Chapter 3.1

216 38 3
                                    


Sa isang iglap ay narating ni Wong Ming ang pwesto ng kalaban niyang tila hindi inaasahan ang kaniyang mabilisang paglapit rito habang sinusundam siya ng mga gahiblang kidlat.

Namimilog ang mata ng kalaban ni Wong Ming na may palayaw bilang Thunder God. Kitang-kita sa mata nito ang labis na pagkagulat sa bilis ng pangyayari.

Bago pa ito maka-recover sa nangyayari ay naramdaman lamang nito na balot ang katawan nito ng nagkakapalang tipak ng yelo habang hindi nito maigalaw ang buong katawan nito.

Naipikit na lamang nito ang kaniyang mga mata sa labis na takot na matamaan ng sarili nitong kidlat. Siya mismo ang nagsagawa ng skills at tanging siya lamang ang tanging makakapagpawala ng bisa ng nasabing skills na ito.

"Sumusuko na ko!" Malakas na sigaw ni Thunder God bago pa ito matamaan ng sarili niyang thunder skills.

Isang malaking Ice Shield ang nakita niyang namuo sa ere habang nakatingin ito kay Wong Ming. Nagulat pa siya dahil hindi man lang nito siya sinaktan bagkus ay pinrotektahan nito ang sarili maging siya.

Namalayan na lamang niya na wala na ang nagkakapalang tipak ng yelo at malaya na siyang nakakagalaw. Tahimik ang buong paligid habang makikitang natahimik ang mga manonood sa labis na pagkagulat lalo na't natalo siya.

Ipinawalang-bisa nito ang sariling skill niya at naglakad papalayo.

Pinanood na lamang ni Wong Ming ang papalayong pigura ng kalaban niya sa kompetisyong ito.

Maya-maya pa ay nag-ingay na rin ang mga manonood habang andun na ang kanilang atensyon sa kabilang bahagi ng nasabing field kung saan ay mayroon ding naglalaban-laban.

...

Little Devil Vs. Mistress Viper!

Isang malakas na anunsyo ng nasabing host ng kompetisyong nagaganap sa kasalukuyan.

Napagdesisyunan ni Wong Ming na maglakad na patungo sa nasabing direksyon ng nasabing field na makakaharap niya ang kaniyang makakalaban.

Isang babaeng mayroong kakaibang anyo, anyong tila pinagsamang tao habang mayroong mga kaliskis ng isang ahas.

Nakakatakot ang buong kaanyuan nito habang makikitang may taglay itong kagandahan. Magkagayon man ay hindi nagpatinag si Wong Ming sa kakaibang katauhang bumabalot sa mismong kalaban niya.

Ramdam niyang malakas ang kalaban niyang ito. Kung hindi siya nagkakamali ay walong sunod-sunod na panalo rin ng babaeng nilalang na ito.

"Mukhang malakas ka binata *hiss hehehe... Mukhang ikaw ang susunod kong gagapiin *hiss" Malamig ngunit animo'y malumanay na wika ng kalaban ni Wong Ming ngunit tila nagiging iba ang tinig nito dahil sa nakakatakot na tunog na pinapakawalan ng dila nito.

Masasabi ni Wong Ming na ang nilalang na ito ay nagcucultivate ng naaayon sa likas na martial arts technique nito.

Masasabi niyang malakas at tunay rin na eksperto ang tinaguriang Mistress Viper na ito na siyang makakalaban niya.

Kung hindi siya magkakamali ay maaaring maging permanente na ang kaanyuan nito sa huli at tuluyan na itong magiging demon snake.

Maraming uri ng Snake Transformation Cultivation Methods at ang isang ito ay lubhang makamandag at mapangahas ang pag-eensayong daraanan nito hanggang sa makuha nito ang abilidad ng isang Demon Viper Snake.

Ngunit pagak na natawa na lamang si Wong Ming. Sigurado siyang sa huli ay magiging problema ang isang ito. Isang Demonic cultivation method ang isinasagawa nito at ang epekto sa katawan nito ay nagsisilbing lason. Mula sa ngayon ay sigurado siyang mayroong kakaiba at nakakatakot na mangyayari rito at hindi aware ang isang nilalang na ito.

