Chapter 2.15

215 30 3
                                    

Ngunit nagulat na lamang si Wong Ming ng itaas ng kalaban niya ang dalawang kamay nito tandang sumusuko na ito sa labanan nilang dalawa.

Hindi lamang siya ang nagulat kundi maging rin ang mga nasa hanay ng mga manonood. Kitang-kita ang labis na panghihinayang nila sa sumukong kalaban niya.

"Bakit sumusuko ka na sa laban nating dalawa?!" Tanong ni Wong Ming gamit ang isipan lamang. Buti na lamang at hindi pa natatanggal ang mindlink nila kung kaya't malaya niyang nasasabi ito sa isipan ng kalaban niya.

"Batid kong mas malakas ka sa akin. Unang laban natin kanina ay may kumpiyansa pa ko ngunit nang makita ko ang pambihirang core skill na malaya ngunit napakadali mong naisagawa ay sigurado na kong mas malakas ka sa akin. Ang core skill na iyon ay maituturing na anti-water skill at isa pa ay ang huling baraha ko na yung ginamit ko kanina sa iyo." Kalmadong wika ng kalaban ni Wong Ming sa kaniyang isipan lamang. Makikitang nakangiti ito ng malawak patunay na wala itong halong pagsisisi sa desisyon nito.

Napakamot naman sa kaniyang sariling batok si Wong Ming. Hindi niya aakalaing ang mga skills na natutunan niya ay pawang mga malalakas at ano naman ang magagawa ng isang kalahating demonyong kalaban niya sa pagsagawa nito.

Sigurado siyang mas maraming blood essences ang meron ang pangangatawan niya dahil na rin sa presensya ng reverse scale na meron siya mula sa maharlikang hari ng Water Demon na nakilala niya noong nakaraan lamang.

Tanging tango na lamang ang isinukli ni Wong Ming habang nagbigay-galang pa ito sa huli sa kalaban niya na malugod namang ginantihan ng huli.

Nagpahinga muna saglit si Wong Ming sa gilid habang makikitang nakatingin siya sa papalayong pigura ng kalaban niyang sigurado siyang nagmula sa Aqua Clans sa timugang bahagi ng baybaying parte ng Red City.

Little Devil Vs. Thunder God

Isang maugong at nakakabinging mga hiyawan ng mga manonood ang namayani sa mga oras na ito. Kitang-kita naman ni Wong Ming kung paanong animo'y bulate ang mga manonood habang naglalakad ang isang malaking pigura na siyang makakalaban niya sa ikapitong round na ito ng kompetisyon.

Kaya naisip ni Wong Ming na isa palang tanyag na nilalang ang makakalaban niya ngayon at hindi niya aakalaing ito ang makakalaban niya.

Tama nga ang hinala niya, siguradong ang paglalabang ito ay nakabase sa ilang beses nanalo ang isang kalahok at ipaglalaban ito sa parehong kalahok niya na marami na ring panalo kanina.

Napaismid naman si Wong Ming nang mapagtanto ang ginamit na pangalan ng kalaban niya. Ano'ng karapatan ang nag-udyok rito para gamitin ang titulo ng isang diyos? Masyado atang presko at mayabang kung tutuusin ang nasabing makakalaban niya.

Hindi naman nakatakas sa paningin ng kalaban niya ang pag-ismid ng binata sa kaniya. Kung titingnan ang sukat ng pangangatawan ng binatang si Wong at makakalaban niya ay halos triple ang laki nito kumpara sa patpating pangangatawan ni Wong Ming.

Hindi maipagkakailang nagalit ang nasabing kalaban ni Wong Ming sa nakita nitong reaksyon ng patpating binata.

"Ano'ng karapatan mong ismiran ako mahinang binata?! Hindi mo siguro ako nakikilala noh?!" Angil ng matabang kalaban ni Wong Ming habang nanlilisik ang mga mata nito.

Agad na tiningnan ni Wong Ming ang gawi ng kalaban niya na animo'y walang kalakas-lakas man lang at nagsalita.

"Malamang ay kalaban kita at sino ka nga ba? Ano ba ang karapatan mo upang gamitin ang titulong iyan sa kompetisyong ito?! Hindi ka naman diyos hahaha!" Mapang-uyam na wika ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi niya pinigilan ang sarili niyang tumawa ng napakalakas.

