Chapter 2.14

177 24 4
                                    

"A-anong ibig mong sabihin?! Nilalang? Sa amin nagmula ang nasabing martial arts skills na ito na pagmamay-ari mismo at gawang orihinal ng aming mga ninuno!" May diing sambit ng nilalang na mula sa Aqua Clan.

"Ngunit meron ako nito, at alam ko kung paano gumamit ng sinasabi mong pagmamay-ari mo. Baka inaakala mo lamang iyon." Saad ni Wong Ming habang kitang-kita na hindi ito magpapatalo sa pakikipagtalastasan.

"Tama na ang satsat binata. Ipapakita ko kung ano ang pinagkaiba nating dalawa!" Angil ng binatang nagmula sa isa sa mga aqua clans.

Kita-kita ni Wong Ming kung paanong lumiwanag ang kamay ng binatang kalaban niya at tila nagkaroon ng maliit na pagyanig ng lupa habang lumiliwanag rin ng mabilis ang hawak nitong mabang staff.

Skill: Wrath of River Waters!

Parang mula sa kawalan ay biglang lumitaw at namuo ang malaking alon. Tumataas ng tumataas ito sa mabilis na pamamaraan. Hindi mapigilan ng mga manonood ang hindi magbitiw ng salita o mga pahayag sa kanilang nasasaksihan.

"Lagot ang binatang iyan, katapusan niya na ata lalo pa't napakawalang kwenta ang lumalabas sa bibig nito."

"Given na maraming mga malalakas na mga nilalang na nagmula sa angkan ng mga nialalang sa timugang bahagi ng Red City ay siguradong nagsisinungaling ito!"

"Matagal ng namuhay at umunlad ng mabilis ang mga nabibilang sa Aqua Clans at siguradong hindi nagsasabi ng mabuti ang binatang ito.

"Tama ka sa iyong sinasabi. Nambibintang ang binatang iyan. Alangan naman na sa kaniya nagmula ang mga skills na  ito."

Ito ang iilan sa narinig ni Wong Ming sa kasalukuyan at isa itong uri nt pangmamaliit.

Negatibo at tila walang tiwalang nakukuha si Wong Ming mula sa madla.

Nakita na lamang ni Wong Ming ang lalong pagtaas ng lebel ng tubig sa ere at walang ano-ano pa ay ibinagsak ito ng kalaban niya patungo sa kaniya gamit ang hawak nitong isang mahiwagang staff.

Imbes na mangamba at takot ang makikita ng kalaban ni Wong Ming sa kaniya ay nakita nitong ngumiti pa si Wong Ming rito dahilan upang matigilang muli ang kalaban nito sa kaniya.

"Core Skill: Calming Waters!"

Isang panibagong ngunit pambihirang skills naman ang isinagawa ni Wong Ming habang nagliliwanag ang mga mata nito.

Kitang-kita ang pagguhit ng pagkagulat sa mga mata ng kalaban ni Wong Ming nang masaksihan nito ang ginawa ng nasabing binata.

Mula sa kinaroroonan ni Wong Ming ay biglang tumaas at rumaragasa ang nasabing dambuhala at napakataas na tubig patungo sa kaniya na animo'y handa siya nitong lupigin sa bagsik ng along maaaring puminsala sa kaniya.

Mula sa ere ay pumadyak si Wong Ming ng mahina at lumitaw ang kakaibang pabilog na tubig roon.

Lumaki ito ng lumaki hanggang sa lumabas ang isang dambuhalang anino ng isang nilalang at ang napakataas at mabagsik na alon ay bigla na lamang nawala.

Mas nanlaki pa ang pares ng mga mata ng kalaban ni Wong Ming habang bumakas ang labis na takot sa mukha nito bago ito tumalsik ng ilang metro mula sa pwesto nito.

Arrrghhh!

Napaigik pa ang kalaban ni Wong Ming at sumuka ito ng sariwang dugo bago ito humandusay sa lupa.

Mabilis ring naglaho ang kakaiba ngunit malabong pigura ng isang nilalang at ang pabilog na tubig kung saan nagmula ang nasabing pigura.

