Chapter 2.8

205 32 2
                                    


Ilang minutong nagmasid si Wong Ming sa labas ng bintana at masasabi niyang napakaganda ng lugar na kinaroroonan niya. Kung hindi sinabi sa kaniya ni City Lord Bao na isa lamang itong space mula sa loob ng singsing.

Kung siya ang magsasabi ay talaga nga namang hindi niya aakalaing sa pagkawasak ng siyudad ng Mint City ay may naiwan pa rin itong magandang lugar na siyang nagpapatunay na nag-eexist pa rin ang Mint City.

Mabilis na iwinala ni Wong Ming ang sarili niya mula sa pagkakatanaw sa malawak na katubigan.

Lingid sa kaalaman ni Wong Ming ay mayroong mga dambuhalang mga nilalang na lumalangoy at naninirahan sa katubigan na ito. Sa lawak ng katubigan ay aakalain lamang na ordinaryo lamang ito na lugar ngunit hindi pala dahil na rin sa pasalin-salin na pagmamay-ari ng pambihirang singsing na ito.

Mabilis namang napansin ni Wong Ming ang isang malaking karatula sa itaas ng kahoy na siyang masasabing papasok mo palang rito ay tanaw na tanaw mo ang napakaraming mga scroll at maging ng mga nagkakapalang mga libro.

"CULTIVATION LIBRARY"

Napatigil si Wong Ming nang mapansin ang kakaibang letrang bumuo sa salitang ito. Nanlaki ang mga mata niya lalo pa't isa lamang ang tumatakbo sa isip niya. Isa itong silid-aklatan, at hindi lamang ordinaryong aklatan.

Kung mahalaga ang isang cultivation room pero ang isang cultivation library ay mas lalong mahalaga para sa mga ordinaryong nilalang katulad niya.

Walang sinayang na oras si Wong Ming at mabilis niyang sinuri ang nasabing lugar na ito ng malaking bahay na ito.

Mabuti na lamang at kompleto ang mga gamit rito at mayroong upuan maging ng isang malaking tablang nagsisilbing table nito para makabasa siya ng maayos.

Sa isip-isip ni Wong Ming ay tila nakakita siya ng pambihirang kayamanan dahil sa paglalakbay niyang ito. Hindi niya hahayaang mawalan lamang ng silbi ang mga sakripisyong ginawa niya.

Nakaramdam ng kakaiba si Wong Ming lalo pa't sigurado siyang mayroong pambihirang mga detalye o mga impormasyon upang lumakas at palakasin ang kaniyang mga abilidad at talentong taglay. Hindi na siya mapakali pa.

Isang makapal na libro ang unang dinampot niya na mayroong pamagat na "Mint City". Kitang-kita ng dalawang mata niya ang simbolo ng nasabing siyudad. Isang kamay habang mayroong simbolo ng yelo na nakaguhit.

Kung hindi nagkakamali si Wong Ming ay yelo ang primaryong lakas at abilidad na meron ang Mint City. Talagang namangha siya ng simulan niya ng basahin ang mga nakapaloob sa nasabing libro.

Sinubukan ni Wong Ming na gawin ang mga basic training upang i-pamilyar ang mga bagay na dapat niyang unang matutunan.

Nakalagay sa aklat na espesyal ang katawan ng tao dahil ang nasabing lahi ng tao ay mayroong kakayahang pumili ng mga elementong nais na matutunan.

Ngunit dapat isaalang-alang ang pisikal na kakayahan ng tao. Halimbawa na lamang ay kapag natural na malakas ang pangangatawan ng tao ay maaaring piliin ang elemento ng lupa at ng tubig. Kapag naman kalmado at mayroong malinis na isipan ay maaaring piliin ang elemento ng hangin o apoy. Kapag naman likas na mabuti ang isang nilalang ay maaaring piliin ang elemento ng liwanag habang ang nilalang na mayroong maitim na budhi ay kayang piliin ang elemento ng kadiliman. Ngunit mayroong mga exceptions sa nasabing pagpipiliang mga elemento ayon sa kagustuhan ng mga tao.

