Chapter 2.12

267 40 3
                                    


Nakarating si Wong Ming sa malawak at maingay na parte ng Red City at ito ay ang mismong sentral na bahagi ng lungsod na ngayon ay tila hindi mahulugang sinulid dahil na rin sa dami ng mga taong naririto at tila ba mayroong kaganapang hindi niya nabatid mula ng umalis siya rito.

Hindi siya makapaniwalang sa ilang araw na nakalipas ay tila buwan na ang nakalipas nang mula ng umalis siya rito.

Nagulat man siya ay napagtanto niyang kakaiba nga ang hatid ng pag-exist ng Mint City maging ng kakaibang epekto ng Devil's Clock nang minsang ginamit ito ng dating Heneral ng Red City.

Hindi maipagkakailang naging produktibo naman ang pag-alis niya lalo pa't marami siyang nakuhang impormasyon at mga bagay na maaaring patunguhan ng hinahanap niyang sagot sa mga katanungan niya.

Mabilis niyang ibinalik sa reyalidad ang sarili niya habang mabilis na lumapit sa isang maliit na tindahan upang mangalap ng impormasyon dahil sa tila may engrandeng kaganapang nangyayari sa kasalukuyan dito sa sentral na bahagi ng Red City.

"Mawalang-galang ho, ano po ba ang okasyon dito sa Red City? Mayroon po bang mahalagang kaganapan?" Tanong ni Wong Ming sa matabang aleng babae.

"Di mo ba alam iho? Isa sa pinakamalakas na guild ang nagsasagawa ng Special Recruitment Day. Plano ng Guild na ito ang magrecruit ng miyembro na may malakas na kakayahan o abilidad sa pakikipaglaban. Kung maaari ay yung may kakayahan pagdating sa oras o elemento, yung napakalakas." Namamanghang kwento ng matabang ale habang tila sa langit ang tingin nito at hindi kay Wong Ming. Para bang may naiisip itong maganda habang nananaginip ito ng gising.

Nag-isip naman si Wong Ming ng mabuti kung aling guild ba ang tinutukoy nito. Pilit niyang inalala ang mga pangalan ng tanyag na mga Guild sa loob ng Red City at ang alam niyang dalawang nangungunang mga Guilds ay ang Blood Rain Guild at ang Flaming Sun Guild.

"Flaming Sun Guild? Tama ba ko ale?!" Tila patanong na sagot ni Wong Ming habang kitang-kita ang tila awkward ng pagkakasabi nito.

Ngunit dahil sa labis na ingay ay tila hindi ito napansin ng matabang ale na kausap ni Wong Ming.

"Tama ka, akala ko ay hindi mo pa kilala ang mga ito. Kilalang-kilala ang guild na ito sa buong Dou City. Kung hindi mo nalalaman ay misteryoso ang Guild Leader ng Flaming Sun Guild. Ni hindi pa nga ito pormal na nagpakilala sa buong Red City ngunit nagpapatunay lamang ito na misteryoso ngunit malakas ang lider ng ng Flaming Sun Guild." Salaysay naman ng ginang sa magiliw na pamamaraan.

"Misteryoso? Sa paanong paraan ginang?!" Tila intersadong sambit ni Wong Ming habang kitang-kita sa mga mata nito na napukaw talaga ang atensyon niya.

"Mayroong bali-balitang kayang kumontrol ng oras ng nasabing lider na ito ngunit iyon ay haka-haka lamang. Pero ako ay hindi naniniwala rito dahil walang sinuman ang may kakayahang kumontrol ng oras." Malakas na sambit ng matabang ale habang nakatingin kay Wong Ming.

"Hehe... Ah eh tama po kayo Ale, walang may kayang kontrolin ang oras. Edi sana patay na tayo hindi ba?!" Dugtong ni Wong Ming alinsunod sa pagsang-ayon niya sa sinabi ng matabang ale na kausap niya.

"Sasali ka ba iho?! Sa laking tao mo ay siguradong pwedeng-pwede ka!" Kumbinsi naman ng ginang habang nakatingin ito kay Wong Ming.

"May basehan ba sa pagsali sa patimpalak na isinasagawa ng Flaming Sun Guild ale?!" Tanong ni Wong Ming na may pagtataka.

"Wala naman iho,  hangga't kayang lumaban o sumuong sa bawat bahagi ng patimpalak ay maaaring sumali." Simpleng sagot naman ng matabang ale.

