Tumango naman ito at naghintay din nga. Maya maya lang ay nagsimula nang gumalaw si Ivy. "Tu-Tulong.."

Sa totoo lang ay awang awa na siya sa lagay nito pero kailangan niyang magtiis. Kitang kita nya kung paanong pilit na tanggalin ni Ivy ang tali ng kamag niya. Naririnig niya ang mahihinang hikbi nito kaya naman lumapit na siya. Narinig pa niya itong bumulong. "Ano ba 'to bakit kasi ayaw mong matanggal.."

Nagulat din siya nang sumigaw si Ivy dahil hinawakan niya ito. "Sino ka?!"

"Shh." Nakangising sambit niya at hinaplos pa nga ang pisngi nito.

"Wag mo kong hawakan-- sisipain kita!" Sigaw pa nito kaya natawa na siya. Lumapit siya kay Ivy at bumulong sa tenga nito.

"You're safe now." Sambit niya sa dalaga bago tanggalin ang tali nito sa paa at kamay. Tinanggal din nito ang piring niya at bumungad sa kaniya ang nakapikit na si Ivy.

Tumingin muna ito sa paligid at mukhang hindi siya napansin. "Okay ka lang?" Dahan dahan siyang nilingon ni Ivy at kitang kita ang gulat nito nang makita siya sa harap nito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya sa taong nasa harap niya pero ngiti lang ang sinagot nito. "Ikaw ba nagpakidnap sa'kin?"

"Oo." Nakangiting sagot nito sa kaniya kaya kumunot na ang noo ni Ivy. Doon na niya nakita ang matandang lalaki na nasa harap nila at ang suot ng taong nasa harap niya.

I V Y

"Nakakainis ka naman eh!" Reklamo ko at hinampas ang braso niya. Tawa siya nang tawa habang ako naman ay halos mangiyak ngiyak na ulit. "Pwede naman kasing.. ang daming pakulo eh!"

Natatawa pa rin pero hinalikan niya ang pisngi ko. "I'm sorry, Adi ko. Minadali ko na kasi, sabi mo uuwi ka na eh."

"Malay ko ba naman kasing may pa ganito ka.." Malumanay kong sambit.

"Can we start now?" Napalingon kaming dalawa ni Deanna sa.. officiant na nasa harap namin. Shuta! Akala ko mamamatay na ko kanina.

Ikakasal lang pala ako.

Ikakasal na ako

Ikakasal na– ha?!

"I-Ikakasal na tayo?" Gulat kong tanong at nakarinig ako ng mga tawanan sa paligid. Nilibot ko ang mata ko at doon ko nakitang madami palang tao dito sa beach. Sila Bea, Cait, Sera, Nice, Carly, Cadeann, Josh, Ate Cy, Hayley, Ate Nicole, Adie, Peter, Papa at asawa niya. Nandito rin sila Kath, sila Val. Sila Van. Halos lahat sila nandito. Pati sila Engineer Lopez nandito din.

"Yes, Adi." Sagot ni Deanna sa akin at pinaupo na ako. Buong seremonya ay halos mag umapaw ang puso ko sa tuwa. Naka hawak lang ako sa kamay ni Deanna hanggang sa..

"You may kiss each other now."

Hinawi ni Deanna ang buhok ko at inipit sa likod ng tenga ko saka hinawakan ang baba ko at siniil ako ng halik. Nakarinig kami ng palakpakan kaya naman nagtawanan kami ni Deanna sa saya.

Grabe. Hindi ako makapaniwala.

Yung inakala kong last dinner namin..

Kasal na pala namin.

"Congrats, love birds!" Bati ni Caitlyn paglapit sa amin at bumeso.

"Tooooool! Mister ka na dinnnnn!" Masayang bungad ni Beatriz kay Deanna at nagyakapan pa silang dalawa.

"Welcome to the club!" Masayang bulalas nila Beatriz, Sera at Josh. Nagtawanan sila nila Deanna at nagyakapan.

"Sister in lawwwww!" Masayang salubong sa akin nila Ate Cy at Ate Nicole. "Welcome to our family.. again!"

Red StringsWhere stories live. Discover now