Chapter 3.6

212 37 1
                                    

Biglang nagliwanag ang buong katawan ni Wong Ming matapos itong magsagawa ng pambihirang skill.

Skill: Water Armor!

Gaya ng ginawa ng kalaban ni Wong Ming ay isinagawa rin nito ang Water Element Fighting Style ng isang Water Demon. Hindi niya pa gamay ang lakas ng fighting style ng isang Ice Demon kung kaya't ang nalalaman lamang niyang kakayahan ng idang Water Demon ang ginamit niya.

Isa pa ay alam na siguro ng nakakaalam ng pagkawala ng mga lahi ng Ice Demon at ayaw niyang ipaalam na marami siyang alam patungkol sa nasabing uri ng nilalang na ito.

Ice Demon already extinct in Demon World at wala ng nakakaalam ng mga bagay patungkol sa mga ito. Ang pag-exist pa lamang nila sa Demon World ay naghatid na ng takot sa mga ito at maaaring ikapahamak niya pa ito kung sakaling magsagawa siya ng malakas na Ice Skills na tanging ang mga Ice Demon lamang ang nakagagawa.

Hindi nagtagal ay nabalutan ng kalasag na gawa sa tubig ang buong katawan ni Wong Ming at alam niyang malaki ang maitutulong nito kung sakaling umatake sa kaniya ang mga kalaban niya.

Hindi lingid sa kaalaman niya na triple ang lakas ng nilalang na katulad ni Dragon Child. Isang Earth Element Practitioner ito na itinuro pa mismo ng mga Earth Demon samantalang siya ay umaasa lamang sa sarili niyang kakayahan upang matuto ng tamang gagawin patungkol sa fighting style niya. Maituturing mang huli sa primaryong elemento ang mga Earth Demon ay iba pa rin kapag nasa aktwal na laban na katulad nito na dehado talaga si Wong Ming.

Ngunit tiwala si Wong Ming na mananalo siya. Nasa Late Stage na siya ng Golden Blood Realm at ang kalaban niya ay nasa Early Purple Blood Realm pa lamang. Ang agwat nila ang nagpapahiwatig kay Wong Ming na malaki pa rin ang tsansang manalo siya. Walang panama ang kalaban niya sa lebel ng cultivation niya.

Sa lugar na ito ay kumpiyansa siyang walang makakapanakit sa kaniya kundi ang mga sikretong tinatago ng bawat kalahok rito.

Kung mamalasin siya ay maaaring may makaharap pa siyang kasinlakas ng cultivation niya o mas malakas pa. Kung ano man ang klase ng hiwagang bumabalot sa Red City ay siguradong matutuklasan niya rin.

Ang katulad ni Wong Ming ay hindi basta-bastang masisindak. Ang dapat niyang kasindakan ay ang Devil's Clock dahil sigurado siyang ang nasabing bagay na iyon ang isa sa dapat katakutan ng lahat kapag napunta sa kamay ng iba.

Biglang lumiwanag ang mata ni Wong Ming kasabay nito ang paglitaw ng isang Water Trident sa kanang kamay nito.

Hindi siya magpapatalo sa kalaban niya. Sisiguraduhin niyang sa kaniya pa rin ang panalo sa huli.

"Magaling, magaling binata. Hindi ko aakalaing may makakalaban akong marunong din ng fighting style ng isang Elemental Demon. Water Demon hehe..." Maangas na wika ni Dragon Child at kitang-kita ang labis na kasiyahan na makatunggali ang katulad ni Wong Ming.

"Ganon din ako. Simulan na natin ang totoong laban natin! Puno ng kaseryosohang saad ni Wong Ming at kitang-kita rin na masaya ito. Katulad ng kalaban niya ay hindi rin siya magpapatalo rito.

Nagulat si Wong Ming nang mawala bigla ang nasabing kalaban niya at kitang-kita niya na narating nito ng mabilis ang pwesto niya kung saan ay nakatutok sa kaniyang harapan ang talim ng malaking sibat ng kalaban niya.

BANG! BANG! BANG!

Sunod-sunod na malalakas na pagsabog ang nasaksihan at narinig ng mga manonood.

Naglikha iyon ng malalaking mga bitak sa lupa habang matagumpay na nailagan iyon ni Wong Ming.

Para sa katulad ni Wong Ming na ikinubli at ni-restrict ang cultivation level niya ay napahanga naman ang kalaban niya ngunit kitang-kita ang bakas ng inis sa mukha nito.