"Ganoon po ba?! Maraming salamat po!" Masayang tugon naman ni Wong Ming sa sinabi ng matabang aleng nagtitinda.

"Walang anuman iho. Kay bait mong bata, sana lang ay hindi kayo magkaharap ng anak ko haha..." Pabirong saad naman ng matabang ale.

"Sana nga po eh. Siguradong matatalo ako pag nagkataon." Magiliw na wika ni Wong Ming sa pabirong paraan ng pagsasalita.

"Wag mong ibaba ang sarili mong kakayahan. Maniwala ka sa sarili mo iho. Kaya mo yan!" Pagpapalakas ng loob na turan ng matabang ale.

"Salamat po Ale, hanggang sa muli!" Pagpapasalamat pa rito ni Wong Ming habang yumukod ng konti.

"Walang anuman iho." Sambit ng ginang habang kumakaway sa papalayung binata.

Ito na lamang ang huling narinig ni Wong Ming matapos niyang umalis sa lugar na iyon upang tunguhin naman ang daang tinatahak ng mga nilalang na patungo sa mismong dadausan ng patimpalak.

Naniniwala siyang mayroon siyang pagkakataon upang patunayan ang sarili niya. Isa pa ay magiging daan din ito upang unti-unti niyang malaman ang katotohanan patungkol sa magkapatid na nangangalaga ng Devil's Clock.

Ilang minuto ang paglalakad na ginawa niya kasabay ng napakaraming mga nilalang na patungo sa malawak na lugar na ito.

Kitang-kita niya ang taas at lawak ng sentral na bahagi ng Mint City. Ilang linggo din ang nakalilipas at masasabi niyang lalong dumami ang mga nilalang na pumunta rito. Sa katunayan nga ay napakasikip ng lugar na ito na paroo't-parito dito.

Sa gitna ay mayroon ngang malawak na field habang makikitang mayroong isang malaking nilalang na nakatayo sa isang bahagi.

Higante kung titingnan ang nilalang na ito at napakamaskulado, yung tipong puputok na ang ugat nito sa iba't-ibang parte ng katawan nito.

Gumawa pa ito ng iba't-ibang postura na animo'y gustong sindakin ang sinumang kakalaban sa kaniya.

"Bull Man laban kay Wind Ranger!"

Nakita niyang nagbubulung-bulungan ang mga nilalang na naririto habang makikitang naiinip na ang mga ito kakahintay.

Napangiwi siya ng mapagtantong ilang minuto na pala ang nakakalipas at ikatatlong beses na tinatawag ang pangalan ng naglalaban.

Ngunit ganon na lamang ang gulat ng lahat ng makarinig sila ng huni ng mga kabayo sa himpapawid na paparating sa kanilang pwesto.

Kasabay nito ay naghiyawan ang lahat ng mga nanonood sa kasalukuyan.

Puro mga magagandang bagay ang naririnig niyang sinasambit ng mga naiinip kanina kaya hindi niya mapigilang makaramdam ng inis sa mga ito. As if parang pamilyar sa kaniya ang ganitong klaseng kaganapan.

Isinawalang-bahala na lamang ito ni Wong Ming at nanood na lamang ng sagupaan sa pagitan ng dalawang magkalabang kalahok.

Marami siyang natutunang bagay sa pakikipaglaban ng dalawang nilalang na ito at natutuhan niyang sa unang labanan pa lamang ay masasabing hindi balanse ang makakalaban mo.

Halatang mayroong malaking advantage ang nilalang na nasa himpapawid sakay ng Two Headed Blood Horses. Maalam ito sa paggamit ng martial arts skill habang ang nakalaban nito ay mayroon lamang tough body dulot ng pang-araw-araw nitong pagtatrabaho sa pampublikong pamilihan.

Duguan ang nasabing nilalang na may bansag na Bull Man habang ang kalaban nito ay isang martial arts expert idagdag pang mayroon itong pambihirang mount.

Sa huli ay nanalo pa rin ang martial arts experts. Nanood pa siya ng iilang mga lumahok sa paligsahang ito at napailing na lamang siya sa mga nasaksihan niyang pangyayari.

Kaya napagdesisyunan niyang sumali at tila maraming mga ordinaryong nilalang ang umayaw o di natuloy sa paligsahan dahil alam nilang hindi sila mananalo sa mga nilalang na eksperto pagdating sa pakikipaglaban.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now