Chapter 3.4

201 23 2
                                    


Little Devil Vs. Dragon Child

Ilang oras lamang ang nakalilipat at muli na namang tinawag ang pangalang ginamit ni Wong Ming upang sumalang sa nasabing labanan.

Mas dumami pa ang mga taong naririto lalo pa't umabot na sa sukdulan ang recruitment at karamihan ay pasok na rin sa pangalawang bahagi ng Recruitment Stage.

Alam niyang ang makakalaban niya sa huling dalawang laban niya ay siguradong hindi pangkaraniwan. Hindi siya sigurado ngunit alam niyang dadaan muna siya o maging ang lahat ng manlalahok sa butas ng karayom para sa sinasabi ng karamihan patungkol sa pangalawang round na inihanda ng mga miyembro ng Flaming Sun Guild.

Magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ni Wong Ming. Hindi niya alam at wala siyang ideya sa mangyayari maya-maya lamang ngunit alam niyang kakayanin niya ito. Hindi siya basta-bastang magpapatalo dahil hindi maaari, wala siyang pagpipilian kundi ang manalo lamang.

Habang papalapit si Wong Ming sa pangalawang round ay hindi niya alam ang mangyayari. Marami siyang iniisip at isa na rito ang patungkol sa Devil's Clock at kung gaano ito kalakas upang maging delikadong sandatang hindi maaaring taglayin ng sinuman.

Nakita na lamang ni Wong Ming ang sarili niyang naglalakad sa malawak na field. Sa oras na ito ay mayroong mataas ngunit sobrang lawak na platform sa ere.

Hindi naman mapigilang makaramdam ng saya si Wong Ming patungkol rito. Sino ba naman ang hindi, isa itong pambihirang battle platform kung hindi siya nagkakamali.

Sa pagtapak pa lamang niya sa unang baitang ng hagdan pataas ay pakiramdam niya ay bumigat nigla sa hindi malamang dahilan. Familyar ang ganitong pakiramdam sa nasabing binata. Sino ba ang hindi, alam na alam niya ang ganitong klaseng penomena.

"Flaming Sun Guild, ano ang tinatago niyong lihim? May kinalaman ba kayo sa sinaunang Mint City?!" Puno ng katanungang sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan lamang.

Hindi alam ni Wong Ming kung ano ang iisipin lalo pa't alam niyang malapit lamang ang kasagutang ito.

Medyo mabagal si Wong Ming na lumakad na animo'y parang nahihirapan ngunit ang kalaban nito ay parang relax lamang at parang walang anumang restrictions itong nararamdaman sa pambihirang battle platform.

Rinig na rinig naman ni Wong Ming ang mapanglait at mapanghusgang mga pahayag ng mga manonood.

"Napakalampa naman ng nilalang na iyan. Sigurado akong nanalo lamang iyan dahil sa pandarayang ginawa nito kay Mistress Viper!"

"Sinabi mo pa, wala atang ibang gawain ang binatang iyan kundi ang gumawa ng kabulastugan sa mga nakakalaban nito!"

"Paniguradong mananalo iyan dahil sa marurumi nitong taktika!"

"Ni hindi nga natin alam kung saan nagmula ang lakas ng binatang iyan o kung meron man!"

"Walang kwenta ang binatang iyan. Marami pang mas nababagay na makuha ang posisyon nito sa kasalukuyan bilang nakatapak sa ika-siyam na laban nito!"

Ito lamang ang ilan sa masasakit na mga pahayag na naririnig niya. Batid niyang wala na lamang ito sa kaniya at walang siyang pakialam.

Naniniwala siyang hindi importante ang mga bagay na ito. Alam niyang mahalaga ang manalo siya upang matuklasan ang kakaiba at paanong maprotektahan ang angkan ng mga Li laban sa totoong kaaway nito.

Ngunit agad na nawala ang naiisip ni Wong Ming nang magsalita sa hindi kalayuan ang kalaban nito.

