Kung sila Joseph at Gayle ay nakangiti sa kanila, ako naman ay parang naestatwa sa upuan ko. Bakit nandito to? Akala ko ba nasa Miami to?
"Adi? What are you doing here?" Gulat na tanong ni Deanna. Hindi ko siya sinagot dahil nagsalita si Gayle.
"Kilala niyo po si Deanna, Miss Keith?" Takang tanong ni Gayle sa akin. Tumango lang ako habang nakatingin sa babaeng kasama niya. Pamilyar siya sa akin, parang nakita ko na siya sa kung saan.
Tama!
Siya yon.
Siya yung babaeng kahalikan ni Deanna doon sa video na pinanood ko sa youtube. Siya yon, hindi ako pwedeng magkamali. Aayain pa sana nila akong kumain pero tumayo na ako. "Seph, Gayle, mauna na din ako. Baka kailangan na ako ni Engineer sa site."
"Sige, Architect. Salamat po ulit sa paghatid niyo sa akin." Ngumiti lang ako sa kanilang mag-asawa, pati na din sa kasama ni Deanna saka lumabas. Di ko na pinansin yung isa, bahala siya sa buhay niya. Miami pala ha?
"Adi! Adi, wait!"
Rinig kong tawag sa akin ni Deanna pero hindi ko siya nilingon. Nagmadali akong bumalik sa sasakyan ko at nakita kong hinabol niya pa ako sa parking lot pero pinaharurot ko na ang sasakyan. Halo halo ang nararamdaman ko, pero mas nangingibabaw ang sakit.
Sakit ng pagsisinungaling niya sa akin.
Hindi ako dumeretso sa site dahil alam kong susunod siya sa akin doon. Nagpunta ako sa resto nila Deanna at Ivy, ikakain ko na lang ang inis ko.
"Keith?"
Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang pangalan ko. Bahagya akong ngumiti nang makita ko si Ivy, medyo malaki na ang tiyan. Oo nga pala, buntis nga pala siya.
"Keith? Okay ka lang?" Nag aalalang tanong ni Ivy sa akin. Tumango naman ako sa kaniya habang bahagyang nakangiti. "Teka lang, I'll make you a coffee and a food ha? Upo ka na muna doon sa pwesto natin."
"Thanks, Ivy." Ang weird kumausap ng kamukha at kapangalan ko pero sanay na din naman ako. I became friends with Deanna and Ivy na din kasi. Nakilala ko nga din si Deanne and I swear, para silang triplets nila Adi.
Speaking of Adi, tumatawag siya sa akin ngayon. 15 missed calls, 20 unread messages from her. Pinatay ko ang phone ko because I don't want to entertain her muna. Ayokong may masabi akong hindi maganda, I wanna be at peace for the moment.
"Here, Keith. Drink and eat this." Sambit ni Ivy nang ilapag niya ang baso ng kape at plato sa harap ko.
One thing I love about Ivy is ang sarap niyang gumawa ng kape. Kwento nga niya sa akin, she used to have her own coffee shop eh. Kaya lang nagkaroon ng problema at nasunog ang shop nya dahil daw sa fans ng asawa niya. Ang interesting ng life nila actually, tweetums tas naging action. I admire Ivy for being brave when she got kidnapped by the twin's exes.
"Do you want to share?" Tanong niya sa akin pagkaupo niya. "Or you just want a companion for now?"
Ngumiti naman ako sa kaniya. "Gusto ko lang ng kasama, Ivy."
Hindi niya ako pinilit na magkwento, pinagkwento ko na lang siya ng nangyari sa buhay nila noon ni Deanna. Kung paano sila nagkakilala, paano sila naging sila. Tawa ako nang tawa when she told me na first meet daw nila, wala pang bra si Deanna. Parang nangyari sa amin ni Adi nung bagong punta ko dito, ako nga lang ang walang bra.
"She was really gentle with me. Ako ang palaging nagtatampo, nagagalit sa aming dalawa. Alam niya kung paano ako magalit eh, she wouldn't want that to happen again." Kinwento niya din ang struggle sa relationship nila at nalungkot ako at the same time inadmire ko sila lalo kasi kahit na ang dami nilang problema noon, heto pa rin sila at magkasama, magkakaanak pa.
"How does it feel to be pregnant, Ivy?" Tanong ko sa kaniya pagka sip ko ng kape sa mug ko.
