Chapter 3.5

222 36 4
                                    


"Wala akong alam sa sinasabi mo binata. Sadyang ang sikretong iyon natuklasan sa mga naging atake ko ay hindi maaaring malaman mo!" Seryosong sambit ni Dragon Child habang makikitang nagtiim-bagang ito dahil sa katanungan ng binata.

"Isa kang Earth Demon hindi ba? Tanging ang Earth Demon lamang ang may kakayahang triplehin ang kakayanan nito sa ganitong klaseng uri kung saan malakas ang gravitational force." Direktang wika ni Wong Ming habang kitang-kitang naningkit ang mga mata nito.

"Earth Demon? Ano'ng klaseng nilalang iyon?! May ganon bang nabubuhay rito?! Hahaha" Maang-maangang wika ni Dragon Child na napatawa pa ito sa huling bahagi ng sinabi nito.

"Wag mo ng ipagkaila. Isang Earth Demon Fighting Style ang ipinakita mong istilo ng pakikipaglaban kaya alam kong alam mo ang aking sinasabi." Seryosong turan ni Wong Ming habang makikitang hindi nito iniwas ang tingin niya sa kalaban niyang may bansag na "Dragon Child."

Nanlaki naman ang mga mata ng kalaban ni Wong Ming ngunit agad ding sumeryoso ang ekspresyon sa mukha nito.

"Paano mong nalaman ang fighting style na ginamit ko? Isa ka rin bang Earth Demon?! Para sabihin ko sa'yo ay hindi ako isang Earth Demon!" Pagmamatigas na wika ng kalaban ni Wong Ming na si Dragon Child.

"Katulad mo ay hindi ako isang Earth Demon ngunit alam ko na kung bakit nakaya mong gayahin ang galaw ng fighting style ng isang Earth Demon at iyon ay dahil sa isa kang Earth Element Practitioner!" Sambit ni Wong Ming na parang hinuhulaan lamang ito. Assumptions lamang niya at opinyon niya lamang ito ngunit hindi malayong tama siya ng hinala.

"Tama ka. Isang Earth Element Practitioner kami at wala kaming dugo ng isang Earth Demon. Tanging ang Earth Dragon Fighting Style lamang ang ipinamana samin ng mga Earth Demon. Paano mo nalaman ang mga ito?!" Puno ng pagtatakang tanong naman ni Dragon Child patungkol sa mga bagay na ito.

Walang naging tugon si Wong Ming at nanatili lamang tahimik ito. Hindi niya mawari na makakaharap niya ang isang Earth Demon Practitioner sa katauhan ng isang binatang nagtataglay ng fighting style ng isang pambihirang Earth Demon.

Sa lahat ng Elemental Demon ay isa sa mahirap na kalabanin ng pisikal ay ang isang Earth Demon dahil sa pisikal na lakas ng pangangatawan maging ng kalakasan nitong umatake upang pataubin ang kalaban nito.

Misteryo pa rin kung maituturing ang kakayahan ng mga itong magpalakas ng higit pa kumpara sa ibang elemental demon. Tanging ang makakarestrain lamang sa kakayahan nito ay ang mga magigiting na salinlahi ng Ice Demon.

Ang matagal na pananahimik ni Wong Ming ay siyang naging hudyat upang mag-isip ng masama at mag-umpisang mag-alinlangan ang kalaban nito.

"Isa kang espiya noh?! Gusto mo sigurong kunin ang pambihirang sikretong minana ko pa sa aking mga ninuno tama ba ko?! Pwes hindi iyon mangyayari!" Malakas na sambit ni Dragon Child at nawala na lamang ito ng parang bula sa pwesto nito.

Napangiti na lamang si Wong Ming ng makahulugan at mabilis rin itong nawala sa ere.

Siguro ay panahon na upang gamitin niya ang isa sa natural na katangian at lakas ng isang Ice Demon. Gusto niyang malaman kung gaano ito kalakas kapag naisagawa niya ito ng tama.

CLANG! CLANG! CLANG!

Mabibilis ngunit naglalakasang mga pagwasiwas ang ginawa ni Wong Ming at ng kalaban nitong si Dragon Child dahil sa pagpapalitan nila ng mga malalakas na atake.

Halos nagulat ang lahat at namangha sa kanilang sariling nakikita na ang ilan sa mga ito ay hindi masundan ang kanilang mga galaw.

Purong pisikal na mga atake ang palitan ng dalawang manlalahok at nakaramdam ng pagkalito ang lahat. Nabura na rin sa isipan ng lahat na minaliit nila ang binatang kalahok na nangangalang Little Devil.

BANG! BANG! BANG!

Tatlo pang malalakas na atake ang narinig ng lahat bago tuluyang tumalsik ang isang nilalang na naglalaban sa isang bahagi ng Battle Platform kung saan ay lumikha ng malaking butas sa nasabing bagay na tinatapakan nila sa kasalukuyan.

Nagulat ang lahat ng mapansing ito ay ang manlalahok na si Dragon Child. Lumikha ito ng bulung-bulungan sa bahagi ng mga manonood ng labanang ito.

Bumangon naman si Dragon Child at makikitang seryoso itong nakatingin sa binatang nakalutang sa ere habang may pasa ito sa bandang noo at bandang bibig.

Hindi aakalain ni Wong Ming na mapipinsala ang katawan niya sa palitan ng mga atake niya sa isang Earth Demon Practitioner. Sa isang katulad niyang hindi pa gamay ang abilidad at kapangyarihang taglay ng isang Ice Demon ay mukhang hindi pa sigurado ang kaniyang sariling panalo rito.

Hindi man sigurado si Wong Ming sa dahilan ni Dragon Child kung bakit gusto nitong manalo ay alam niyang hindi siya maaaring magpatalo lamang.

Malaking disadvantage din sa kaniya ang pagiging mahusay sa pisikal na labanan ng kalaban niya at bawat atake nito ay halos triple ang enerhiyang nagmumula sa mga atake nito. Ganito kahiwaga ang fighting style ng isang Elemental Earth Demon.

Kumpara sa kaniya na inaaral lamang niya mula sa sarili niyang kakayahan ay iba pa din ito kapag may sariling guro o taga-gabay sa iyong pagsasanay. Mas napapadali ang pagkatuto ng isang practitioner at magagabayan nito kung sakaling may mali sa ginagawa nitong mga bagay.

"Talagang ginagalit mo ko Little Devil. Hinding-hindi mo ko matatalo kahit nasasabayan mo ang aking mga galaw, itong sayo!" Malakas na wika ni Dragon Child at nagsagawa ito ng pambihirang skill.

Skill: Golden Armor!

Biglang nakita ni Wong Ming ang pagbabagong nagaganap sa katawan ng kalaban nito. Nabalutan ng kakaibang kalasag ang buong katawan nito habang lumitaw sa kamay nito ang isang malaking ginintuang sibat.

Nagulat naman si Wong Ming sa nasaksihan niya. Tunay ngang hindi nagbibiro ang kalaban nito at isa nga itong Earth Demon Practitioner.

Ang pagkakaroon nito ng pambihirang elemental skill ng isang Earth Demon ay nangangahulugan lamang na umabante na ito sa ordinaryong lebel ng practitioner at na-master na nito ang basic level ng Earth Demon Fighting Style at mayroon na itong Fighting Armor maging ng Fighting Weapon.

Hindi alam ni Wong Ming na katulad niya na hindi isang Elemental Demon ay mayroon siyang makakatunggaling ganito sa unang elimination round. Alam niyang hindi magiging madali ang lahat upang manalo sa ika-siyam na labang ito.

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now