Chapter 1.15

306 40 2
                                    


Marami na rin ang tila nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang kagustuhang tumutol sa desisyon ng tila isang matandang lalaking nangungulubot na ang balat dahil sa katandaan habang nasa malapit lamang nito ang isang magandang babaeng masasabing biniyayaan ng kariktan.

Hindi maipagkakaila ni Wong Ming na magtaka dulot ng pangyayaring ito. Halos lahat ay sang-ayon habang makikitang tila gusto na lamang nilang manatili sa sitwasyong ganito, tila humihinto ang oras at hindi tumatanda bagkus pa nito ay bumabalik ang kaanyuan nila bilang isang bata.

Pakiramdam ni Wong Ming ay napagod na ang ilan sa mga ito at gusto na lamang yakapin ang ganitong sitwasyon habang nabubuhay sila kasama ang mga mahal nila sa buhay.

Alam ni Wong Ming na mali ang ganitong klaseng paniniwala lalo pa't ang panahon at oras ay hindi dapat nilalabag kundi ay masisira nito ang balanse ng mundo. Wala siyang alam sa kung anuman ang nangyayari ngunit batid niyang hindi ito dapat magpatuloy dahil kung hindi ay mismong ang balanse ng lugar na ito at ng natural na oras ang maniningil sa mga nilalang na ito kahit pa sabihing bunga lamang sila ng totoong may gawa nito.

Nag-alinlangan man si Wong Ming ay pinili na lamang nitong manahimik sa gilid at manood na lamang sa nangyayari.

Sinubukan niyang magcultivate at mangalap ng enerhiya sa paligid  sa pamamagitan ng pagpikit ng mga mata ngunit bumukas at nanlaki ang mga mata niya nang mapagtanto ang isang bagay.

"Bakit hindi ko makalap ang anumang enerhiya sa paligid. Bakit parang wala akong masagap sa lugar na ito? Epekto ba iyon ng pambihirang hiwaga na bumabalot sa nawasak na siyudad na ito?!" Sambit ni Wong Ming sa kaniyang sariling isipan habang tinakpan nito ang sariling bibig nito.

Muntik na siyang gumawa ng ingay mabuti na lamang at naiwasan niyang mangyari iyon.

Sino nga ba ang hindi magtataka. Para bang may humigop sa enerhiya sa paligid at ramdam niyang walang anumang sumasamyong natural na enerhiya sa kapaligiran. Purong hangin at walang bakas ng buhay hindi katulad sa labas ng lungsod na ito na pinagmulan niya kani-kanina lamang.

Nakaramdam ng pangamba si Wong Ming. Tuluyan ngang wala na ang balanse ng naburang lungsod na ito sa labas.

Hindi niya gustong mangialam ngunit tama na ang ganitong klaseng pangyayari. Masyado ng matagal kung iisipin ang pagkabura ng lungsod na ito. Kung hindi siya nagkakamali ay ang mga taong naririto ay matagal na dapat namayapa o namatay. Wala siyang ebidensya ngunit iyon ang katotohanan ngunit ayaw lamang tanggapin ng mga naririto ang katotohanan. Kung magpapatuloy ito ay maaaring may mangyari pang masama sa labas dahil sa kawalan ng balanse ng lugar na ito.

Devil's Hour? Isang masamang signos ito kung tutuusin lalo pa't nangangahulugan lamang na hiram lamang ang mga oras ng mga nilalang na ito kahit pa sabihing gawa lamang ito ng pambihirang array formation. Kahit nga pinagsama ng mga nilalang na ito ang kanilang lakas at kapangyarihang taglay ay hindi nila masira-sira ang nasabing pormasyon dahil maging sila o ang mismong buhay nila ay nakadepende rin sa nasabing pormasyon.

Nilalabanan nila ang pormasyon ngunit walang makakatakas sa Demonic Eyes ni Wong Ming. Sensitibo siya sa enerhiya kaya alam niya nang maglabas ng enerhiya ang lahat na gawa lang rin sila ng enerhiya ng mismong pormasyon kaya alam ni Wong Ming na hindi na buhay ang mga ito. Bagkus ay kapareho ng mga Soul Fragments, hindi na sila nabibilang o masasabing buhay na mga nilalang.

Maya-maya pa ay narinig ni Wong Ming ang palahaw ng mga nilalang na nasa labas. Napakasakit ng mga tinig nila lalo na at kitang-kita kung paano'ng gumuhit ang tila bitak-bitak sa iba't-ibang parte ng mga katawan ng mga ito maging sa mga mukha ng iilan lalong-lalo na sa mag-lolong tila namumuno noon sa nawasak na siyudad ng Mint City.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now