Natapos ang reception na puro tawanan, iyakan at batian ang naganap. Iyak ako nang iyak sa speech ni Deanna, para akong timang kanina.
Sa apartment pa rin kami dumeretso dalawa, at heto nga nagbubukas kami ng mga regalo sa amin ng mga bisita namin. Nabuksan ko na yung gift nung iba, ang natira na lang ay ang gift nila Bei at Cait, Sera at Nice, Carly at Josh at kay Ate Margarette.
Una naming binuksan ang kay Sera at Nice at halos gumulong kaming dalawa sa kakatawa. Sex toys kasi ang niregalo nila, mga siraulo talaga.
Sunod naman ang kina Bei at Cait at halos malaglag ang panga ko habang si Deanna naman ay ngumingisi sa gilid ko. Niregaluhan ako nung mag-asawa ng tatlong lingerie. Dark blue, black at red. Grabe ang exposed ng balat ng person dito nakakaloka!
"Can you wear it later, Misis ko?" Bulong ni Deanna kaya napahagikgik ako at hinampas ang hita niya.
But I will definitely wear one of these later ;)
Binuksan ko naman ang regalo nila Carly sa amin. Bedsheet at comforter ang regalo nya dahil nahihiya naman daw siya na lumang bedsheet at comforter ang gamit namin dito. Para namang natunaw ang puso ko. "Ang thoughtful naman ni Carly."
"Last gift!" Inabot ko ang gift ni Ate Margarette na natitirang gift na hindi pa nabubuksan. Binuksan ko ito and it was two letters for us. Kinuha ko ang may nakalagay na 'Baby Ivy' at yun muna ang sabay naming binuksan.
"Dear Baby Ivy," Panimula ko sa letter. Umusog lalo si Deanna sa tabi ko at binasa namin ito. "Congratulations to you and Deanna! Ang tagal niyo nang dalawa kahit pa balik break balik break kayo, I still admire your relationship. Alam ko matagal na tayong magkaayos pero gusto ko pa rin humingi ng tawad sa'yo at kay Deanna."
Nagkatinginan naman kami ni Deanna bago nagbasa ulit. "What I did before was so mean. Umepal ako sa relationship niyo knowing na you both has mutual understanding. Palagi kong pinagdadasal kay God na patawarin niyo akong dalawa sa nagawa ko noon. When Deanna called me for planning your wedding, aminado akong nalungkot ako para sa akin. I realized na.. wala na talagang makakatalo sa'yo sa puso ni Deanna eh. I was her first girl love but you are her greatest and true love. Hinding hindi ko makakalimutan yung araw that she begged and kneeled in front of me para tantanan ko na kayong dalawa because she truly loves you so much."
"Ivy, I've been a bad Ate to you and I know that." Nararamdaman ko na ang luha kong namumuo sa gilid ng mata ko. "I am really sorry for betraying you too. Alam kong isang malaking trauma mo yon dahil sa ginawa ni Harvey sa'yo noon kaya sobrang humihingi ako ng tawad for using it to you too. Nagsisisi ako sa lahat ng ginawa ko sa inyong dalawa and I hope someday, you both will see me again na healed na from the past."
"I love you both so much pero mas mahal kita Baby Ivy ko. You know how much I love you as my little sister. If you'll give me a chance, babawi si Ate Margarette sa'yo. Pero hayaan mo muna akong makahanap ng lovelife ko para happy tayong dalawa hehe." at natawa na nga kaming dalawa ni Deanna nang binasa ko ito. "Congratulations again, love birds! Love ko kayo both at sana mas tumagal pa kayong dalawa. Always love and respect each other in any ways. Nandito lang ako lagi para sa inyong dalawa. Ivy, kapag may susugurin kang babae ni Deanna, I'm just a call away. Isama natin si Carly at Jovelyn sa panunugod."
"Grabe sya, ginawa pa kong babaera." Komento ni Deanna kaya natawa nanaman ako. Sinunod naman namin ang letter ni Ate Margarette kay Deanna, siya naman ang nagbasa. "Dear Wong, ang panget mo. Joke-- unang una pa lang, may insulto na agad ah?"
"Hahahaha! Mahal na mahal ka eh no?" Natatawa kong sagot.
"Matagal na panahon na ang nakalipas mula nung huling nagkausap tayo nung nagpunta ka sa bahay. For the past years, I haven't really gave you my sincere and deepest apology for everything that I did to you." Tahimik lang akong nakikinig sa letter ni Ate Margarette. "I loved you, I really did. I was just too blinded by the people whom I trust pero binetray din ako. That night.. I thought that If I say those things, matutuwa sila sa akin. Mapapasama na ako sa circle nila and such.. but I was wrong. They all left me right after you broke up with me. Sumama sila doon sa bago nilang kaibigan na mayaman. I know they also did the same to Ivy before. It was really a bad decision of trusting them."
Tumango tango naman ako. Pareho kaming biktima ng mga taong inakala naming kaibigan namin pero hindi naman pala. "Kung iisipin ngayon, if I was given the chance to turn back time. I will still do it, not because I wanted to hurt you but because what I did made you the person na minahal ni Ivy. What I did made you stronger. What I did led you to meet Ivy in the future, which is your wife now."
"I am still grateful for being loved by you before. Pero tanggap ko na at naka move on na ako, I am now focusing on my own well being. Thank you for not choosing me that night, it was the best decision for the both of us. Ikaw, nakahanap ka ng tamang taong mamahalin ka. Ako, nagsimula na akong mahaling ang sarili ko." Napapangiti naman ako sa sinasabi ng sulat ni Ate. "Please love my bunso, more than I love her. Congratulations again, Dinawong!"
"Thank you, Ate Margarette." Mahinang sambit ko nang matapos basahin ni Deanna ang letter niya. Humarap siya sa akin at tinap ang hita niya kaya naman naupo ako doon at inangkla ang braso sa leeg niya.
"Gusto kong makipag kwentuhan sa'yo, Misis ko." Sambit ni Deanna sa akin habang hinahaplos ang braso ko. "Can we do it now?"
Ngumiti naman ako at hinawi ang buhok na lumilipad sa mukha niya. "Sure, Mister ko. Anong gusto mong pag kwentuhan natin?"
_______________________________________________________________________________________________________
Last update, darlings! Oh ayan na hindi ko kayo sinaktan ha 😂
Love, Seven ☁️
BẠN ĐANG ĐỌC
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red Strings 16
Bắt đầu từ đầu