Tila sa pagtawang iyon ni Wong Ming ay hindi ito nagustuhan ng karamihan lalong-lalo na ang sumusuporta sa panig ng kalaban ni Wong Ming na may palayaw na Thunder God.

"Ano'ng karapatan ng binatang iyan na insultuhin si Thunder God?!"

"Napakapatpatin na nga ay mukhang mababalian pa ata ng lahat ng buto sa katawan ang pesteng binatang iyan!"

"Porket sumuko ang kalaban nitong mula sa Aqua Clans kanina ay lumabas na ang pagiging mayabang nito!"

"Turuan mo ng leksyon ang lampang binatang iyan para magtanda!"

Ilan lamang ito sa nagpahayag ng pagkaayaw sa naging kilos ni Wong Ming. Kitang-kita na maraming sumusuporta sa matabang pangangatawan ng kalaban ni Wong Ming.

"Narinig mo iyon binatang patpatin?! Sila na mismo ang nagsabing tuturuan kita ng leksyon nyahahaha!" Malademonyong turan ni Thunder God sa malalim nito na boses.

Biglang nagliwanag ang mga kamay nito at kumulog ng malakas na tila nagbabadya ang nasabing masama ang panahon.

Skill: Thunder Clap!

Kitang-kita ni Wong Ming ang matabang kalaban nito na nagsagawa ng isang pambihirang skills.

Sa isang pagpalakpak nito ay gumuhit patungo sa kaniyang direksyon ang isang kulay puting linya ng kidlat na siyang ikinagulat niya pa.

Bago pa siya tamaan nito ay mabuti na lamang at mabilis ang reflexes niya at nagawa nitong ilagan ang nasabing atake ng kalaban niya.

Pumalakpak muli ang kalaban niya ngunit tatlong beses nitong ginawa kaya tatlong magkakasunod na linya ng kidlat ang tumungo sa kaniya sa napakabilis na paraan.

Walang nagawa si Wong Ming kundi iwasan ito kung kaya't napaatras ito ng ilang metro mula sa orihinal nitong posisyon kanina.

"Nagsisimula pa lamang tayo binatang payatot kaya sisiguraduhin kong gaganahan ka sa sunod-sunod na gagawin ko hehehehe!" Malademonyong sambit muli ng kalaban ni Wong Ming at pumalakpak ito ng sunod-sunod.

Dahilan upang tila mas sumama pa ang lagay ng madilim na kaulapan sa ere at sunod-sunod na mga gahiblang linya ng kidlat ang bumagsak at tumungo sa direksyon ni Wong Ming.

Nabahala naman si Wong Ming ngunit wala siyang pagpipilian ngayon kundi ang magsagawa ng isang pambihirang martial arts skill kung ayaw niyang matusta sa kabagsikan ng thunder skills ng kalaban niya mismo.

Skill: Ice Dance!

Kitang-kita ang biglang pagbagsak ng temperatura sa buong field at naramdaman din ito ng iilan sa mga manonood.

Halos karamihan sa mga ito ay natuwa lalo pa't ang dalawang elementong ito ay complementary elements at kung naglalaban ang dalawang nilalang sa ganitong estado ay malamang sa malamang ay matatalo ang isa rito. Karamihan kasi sa nananalo sa huli ay ang elemento ng kidlat ngunit nakadepende pa rin iyon sa mga nilalang na naglalaban.

Kitang-kita ang biglang pagbilis ng pag-iwas ni Wong Ming at tila sumasayaw siya sa tila umuulang mga gahiblang linya ng kidlat. Nakakamangha ngunit napakadelikadong galaw ito.

Halos namang naman ang lahat sa pangyayaring ito ngunit ikinainis naman ito ng matabang kalaban ni Wong Ming.

"Sumuko ka na binatang patpatin kung ayaw mong matusta sa kabagsikan ng aking mga kidlat." Malakas na saad ng matabang kalaban ni Wong Ming sa pabulyaw na pamamaraan. Halatang kating-kati na itong manalo sa labanang ito.

Nasisiyahan itong panoorin ang patpating binata ngunit halatang naiinis na ito dahil sa maliliksing kilos ng binatang tila sumasayaw sa mga napakadelikadong hibla ng kidlat.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora