°XLVIX

7 1 0
                                    


C H A P T E R: 49

"Mama?"

Liningon ko si Arkus. Gising na pala ang batang 'to. Hindi ko na muna sila iniwan habang natutulog dahil gusto ko pagmasdan ang kanilang mga mukha.

Yuck! Kaplastikan---pwe!

"Mama?"

Kaya no choice ako kung hindi gumawa ng maikling orasyon. Kahit naiinis na ako sa mga sleep talk na naririnig kong patungkol sa'kin ay hinayaan ko na lang. Tutal ganito na talaga ang buhay ng isang bida. Naghihirap, naghihikaos, tired with a lots of exhaustion.

Shala! Ang galing ko for todays' chapter!

"Mama? Nabubuang ka na naman po ba? Ito talaga si Mama! Ang gulo ka-talk,"

So hindi ko muna pinansin ang naghihimutok kong anak na halata naman na kulang sa tender love and care ko!

Kanina niya pa ako tinatawag pero hindi ko siya pinapansin.

Hinayaan ko muna siyang kalbuhin niya ang sarili dahil kitang kita ko ang hawak niya na namumurol na gunting. Ewan ko ba rito kay Arkus at nawawalan na naman siya sa sarili.

Pinakielaman ko na lang ayusin ang kanilang mga damit na pinagugulo nila. Nahahati sa limang pahaba ang kanilang mga damitan na regalo ng kanilang Ninong Drape.

Hinihintay ko sila magising. Ewan ko kung ano ng nangyari sa mga iniwan ko na buwisita sa sala

Ang mahalaga ay important.

"Mama may first communion na kami, punta ka dapat sa school at ilista mo pangalan namin ng mga kakosa ko."

Napangiwi ako sa huling sinabi ni Arkus. Honestly nasa tabi ko na siya ngayon at nagtutupi din ng mga damit nila. Relax lang ako kahit napapansin kong puro jejemon outfits ang nakikita ko sa mga aparador nila. Merong pakpak ng uwak, buntot ng dragon, bunganga ng tiktik. May natagpuan pa ako na tirahan ng mga daga na busy mananghalian. Sama-sama nila pinagsasaluhan ang mga brief ng mga anak ko.

Hinayaan ko na lang tutal kawawa naman.

Sinulyapan ko si Arkus at halos manlaki ang mga mata ko ng makita ang bago niyang hairstyle for today's chapter at brought to you by, palmolive shampoo.

Jusko day! O to M to the G! Kailan pa naging fan ng Dora na lakwatserang shunga ang anak kong ito? Gumupit ng bangs niya si Arkus at dahil may kahabaan ang kulot nito na buhok, nagmukha na siyang girl version ko noong akoy bebe girl pa.

"Anak, magsabi ka nga ng totoo . . . bakla you ka ba?"

Suminghap ang anak ko. OA ang walanghiya kaya tinulak ko. At dahil OA siya nagpagulong gulong ang batang pasaway. Ngayon ko lang napansin na kulay pink ang suot niyang t-shirt at naka orange na short.

Dora nga!

"Mama hindi naman talaga ako si Vowel Arkus, ang pogi na guwapo yow niyong anak,"

Sinasabi niya iyun habang siya ay nagra-rap.

"Kung hindi ka si Arkus sino ka?"

Ngumiti siya sa'kin at tumingala sa kisame.

"Nakikita mo ba ang mga bituin Ma? Look and see the sky in the night sky and see the stars."At binato ko sa mukha niya ang kaniyang brief.

"Ako si Dora Explorer, na buhay lang ako sa mundong ito para gabayan kayo," napa-tsk ako. Anong pinagsasabi niya? E mas mukha pa nga na kailangan niya ang gabay kesa sa'kin.

"Tumahimik ka na nga at bumalik ka na lang sa pag tulog. Tumabi ka na sa mga kapatid mo!"

Umiling lang siya at kinalikot ang radyo. May pinasak siyang USB na kulay black na ewan ko na lang kung saan niya kinuha. Nangiwi ako ng sumayaw na siya sa ibabaw ng kama. Hindi pa nga nagsisimula ang kanta, humataw na agad ang pasaway.

Hiding Vowels Where stories live. Discover now