"Anong sinasabi mo?" Takang tanong niya. "Bakit naman ako sasamahan ni Jovz?"

Naks. May nickname pa ampota. "Ewan ko."

Hindi ko na siya pinakinggan at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Sarap talaga ng cheese ramen, hindi nakakasawa.

"Wag ka munang umuwi." Rinig kong sambit niya. "May inaasikaso lang ako, tapos sasama ako sa'yo sa Pinas."

Umiling naman ako. "Wag na. Busy ka naman dito, malungkot pa si Jovz pag umalis ka."

"Saan ba nanggagaling yan, Adi? Bakit lagi mong sinasali si Jovz sa usapan?" Wow, siya pa galit ah?

"Sinong hindi? Nagsinungaling ka sa akin para makasama mo yang Jovelyn na yan. Miami? Kailan pa naging Miami ang New York, Deanna?" Matigas kong sambit. "Wag mo kong tinatanong na parang wala kang alam, hindi ko pa nakakalimutan yung nakita ko sa hospital at nakita ko kanina sa labas."

Kung kanina ay parang galit siya, ngayon naman ay natataranta siya bigla. "I–I'm sorry, Adi. Hindi ko naman ginustong magsinungaling sa'yo. I–I just had to--"

"Had.. to?" Kunut noo kong tanong dahil hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya. Pumikit ako at minasahe ang sentido ko. "Alam mo, just save your explanation cause I don't wanna hear it anymore. Magsama kayo ng Jovz mo."

Hindi ko na siya hinayaang magsalita at padabog na dinampot ang pagkain ko. Langya, sarap sarap ng kain ko dito, tas biglang dadating para bwisitin ako. Sa inis ko ay dinala ko ang pagkain ko sa kusina at doon tinuloy ang pag kain ko. Nagpophone lang ako habang nilalantakan ang chicken ko dahil nanginginig na ko sa inis. Nakatalikod ako sa kitchen counter dahil doon nakapatong ang pagkain ko.

Nakaramdam na lang ako ng pagpulupot ng dalawang braso sa bewang ko at pagpatong ng baba sa balikat ko. "Adi, please. I know you're mad at me. But please wag ka munang umuwi. Bukas na bukas, babawi ako sa'yo."

"Tantanan mo yang Jovelyn mo, makakabawi ka na sa'kin." Mahinang sagot ko.

"I will, Adi. I will."

Kinabukasan ay nagsabi siya sa akin na hindi muna siya papasok sa office. Babawi daw talaga siya sa akin, heto nga't nakaupo na ako ngayon sa hapag at nagluluto siya ng almusal. "It's doneee! Let's eatttt."

Nilapag niya ang bowl ng sinangag sa lamesa at ang mga ulam. Natatakam na ako, nagugutom na ako eh bat ba.

Hinayaan ko siyang maghain bago kami nagdasal at kumain. Sarap talaga magluto nitong taong to. "Sarap, Adi?"

"Hmmsarap." Sagot ko kaya natawa siya. May onting laman pa kasi yung bibig ko nung sumagot ako.

Natapos ang almusal at ako naman ang nagligpit. Nakasandal lang siya sa gilid ng lababo habang naghuhugas ako. Dinadaldal niya lang ako kung anong mga ginawa niya these past few days. Kaya daw sila galing sa shop ni Jovelyn ay dahil binilhan niya ako ng damit, kay Jovelyn lang siya nagpapatulong. Sabi ko bakit kako hindi ako ang sinama tutal ako naman ang magsusuot. Surprise daw sana kaso nagsusuper saiyan na daw ako kaya sinabi na niya.

"Adi, I wanna buy you heels. Do you want?" Tanong niya. Nag-isip naman ako habang nagpupunas ng kamay saka tumango. "Ligo na tayo para deretso na tayo sa boutique mamaya."

Sabay kaming naligo at siyempre, bilang si Deanna ay si Deanna. Alam niyo na kung anong milagro ang nangyari sa banyo.

Nandito na kami ngayon sa mall at nagtitingin ng heels. Pinakita niya yung dress sa akin kanina eh, medyo mahaba siyang dress kasi matangkad ako. Ang ganda nga eh, may mga lace. Sabi niya kaya siya bumili ng dress ay para sa date namin na matagal na niyang pinaplano noon pang bago ako dumating dito. Kaya din daw siya napunta dito matapos niyang sabihin nasa Miami siya ay dahil naghahanap siya dito ng venue ng date naming dalawa.

Pero hindi niya pa rin binabanggit kung sino ba talaga si Jovelyn at bakit lagi silang magkasama.

Hinayaan ko na lang kasi mukha namang nagsasabi siya ng totoo.

"Eto, Adi?" Tanong niya habang winawagayway ang heels sa harap ko. Inabot ko naman ito at sinukat, kasya naman pero parang hindi bagay sa dress. "Di bagay?"

Umiling naman ako. Pinaupo ko na lang siya at ako ang nag ikot para magtingin ng heels. Nang makakita naman ako ay sinukat ko ito. Kasya naman at nagustuhan ko kaya naman kinuha ko ito at bumalik kay Deanna.

Nang makarating ako ay napatigil ako dahil nakita kong kasama niya si Jovelyn at nagtatawanan pa silang dalawa. Nararamdaman ko nanaman ang pag-init ng dugo ko kaya naman kinalma ko ang sarili ko. Tumalikod na lang ako at hinanap ang sales lady na pwedeng mag asikaso sa akin. "Miss, I'll get this one please. Thank you."

Inasikaso naman niya ako at binigay ang bagong pares nung sapatos sa akin. Dumeretso ako sa cashier at binayaran ang sapatos na binili ko. "Thank you." Naglibot na lang ako at nagtingin ng kung ano ano, nagbabaka sakaling mawala sa isip ko yung pakikipag tawanan ni Deanna sa Jovelyn na yon.

"Adi, nandito ka lang pala."

Nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Deanna na nakangiti, wala siyang kasama. "Tapos ka na mamili ng heels?"

"Nabili ko na." Maikling sagot ko. Inaya na lang niya akong maglibot libot kaya naman sumama na lang ako pero tahimik lang ako.

Ano bang meron yung Jovelyn na yon? Bakit lagi pa rin silang nagdidikit ni Deanna?

Sabi niya tatantanan na niya eh.

Hindi ko tuloy maiwasang malungkot. Ngayon lang ako nainsecure sa isang tao sa buong buhay ko. Hindi naman kasi talaga ako usually ganito. Mas nangingibabaw ang inis ko pag nagseselos ako pero ngayon.. iba eh.

"Adi?"

Natigil ako sa pag-iisip ko nang kalabitin ako ni Deanna. Nasa restaurant na pala kami, hindi ko man lang napansin. Nakaupo na nga kami eh. "Okay ka lang ba? Kanina ka pa tahimik at tulala. May masakit ba sa'yo?"

Umiling naman ako. "Pagod lang."

Hindi siya sumagot pero nakatingin lang siya sa akin. Nag order na din siya at kumain na kami. Daldal lang siya nang daldal pero yung utak ko lumilipad. Nasa kalawakan na nga ata.

Matapos naming kumain ay umuwi na din kami. Walang nagsasalita sa aming dalawa. Habang nasa byahe ay nakatingin lang ako sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang mga sasakyang dumadaan. Napalingon ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay kong nasa hita ko. Tipid akong ngumiti sa kaniya at binalik ulit ang tingin ko sa bintana.

Nang makauwi kami ay nag shower na siya. Inayos ko naman ang pinamili namin at nang matapos ako ay naghanap na din ako ng pantulog, magshashower na din ako after ni Deanna. Pagkalabas niya nga ay ako naman ang nagshower. Medyo natagalan ako sa shower dahil nag ooverthink nanaman ako.

Baka ka chat niya si Jovelyn habang nandito ako sa banyo.

Baka nagtatawanan nanaman sila.

Baka pinagtatawanan nila ako.

Mariin akong napapikit at biglang nag flashback sa utak ko ang mga nangyari sa akin nung highschool ako. Yung tawanan, yung pandidiri nung iba, yung masasakit nilang salita, yung pang-aaway sa akin ng mga nagkakagusto kay Harvey. Yung matang nanghuhusga ng mga teacher sa school. Lahat lahat naaalala ko pa. Yung sakit, yung hiya, yung panliliit ko sa sarili ko, sariwa pa rin kahit ilang taon na ang nakalipas.

Akala ko okay na ko.

Akala ko naghilom na yung sugat sa pagkatao ko.

Hindi pa rin pala.
_______________________________________________________________________________________________________

👀

Love, Seven ☁️

Red StringsWhere stories live. Discover now