Magkagayon pa man ay wala siyang pakialam rito. Malaki ang tsansang mamamatay rin ito sa huli.

Hindi namalayan ni Wong Ming na nakangisi na pala siya na hindi nakaligtas sa mabagsik na mga mata ng Mistress Viper.

"Ano'ng ginagawa mo binata? Bakit ka nakangisi *hiss mukhang natutuwa ka na sa iyong pagkatalo   *hiss *hiss *hiss" sambit ni Mistress Viper habang makikitang ipinakita nito ang dalawang nsgtatalimang mga ngipin nito sa bunganga nito upang takutin ang binatang kaharap niya sa kasalukuyan.

"Wala naman, mukhang nagkakamali ka binibining ahas, hindi pa nagsisimula ang laban natin at wag kang pakampante hehehe!" Nakangising demonyong tugon ni Wong Ming rito.

Mabilis na nilihis ni Wong Ming ang tingin niya sa babaeng ahas  na kalaban niya.  Naramdaman niya kasi na tila may kakaiba sa kulay pulang mga mata nito. Hindi niya maintindihan ngunit parang may kung anong bagay na humihila sa kaniya upang tingnan ito sa mga mata nito.

Sa tingin niya ay mas makabubuti kung iiwas siya sa mga mata nito.

Mula sa malayo ay kitang-kita ni Wong Ming na inilabas ni Mistress Viper ang isang malaking kulay abong pana, ramdam ni Wong Ming ang kakaiba ngunit nakakatakot na enerhiyang nagmumula sa kulay abong sandatang hawak-hawak mismo ng kalaban niya.

Napakalawak ng field na kinaroroonan niya at mabilis siyang umatras muna dahil parang pinaghandaan talaga ito ni Mistress Viper.

"Mukhang binabalak mong tumakas binata? *hiss *hiss  Kung tingin mo ay *hiss magagawa mo iyon ngunit hindi *hiss mas mabuti pang sumuko ka na lamang *hiss*hiss *hiss!" Walang pakundangang wika ng kalaban niyang babaeng ahas sa kaniya.

Hindi pa man nakakasagot si Wong Ming ay mabilis na naramdaman niya ang mabilis na pagsabog ng napakalakas na enerhiya sa panang hawak ni Mistress Viper.

Hindi naman nagulat si Wong Ming rito bagkus ay tinatagan niya ang loob niya. Nandito na siya at hindi maaaring matalo siya dahil mauuwi sa wala ang lahat ng ginawa niyang paglalakbay noon sa Mint City upang alamin o hanapin ang kinaroroonan ng Devil's Clock.

"Katapusan mo na binata *hiss hiss *hiss!" Malakas na wika ng babaeng ahas habang nakangising demonyo kasabay nito ang pagsagawa nito ng malakas na skill nito.

Core Skill: Death Arrow!

Sa isang iglap ay naramdaman ni Wong Ming ang tila pagtigil ng mundo at ang pagkawala ng mga nilalang sa lugar na kinaroroonan niya kanina. Ramdam niya ang tila pagkawala ng enerhiya niya sa katawan niya na para bang isa lamang siyang ordinaryong nilalang.

...

Mula sa mga manonood ay kitang-kita ng mga ito na tila nakatayo lamang ang dalawang nilalang ilang daang metro ang pagitan ng mga iss isa't-isa. Ramdam nilang may mali sa nangyayari at tila hindi nila mawari kung ano ito.

Sa huli ay napagtanto ng mga ito na isang laban ito ng ilusyon at hindi isang ordinaryong laban na nakikita nila palagi kung kaya't mas ginanahan ang mga manonood sa kanilang nakikita.

Sigurado silang ang Mistress Viper ang mananalo kahit pa nanood ang mga nakalaban nito sa mga nakaraang laban nito ay hindi pa rin mawari ng mga ito ang kakaibang uri ng ilusyong naililikha nito.

Dito ay mapagtantong pagkatingin na pagkatingin pa lamang ni Wong Ming sa mga mata ng kalaban nito ay nasa impluwensya na ito ng isang malakas na ilusyong nilikha ni Mistress Viper.

...

IMMORTAL DESTROYER [VOLUME 10] GODLY SERIES #3Where stories live. Discover now