"Maglalaban pa ba tayo? Mukhang sa bigat pa lamang ng presyur dito sa loob ng Battle Platform ay nahihirapan ka na hahahaha!" Sambit ng kalaban ni Wong Ming habang kitang-kita ang kakaibang ngisi ng kalaban nitong balot ng malaking tattoo ang mukha nito.

May kakaibang suit itong suot at napakaangas ng dating nito. Halos magkasingtangkad lamang si Wong Ming at ang kalaban niya ngunit mas malaking tao lamang ang kalaban nito.

Mayroong kulay pulang dragon ang nakaguhit na nasa kasuot ng kalaban niya ngayon at batid niyang nagmula sa maharlikang pamilya ang makakalaban niya. Kung ano man ito ay wala siyang pakialam para rito.

Nakaka-intimidate ang tono ng pananalita nito ngunit nakaramdam naman ng panghahamak si Wong Ming sa uri ng pagkakahayag ng kalaban nito.

"Siyempre lalaban." Simpleng sagot na lamang ni Wong Ming habang tamad nitong tiningnan ang nasabing kalaban niya sa ika-siyam na laban niya.

"Mukhang palaban ka ngunit makakaya mo kayang tapatan ang pambihirang kakayahan ko bilang isang anak ng dragon?! Hahahaha!!!!" Malademonyong sambit ng kalaban nito na sinabayan pa ng nakakatakot nitong tawa.

Bahagyang napaismid na lamang si Wong Ming sa inasta ng kalaban nito. Mukha kasi itong ewan at nakakasawa ng marinig ang tinig nitong mukhang nahihirapan pang magsalita.

Kasabay nito ang biglang pagkawala ng kalaban ni Wong Ming na si Dragon Child sa pwesto nito.

Nagulat naman si Wong Ming sa biglaang pangyayaring ito at nakaramdam ng panganib.

Nagpalinga-linga si Wong Ming at alam niyang may mali sa pangyayaring ito. Tunay ngang kakaiba ang mga nilalang at hindi niya nalaman ang limitasyon ng isang ito. Ang malaking katanungan sa kaniya ay kung paano niyang matatalo ang isang ito.

Ngunit agad na napansin ni Wong Ming ang kakaibang uri ng presensya sa likuran niya lamang at walang pag-aalinlangan siyang lumayo sa pwesto nito kasabay nito ang...

BANG!

Sumabog ang nasabing sahig ng Battle Platform ngunit mabuti na lamang at walang bakas ng sugat si Wong Ming at naiwasan niya ito ng matagumpay.

Sa pangalawang pagkakataon ay muli na namang   nawala ang kalaban ni Wong Ming at mabilis namang naramdaman ni Wong Ming ang presensya ng kalaban niya sa gilid niya. Alam niyang hindi ito nagbibiro sa bawat atakeng bibitawan nito.

Bago pa man tuluyang masipa si Wong Ming ay sinalo niya ang papasipang paanan nito.

Ngunit agad sa lakas ng pagkakasipa ng kalaban niya at tila hindi inaasahan ni Wong Ming ang bigat na maaaring makuha niya sa kakaibang atake ng kalaban niya.

BANG!

Tumalsik sa malayo si Wong Ming at ramdam nito ang labis na sakit habang tumama siya sa matigas na battle platform na ito.

Ramdam ni Wong Ming ang kakaibang guhit ng sakit sa bandang tiyan niya at idagdag pa ang pananakit ng katawan niya.

"Paano'ng nangyari ang bagay na ito. Alam kong mahina lamang ang mga atake mo ngunit paanong tumriple ang lakas mo!" May halong pagtatakang tanong ni Wong Ming sa kalaban nito. Alam niyang mayroong nangyaring kakaiba.  Kung ano man iyon ay sigurado siyang hindi ordinaryong bagay lamang ito.

Nanlaki naman ang mga mata ng kalaban ni Wong Ming na may pangalan na Dragon Child. Hindi rin nito siguro inaasahan ang katanungang bigla na lamang naisip nito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now