Kitang kita ko naman ang pag ngiti nito at hinaplos ang tiyan niyang malaki. "Masarap sa pakiramdam, Keith. Alam mo yung pakiramdam na.. may bagay na binigay sa'yo na matagal mo nang hinihiling? Ganon yung pakiramdam. This was our.. 4th attempt. Yung tatlong beses, hindi talaga nabubuo. Akala nga namin baog isa sa amin eh, but we realized na God will give us this kapag pareho na kaming ready talaga. Those times kasi, may problem siya sa resto tapos ako naman medyo busy sa career ko. This time, nilaan talaga namin buong attention namin para mabuo siya. We're really determined to have our own angel kaya naman sobrang saya naming dalawa when it came positive."
"Why'd you ask? Do you want to have a baby na din ba?" Nakangiting tanong niya kaya tumawa ako.
"I don't think I'm in the right mental state to have a baby right now. Gusto ko din.. at the same time I just want to you know, explore myself and my life." Sagot ko at tumango tango naman siya.
"Alam mo, ganyan din ako before. I felt like I just want Deanna and I for the rest of our lives." Sagot niya. "Hanggang sa Deanna and Deanne met someone. Alam mo kung nakita niyo din sila? Mawiwindang kayo. Kasi magiging triplets tayo at quadruplets naman sila Deanna."
Kumunot naman ang noo ko. "May nameet pa kayong ibang Deanna at Ivy?" Tumango naman siya.
"They're older than us nga lang. Meron silang three kids, isang kambal and yung bunso is adopted. That time hindi pa kami nagtatry ni Deans na mag baby, ineenjoy namin isa't isa eh. Hanggang sa nung nakilala namin sila, I was so inspired on how they raised their kids. Nameet din kasi namin yung mga anak nila at lahat sila halatang pinalaki nang maayos." Kwento niya sa akin at seryoso lang naman akong nakikinig. "That's when I realized na baka pwede na din kaming mag baby ni Deans. Ang sarap kasi nilang tignan magkakasama and I thought ganon din kami ni Deans kapag magulang na kami."
Kinwentuhan niya pa ako tungkol sa pagiging buntis at medyo nagnonotes naman ako sa utak ko. Malay natin one day, maisipan kong mag baby diba?
Matapos naming magkwentuhan ni Ivy ay napansin kong dumidilim na sa labas kaya nagpaalam na din ako sa kaniya na uuwi na ako dahil gabi na nga. Inalalayan ko siya papunta sa counter, dala ko din ang pinagkainan ko. Nagbayad ako siyempre, nag iinsist nga siya na wag na pero makulit ako kaya tinanggap niya na ulit.
"See you next time, twin!" Bati niya sa akin pagbeso ko kaya ngumiti na ako at kumaway bago lumabas. Dumeretso ako sa apartment, nakita ko yung sasakyan ni Deanna sa labas. Napairap na lamang ako sa isipan ko at pumasok na nga. Naabutan ko siya na naghihintay sa living room at nakapambahay na nga. Pambihira talaga.
"Adi, let--" Inangat ko ang palad ko sa harap ng mukha niya, senyales na manahimik muna siya dahil ayokong makipag-usap kaya natigil siya. Dumeretso ako sa kwarto at naghubad ng suot ko. Nilagay ko lahat sa laundry basket bago ako pumasok sa banyo at nag shower. Gusto ko nang matulog, masyado pang magulo utak ko. Ayoko pang makipag-usap kay Deanna dahil kada nakikita ko siya, naiinis ako sobra. Ayokong makapag bitaw ng masakit na salita kaya pinipili kong manahimik muna.
Paglabas ko ay nagbihis na ako ng pantulog at pinatuyo ang buhok ko. Nahiga na ako at pumikit, hindi ko na siya hinintay na tumabi. Gusto ko na munang magpahinga.
Wala pang ilang minuto akong nakapikit ay narinig kong bumukas ang pinto. Nanatili lang akong nakapikit at naramdaman ko na lang na lumubog ang part ng kama sa likuran ko. Nakatalikod kasi ako sa pwesto niya.
"I'm sorry, Adi." Rinig kong bulong niya bago ko naramdaman ang malambot niyang labi sa pisngi ko.
_______________________________________________________________________________________________________
Last UD for todayyyy! Next time ulit pag may free timeee 💜
Love, Seven ☁️
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red String 13
Start from the beginning