Natahimik ang lahat ng nakasaksi sa matinding labanang ito ngunit tila ba'y nabaliktad ang sitwasyon.

Ang iba ay tila hindi pa makapaniwala hanggang sa kasalukuyan.

Mabilis na lumapag sa lupa si Wong Ming dahilan upang makiusyuso sa nangyayari.

Maya-maya lamang ay nakarinig si Wong Ming ng boses mula sa utak niya.

"Paanong alam mo ang Core Skill ng sinaunang Aqua Clans? Saan mo natutunan iyan?!" Magkahalong pagtataka at kuryusidad sa boses ng isang pamilyar na nilalang gamint lamang ang isip nito.

"Core Skill ng Aqu Clans?! Bakit pinagpipilitan mong pagmamay-ari ito ng Aqua Clans?! Isang malaking kalokohan ang pinagsasabi mo." Seryosong saad ni Wong Ming habang pilit nitong maging kalmado gamit ang utak lamang nila. Para bang konektado ang isipan nila at nag-uusap lamang gamit ang isip nila.

"Dahil isang pambihirang skills iyan. Kahit ako ay hindi nagkaroon na pagkakataon na matutunan ang pambihirang Core Skill na iyan!" Seryosong turan ng kalaban ni Wong Ming sa garalgal na boses nito sa isipan niya.

"Paano'ng nakakapag-usap tayo gamit ang isip lamang. Kung hindi ako nagkakamali ay isa rin itong martial arts skill hindi ba?!"

"Anong martial arts skill? Isa itong abilidad na meron kaming mga Aqua Clans at lahat kami ay nakakagamit nito. Maraming mga abilidad meron kami ngunit depende iyon kung saan ka nabibilang na angkan sa amin at gaano kalakas ang dugong nananalaytay sa iyo." Seryosong sagot naman ng kalaban ni Wong Ming habang nakatingin ito sa kaniya mula sa malayo.

Nakaramdam naman ng kakaiba si Wong Ming at tila ba mayroong kung anumang idea sa isipan nito. Kung hindi siya nagkakamali ay malamang sa malamang ay alam ng mga ito ang patungkol sa nalalaman niya.

"Kung gayon ay alam mo pala ang patungkol sa kakaibang mundong iyon hindi ba? Ang Demon World?! Ang mga Water Demons?!" Seryosong saad ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na kaseryosohan. Tiningnan niya ng matiim ang nasabing kalaban niya sa kompetisyong nilahukan niya sa kasalukuyan.

Nanlaki naman ang mga mata ng kalaban ni Wong Ming habang makikitang gumuhit ang labis na pagkagulat basi sa reaksyong nakita ng binata.

"Paanong nalaman mo ang napakadelikadong mundong iyon? Isa ka bang nilalang na may lahing demonyo?!" Nagtatakang tanong ng kalaban ni Wong Ming.

"Isa akong nilalang na mula sa lahi ng tao at ang mundong iyon ay alam kong hindi ordinaryong nilalang ang mga naninirahan doon. Aksidente ko lamang natuklasan ang lugar na iyon dahil sa aking mahabang paglalakbay." Makahulugang sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito ang labis na kaseryosohan.

"Kung gayon ay magkaiba pala tayo. Kaming mga Aqua Clans ay nagmula sa lahi ng tao at lahi ng Water Demons. Ang ninuno namin ay parehong nagmula sa dalawang lahing ito na siyang nagpalakas sa aming pangangatawan at pamumuhay sa mundong ito." Pag-aming wika ng kalaban ni Wong Ming ng walang pag-aalinlangan.

"Ngunit hindi ka ba natatakot na maaari ko kayong isumbong ang sikretong iyong ibinahagi sa akin?!" Seryosong tanong din ni Wong Ming sa mismong kalaban niya.

"Hindi naman iyon malaking sikreto sa amin. Maraming nilalang ang nakakaalam sa sikretong ito ngunit sadyang may lakas pa rin ang Aqua Clans na puksain ang sinumang nagbabalak na sirain ang mga angkang matagal ng nag-eexist sa mundong ito." Ani ng kalaban ni Wong Ming na kitang-kita sa mga mata nito na wala itong takot sa sinasabi ni Wong Ming.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now