"Mukhang siniswerte ka binata ngunit sisiguraduhin kong hindi ka mananalo sa labang ito!" Sambit ni Dragon Child habang makikitang sumugod na naman ito sa kinaroroonan ni Wong Ming habang nagsagawa ito ng nalalaman nitong martial arts skill.

Skill: Giant Earth Spear!

Kitang-kita ng lahat kung paano lumaki ang nasabing sibat na hawak ni Dragon Child at pinabulusok ito sa kinaroroonan ni Wong Ming.

Hindi naman ito inaasahan ni Wong Ming ngunit napangiti na lamang ang nasabing binata sa kaniyang sariling isipan.

Skill: Water Slashing Trident!

Biglang nagliwanag ang nasabing trident na hawak ni Wong Ming at sa isang iglap ay nagkabanggaan ang dalawang sandata.

Napakapit at nagsagawa ng protection skill na lamang ang halos karamihan na naririto na nanonood dahil tila nagbago ang daloy ng hangin at tila liliparin ang sinumang naririto dulot ng naglalabang nilalang sa isang bahagi ng field. Ang mga nasa hindi kalayuang mga nilalang na nakikipagtunggali ay natuod sa kanilang sariling pwesto at bahagyang napatigil.

Shhhh! Shhhh! Shhh!

Maririnig ang tila tunog ng nagbabanggaang metal sa loob ng Battle Platform habang makikitang hindi pa rin sumusuko si Wong Ming na depensahan ang sarili laban sa atake ng tinaguriang Dragon Child.

Walang humpay ang malalakas na daloy na hanging nakaaapekto sa lahat.

"Hindi mo ko kakayanin binata, wala kang panama sa lakas at talim ng pambihirang Earth Spear ko hahahaha!"malademonyong turan ng Dragon Child habang makikitang mas dumiin ang dambuhalang sibat sa ginawang panangga ni Wong Ming.

Skill: Earths Lashing Spear!

Halos dumausdos ang mga kamay ni Wong Ming nang mapansin ang pagbigat ng dambuhalang sibat sa ginawa nitong pananggalang.

Unti-unting dumugo ang mga palad nito habang makikitang tila umiinit ito. Masasabi ni Wong Ming na hindi na ito makaramdam ng sakit.

Kinakabahan na si Wong Ming sa nangyayari. Biglang nagliwanag ang mga mata nito habang nagsasagawa ng bagong martial arts skill.

Skill: Water Changing Form!

Ang water trident na hawak-hawak ni Wong Ming ay natunaw at biglang naging purong tubig.

Bigla itong bumalot sa mismong dambuhalang sibat ni Dragon Child.

Bigla namang nakaramdam ng kakaiba si Dragon Child ngunit mukhang huli na ito sa naturang kaganapan.

Sinubukan pa nitong pawalain at ipawalang-bisa ang Earth Spear ngunit hindi nito magawa.

Ano'ng ginawa mo binata? Bakit ganito ang nangyayari?! Bakit hindi ko makontrol ang sandatang gamit ko?!

Napangiti na lamang si Wong Ming nang makita ang pagiging ignorante ng kalaban niya. Hindi nito inaasahan ang susunod na mangyayari.

*Crack *Crack *Crack

Unti-unting nakita ng lahat maging ng dalawang manlalahok ang paglitaw ng mga bitak-bitak sa dambuhalang sibat ni Dragon Child hanggang sa bigla na lamang itong sumabog sa huli.

BANG! BANG! BANG!

Sumuka ng sariwang dugo si Dragon Child sa nangyayari at nagwika.

"Hindi, hindi ito maaaring mangyari. Ako dapat ang mananalo sa laban, bakit  ikaw p----!" Tila nahihilong sambit pa ni Dragon Child habang unti-unting pumikit ang mga mata nito sa balik nito sa kaniya.
.
Bigla na lamang itong humandusay sa kaniyang sariling pwesto.

Mabilis namang lumapit ang nasabing dalawang miyembro ng Flaming Sun Guild at doon nakumpirmang wala na itong malay at said na ang mismong enerhiya nito sa katawan.

Little Devil Wins!

Napangiti na lamang si Wong Ming sa nangyayari at agad ding lumabas ng Battle Platform. Alam niyang sa ika-siyam na laban ay nanalo siya.

Inaasahan na ni Wong Ming na may kakaibang mangyayari sa huling laban niya.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now