Namangha si Wong Ming dahil mayroong iba't-ibang pamamaraan ng pagcucultivate at mga special occurrences siyang nakikita. Talagang namangha siya sa kung paanong nakapaloob rito ang mga bagay-bagay na hindi niya pa alam. Ang Mint City ay isang progresibong lungsod na malapit na noong maging isang Country ngunit dahil sa mga nangyari ay tila naging komplikado ang lahat.

Marami pang natutunan si Wong Ming at isa na doon ay ang pagkatuklas na ang Mint City ay nahati sa dalawang parte. Ang Upper Mint City at Lower Mint City. Sa Upper Mint City ay nabibilang ang Mint City at Dark Mist City samantalang ang Lower Mint City ay binubuo ng Five Element City at ng Red City.

Ayon sa mapa ng sinaunang pag-exist ng lungsod ng Mint City ay napakalawak pala ng lungsod na ito at binubuo ng apat na malalakas na mga sub-city. Hindi makapaniwala si Wong Ming sa kaniyang natuklasan. Kung tama siya ng pagkakaintindi ay nag-eexist pa rin ang tatlong siyudad na ito sa mapa. At ano naman ang Five Element City? Nakaramdam ng pagtayo ng kaniyang balahibo sa buong katawan si Wong Ming. Kung tama ang pagkakadetalye ng mapa noon at kumpara sa ngayon ay tama ang mga assumptions niya.

Ang ibig sabihin ng Dou ay "pareho" kung ganon ay isang equal city ito na binubuo ng apat na magkaibang mga elemento ng lupa, hangin, yelo at apoy. Ang primaryong lakas ng Dou City ay may kinalaman sa elemento ng liwanag. Nakaramdam ng pangamba si Wong Ming sa naiisip niya. Kung gayon ay magkaugnay ang apat na siyudad na ito sa isa't-isa. Bakit ngayon niya lamang ito naintindihan, at mayroong mga namuong mga katanungan sa isipan niya. Hindi malayong ganon na nga lalo pa't hindi magkakasundo ang apat na lungsod na ito.

Nakaramdam ng mga kuryusidad sa isipan ni Wong Ming lalo na't sa apat na siyudad na ito ay lubhang napakahina ng Dou City kahit sabihin na isang patas na siyudad ito at sa apat na nag-eexist na siyudad ay ito ang unang babagsak kung sakaling may mangyaring digmaan rito.

Wasak at nabura na sa mapa ang Mint City at tanging ang Dark Mist City, Red City at ang Dou City na lamang ang natitirang lungsod.

Ngayon lamang nalaman ni Wong Ming ang mga bagay-bagay na ito ngunit hindi pa rin niya matukoy kung saan nabibilang ang gitnang bahagi ng siyudad kung saan naroroon mismo ang Devil's Clock. Nasa panganib ang lahat ng mga nilalang sa lugar na ito.

Hindi maaaring makampante si Wong Ming dahil kung tama ang pagkakaintindi niya ay inilagay ni City Lord Bao ang Devil's Clock sa gitnang bahagi ng siyudad ng Mint City. Hindi literal na sa mismong Mint City niya ito inilagay kundi sa gitna mismo ng apat na siyudad.

Kung hanggang ngayon ay naroroon pa rin ang mismong Devil's Clock ay patuloy pa rin ang pagkakakulong ni City Lord Bao at di malayong mayroon pang mga nilalang ang naapektuhan ng Devil's Clock dahil sa paggana nito noon.

Hindi nagdalawang-isip si Wong Ming at mabilis na nilisan ang loob ng nasabing space na ito. Hindi siya maaaring magtagal sa lugar na ito lalo pa't may posibilidad na matrap siya rito.

Gaya ng pagpasok niya sa pambihirang scroll ay ganon din ang ginawa ni Wong Ming.


IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon