"Engineer, can I talk to you privately?" Bungad ko sa kaniya nang makarating ako. Dinala naman niya ako sa tent. "Ilang percent na progress ng house?"
"89% na, Architect. Mukhang in less than a month, matapos na natin yung bahay kasi buo naman na siya." Tumango tango naman ako sa sinabi niya.
Tumikhim naman ako. "That's good. Para pag natapos na 'tong project na 'to, makauwi na ako sa Pilipinas. Ang dami ko na din kasing pending na clients, baka mawala na silang lahat."
"You can go home naman na, Architect. Kayang kaya na namin to ng mga workers natin. We can talk to you naman thru video calls diba?" Tumango naman ako sa kaniya kaya ngumiti siya. "Your job here is done, Architect. Thank you for making Deanna's dream come true."
Natawa naman ako. "This would've not happen if you weren't also here, Engineer. Thank you for you great work too."
"You're welcome, Architect. Kailan mo ba balak umuwi?" Nakangiting tanong niya.
"As soon as possible. Kakausapin ko lang muna si Deanna and her family bago ako umuwi." Sagot ko sa kaniya. Tumango naman siya kaya nagyakapan kami at umalis na siya. Tinawagan ko din si Carly. "Sis, ito na yung house."
"Huy ang gandaaaa! Mukhang malapit na matapos yan ah?" Tanong niya kaya naman tumango ako.
"Yes, pero nakausap ko na yung engineer namin. Pwede na kong umuwi diyan kahit hindi pa 'to tapos. We can talk through video calls naman, ang dami ko nang pending na trabaho diyan." Sagot ko.
"Alam ba ni Deanna?" Umiling naman ako. "Gaga sabihin mo kaya mamaya."
"Oo, sasabihin ko naman sa kaniya pag umuwi siya. Ni hindi nga kami nag aabot sa bahay diba?" Malumanay kong sagot. "Siya sige na, Carly. Kita na lang tayo pag uwi ko diyan this week ha?"
"Pasalubong, sis! Hahahaha! Chocolates daw sabi nila Beatriz." Natawa naman ako at tumango. Bukas nga mamimili na ako ng pasalubong nila.
Umuwi na din ako, 5 na kasi ng hapon. Wala naman na akong gagawin kaya ieenjoy ko na lang ang sarili ko dito sa apartment. Mamimiss ko din ito no. Ilang buwan tong naging saksi sa.. nevermind.
Bumili ako ng yangyeom chicken sa daan kanina tapos ay nagluto ako ng tteokbokki at cheese ramen. Sinabayan ko ito ng malamig na softdrinks, itutuloy ko na ang panonood ko ng Only Murders In The Building.
Tumatawa ako sa pinapanood ko nang marinig ko ang pang bukas ng main door. Hindi ko yon pinansin, alam ko namang si Deanna lang yon.
"Adi?" Rinig kong tanong niya. "Aga mong nakauwi."
Tumango naman ako habang nakatingin pa rin sa tv. Himala, kinausap ako?
"Wala nang gagawin sa site. Kaya naman na daw nila." Plain kong sagot. "Oo nga pala, since patapos naman na yung bahay mo, uuwi na din ako sa Pinas this week. Madami na kong pending na trabaho, baka mag back out na lahat ng kliyente ko--"
"Ha?!" Napalingon naman ako sa kaniya dahil sa reaksyon niyang gulat na gulat. Problema neto? Parang nakakita ng multo.
"Yun naman talaga plano diba? Pag natapos yung bahay, uuwi na ko." Sagot ko naman sa kaniya. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.
"Iiwan mo ko dito?" Tinignan ko siya dahil sa malungkot niyang tinig at mukhang iiyak pa.
Natawa naman ako. "Di ka naman malulungkot dito, kasama mo naman si Jovelyn. Pag umuwi ako, libreng libre naman na siyang sumama sa'yo."
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red Strings 14
Start from the beginning
