukod sa pinapatugtog ng bruha ang pusong bato sa kaniyang pagdadrama, naawa ako sa kanilang dalawa.

Honestly noong narinig ko na sinabi niya sa'kin iyun, hindi ako makapaniwala. Namroblema ako agad sa dalawa dahil kung tutuusin, sa edad nila na yan, puwede na sila bumuo ng pamilya.

Basta never ever lang nila ako gawin ninang. Kuripot ako e.

Nalulungkot nga lang ako ng malaman kung bakit ayaw pa rin ni Letter maikasal sa love of her life niya.

Iyun ay dahil daw sa'kin.

Namura ko nga siya dahil ba't ako nadamay? Nag-conclude nga ako na baka sa'kin talaga na-fall si Drape, pero ang bruha rinatratan na agad ako ng mura at pagbabanta. Siyempre, eme lang naman iyun. Nakasira na nga ako ng relasyon, uulitin ko pa ba sa matalik kong kaibigan?

Na guilty ako mga besh. Ang noo ko na kasing mukha ni Angelina Jolie ay nagka-wrinkles. Nalaman ko na kaya ayaw niya magpakasal ay dahil una, hindi pa nila ko nakikita at ang pangawala ay dahil hindi siya tanggap ng pamilya ni Drape.

Alam ko kung paano pinapahalagahan ni Letter ang pamilya dahil ulilang lubos na din kasi ang bruha. Natatakot din siya kung paano kung magkaanak sila at hindi matanggap ng pamilya ng lalaki? Ayaw niya maging saling pusa lang ang mga anak niya. Kahit makapal ang mukha ni Letter in the outside, sa loob naman ng kaniyang puso ay nasasaktan siya. Malaki lang ang boobs noon, pero mas malaki ang pagmamahal niya sa talong ni Drape---I mean sa kaniyang lovely Talong.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now