"Thank you, Ates!" Naiiyak kong sagot kaya naman niyakap nila ako. "Nakakaloka po yung kapatid niyo, nangingidnap sa araw ng kasal."
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Tawanan nilang lahat kaya natawa na din ako.
Umakbay naman sa akin si Ate Nicole. "Alam mo naman 'tong asawa mo, Ivy. Full of surprises."
Shet! Asawa daw :>
"Uy, ramdam ko ang kilig ng asawa ko." Sabat ni Deanna sa gilid namin kaya lalo akong namula.
"My gorgeous daughters!" Masayang bati ni Tita Judin sa amin ni Deanna. "I am so happy for you both. Finally, Sachi. May asawa ka na din!"
Natawa naman si Ate Cy. "Hindi na baby si Sachi, Mom. Isa na din siyang baby producer."
"Ate!" Saway ni Deanna kaya nagtawanan kami nila Ate Cy.
Matapos ang kasal ay dumeretso kami sa reception. Grabe, planado lahat ni Deanna to?
Habang pinanonood namin sila Bea at Sera na sumasayaw sa gitna ay tumingin ako kay Deanna. "I love you, Adi."
"I love you most, Misis ko." Sagot niya at humalik sa noo ko kaya naman ramdam ko nanaman ang pamumula ng pisngi ko. "Happy ka naman?"
Tumango naman ako at yumakap sa bewang niya. "Super happy!"
"I'm happy with you too, Misis ko." Halos humimlay na ako dito sa inuupuan ko dahil sa pagtawag niya sa akin ng Misis ko.
"Congrats, Deans and Keith!"
Napaangat kami ng tingin kay.. Jovelyn.
"Thanks, Jovz." Ngiting ngiting sagot ni Deanna at bumeso pa. Iirap na ba ako? "Adi, I never introduced you both to each other so here, this is Ivy, my wife. Asawa ko, this is Jovelyn or Jovz, our Wedding Organizer."
Para naman akong napako sa kinauupuan ko nang marinig ko yon. A-Ano? Wedding Organizer? Hindi niya babae to?
"Nice to meet you again, Keith. Nakwento sa akin ni Deanna na pinaghinalaan mo kaming dalawa-- Oh gosh please. I'll never come back to this lady again." Irap ni Jovelyn kaya natawa ako. "Hindi kasi namin pwedeng sabihin sa'yo kung sino ako dahil malalaman mo agad yung surprise niya sa'yo."
"So.. hindi ka babae ni Deanna? Ex ka na lang niya?" Tumango naman siya habang nakangiti.
Napangiti na din ako. I felt relieved, akala ko talaga babae niya.
"Wag kang mag worry na agawin ko si Deanna sa'yo. Si Deanna dapat mag worry kasi kapag hindi ka niya inalagaan, ako ang aagaw sa'yo sa kaniya." Lalo naman akong natawa dahil salubong na ang kilay ng asawa ko sa tabi namin kaya natawa si Jovelyn. "I'm just kidding. I actually have a boyfriend."
"Thank you sa tulong mo kay Deanna, Jovz, and I'm very sorry for overthinking your relationship with Deanna." Sanbit ko at umiling naman siya saka ako niyakap.
"Pwede bang makijoin dito?"
Sabay sabay kaming napatingin kay Ate Margarette at ngumiti kami sa kaniya. "Baby Ivy ko, congratssss!"
"Thank you, Ate." Malumanay kong sagot. Matagal na kaming nagkaayos ni Ate Margarette kaya takang taka ako kanina nung sinabing siya ang nagpakidnap sa akin.
"Hoy, Wong." Tawag niya kay Deanna at yung isa naman ay nagtaas ng kilay. "Alagaan mo 'tong baby girl ko ha? Sasapakin kita kapag pinaiyak mo to."
Natawa kami nang irapan siya ni Deanna. "Ikaw sapakin ko diyan, sapakan tayo."
"Ay g ako dyan. Now na ba?" Sabay silang tumawa at napailing sa isa't isa. Kukulit eh?
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red Strings 16
Start from the beginning
