He smiled to me, medyo malungkot nga lang. But at least, he managed to.

Lumapit ako sa kanya.

"Good evening. You'e too good looking." at hinalikan ko siya sa pisngi.

"And you're too beautiful on that green dress." and there he hold my hand.

"Saan tayo pupunta ? Pagkatapos nating mag-usap, didiretso na ako sa family dinner. You can drop me off there. And, I also have a proposition for you. Sana magustuhan mo."

"Celine, I think you can't make it to go to that family dinner. May pupuntahan tayo eh."

"Ha ? Saan ? Malayo ba yan?"

"Medyo. Sa Laguna. Sa rest house. I want to be with you." sabi nito.

Nagulat ako. What ? At this time ? Ano'ng oras na ? For sure, mag-aalala sila mommy.

"J-James, I think I can't make it to come. Pwede bang sa ibang araw na lang, mag-aalala kasi sila mommy, eh. Tsaka bakit sa Laguna pa ? We can go somewhere here, in a resto or in a park ? Dun sa favorite park natin ? We can talk there."

"And now you're hesitant ? Don't you love me anymore ?" he sounded broke.

I carressed his face.

"No. I love you. I love you so much."

"Then why can't you come ?"

"Because it's not the perfect time for this. Isa pa, gabi na. Malayo ang byahe. Baka delikado pa. It's better if we travel during daylight and not during this time."

He grabbed my wrist, nagulat ako dun. Mariin ang pagkakahawak niya.

"J-James ..."

"Sa ayaw at sa gusto mo, sasama ka sakin ! We will run away !" at galit na ang hitsura nito.

God, ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni James.

Nagagalit siya noon pero, hindi ganito katindi.

Bigla akong natakot.

"J-James ... nasasaktan ako. Please, let me go." at marahang binabawi ang kamay ko pero, ayaw niyang bitawan.

"No ! Sasama ka sakin !"

"Ayoko !" gusto kong maiyak, $hit !

Ano bang nangyayari sa kanya ?

Pinipilit kong bawiin ang kamay ko pero, masyado siyang malakas para bitawan ako.

My wrist is getting achy, dahil sa higpit ng pagkakahawak nito.

Ngayon lang ako napwersa ng ganito ni James.

Pero ang lalo kong kinagulat ay ang pagtakip niya ng panyo sakin, habang pigil na niya ang dalawang braso ko dahilan para malaglag ang cellphone ko.

"You're only mine, Celine." that was the last thing I heard before darkness covered me.

***

JARED'S POV

Perfect ! A gray long sleeves and a black pants.

I grinned.

I know Celine will like it. Will like it very much.

I decided to pick her up from her condo, since alam ko na rin naman ang location ng condo niya, with the help of tita Jane.

Alam kong magugulat siya. Kinuha ko na rin ang number niya to inform her.

Kaso, puro ring lang ang naririnig ko sa kabilang linya nung pagtawag ko.

Nung tinext ko naman, hindi rin nagrereply.

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now