SDTR: Kabanata 47

Start from the beginning
                                    

Lumipat ang paghaplos niya doon sa parte kung saan nandoon ang tattoo ko. Pumaibabaw siyang muli sa akin upang bumulong sa tainga ko. "Sa tingin ko itong dreamcatcher na 'to dapat ang katabi ko sa pagtulog, para iwas sa bangungot." Natatawang aniya kaya hinampas ko ang likod niya.

"Ganyan ka pala kapilyo." Natatawang bulong ko, kailanman ay hindi sumagi sa isipan ko noon na may pagkapilyo rin pala ang seryosong Ethan na mahal na mahal ko noon pa man. "Sayo lang." Bawi niya na nagpainit sa mukha ko, naramdaman kong hinalikan niya ang tainga at leeg ko.

"You are the other half that makes me feel whole, Claire." Bulong niya at isang malalim na halik ang ibinigay niya sa labi ko na kaagad ko namang tinugon! Halos hindi naman magkamaliw ang lalamunan ko sa mahihinang ungol na pinapakawalan ko dahil sa haplos niyang punong puno ng pagmamahal doon sa akin.

Muli niya akong idinapa sa ibabaw niya at halos hindi ako makapaniwala na maingat niyang naipasok ang sa kanya doon sa akin habang nakaupo ako sa ibabaw niya.

"Ethan!" Hinaing ko at maingat niya akong hinila upang yakapin habang nasa ibabaw niya. Nanginginig ang binti ko at sunod sunod na paglunok ang nagagawa ko sa tuwing mararamdaman ko ang kakaibang sensasyon mula sa kanya!

Ikinulong ko ng dalawang palad ko ang magkabilang pisngi niya habang nagtititigan ang mga mata naming punong puno ng pagmamahal. Malalim at mabigat ang paghinga naming dalawa habang hinahayaan ko siyang kumilos na maglabas masok sa akin!

"E..Ethan.." Paulit ulit na tawag ko sa kanya, "I love..you, baby." Hinihingal na bulong niya at mas lalong bumilis ang pag galaw niya na para bang pareho kaming nababaliw sa pakiramdam na sa kanya ko lang naranasan. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na yumuko sa balikat niya at yakapin siya ng sobrang higpit!

Narinig ko ang mahinang pag ungol niya nang kagatin ko ang balikat niya dahil sa pinakawalan kong sensasyon na kanyang sinabayan rin! "Ahh, Claire, I'll make sure na magkakalaman yan." Habol hiningang bulong niya sa tainga ko at sunod sunod na halik ang ibinigay niya sa akin nang matapos namin ang lahat.

___

Abala ako sa pagtitig sa cellphone niya habang siya naman ay kinukuskos ang basang buhok ko, katatapos lang kasi naming maligo at sinusubukan ko namang hintayin ang reply ni Kuya Justine.

"H'wag ka nang kabahan." Sambit niya matapos kuskusin ang buhok ko at sinuklay naman niya iyon, maingat kong hinawi ang kamay niya at upang humarap ako sa kanya.

"Natatakot ako Ethan, paano kung paghiwalayin nanaman tayo nila Dad?" Usisa ko sa kanya, huminga siya ng malalim at hinaplos niya ang pisngi ko. "Bakit ka ba natatakot?  Kasama mo ako, sa tingin mo ba papayag akong mangyari yon?" Aniya.

Magsasalita na sana ako pero narinig kong tumunog ang cellphone niya at nag appear doon ang pangalan ni Kuya Justine.

Binasa ko ang text message at napalunok ako.

"What?" Bulong niya, tinignan ko siya sa mata. "Nandito na sa Manila sila Dad." Sagot ko sa kanya na para bang wala lang sa kanya ang ibinalita ko.

"Ako ang bahala."

"H'wag ka nang masyadong mag isip, alam mo namang kaya kitang ipaglaban. Lalo na ngayong pinang hahawakan ko yung mga pinangako mo sa akin kahapon." Dagdag pa niya na siyang dahan dahang nagpangiti sa akin, yumakap ako sa kanya.

"Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka." Bulong ko.

"Saan ba kasi?" Natatawang tanong ko sa kanya, kanina niya pa ako hila hila sa kamay habang naglalakad kami sa isang subdivision na ngayon ko lang napuntahan. Nag commute lang kaming dalawa dahil mas gusto niyang magkatabi kami sa backseat kaya naman naisipan niyang magtaxi nalang at nagpababa kami sa labas ng isang Subdivision.

Mas pinili namin na lumabas nalang kaysa isipin ang mga kahaharapin pa naming dalawa, gusto kong lasapin yung saya kahit ngayon lang muna. Saka ko na iisipin lahat ng problema namin.

"Malapit na tayo, baby." Malambing na aniya, inilibot ko ang paningin ko at hindi ko maiwasang humanga sa mga naglalakihang bahay dito. Tahimik rin dahil medyo hapon na at mainit dito sa labas.

Huminto siya sa paglalakad at napatingin ako sa tinitingala niyang bahay ngayon.

"What do you think?" Usisa niya habang mahigpit ang kapit sa kamay ko. "Maganda, yun nga lang masyadong malaki? Malaki pa 'to sa bahay namin dito sa Manila." Natatawang sambit ko.

"And?"

"Parang ang mahal ng mga mewebles, hindi kaya nalugi yung nagpa gawa nito?" Bulong ko, maganda rin ang labas ng bahay dahil napupuno ito ng ilang magagandang halaman at napansin kong may duyan din doon sa pwedeng higaan.

"Napapaisip lang ako, ilang kwarto kaya ang mayroon sa bahay na yan?" Patuloy ko, "Ilan kaya yung pamilyang nakatira jan? Nagkakakitaan pa kaya sila?" Wala sa sariling bulong ko na nagpangisi kay Ethan, bumaling ako sa kanya at napaawang ang bibig ko dahil nakapikit siya habang pinapakinggan ang mga sinasabi ko. Nakakatawa lang isipin na kahit anong anggulo yata eh napaka gwapo nitong nilalang na ito.

"Ethan!" Sigaw ko sa kanya, iminulat niya ang kanyang mata saka bumaling sa akin at hindi naalis ang ngiti sa labi niya.

"Mas maganda siguro kung nasa loob ka na ng bahay na yan." Kumikinang ang dalawang mata niya nang sabihin niya iyon, umangat ang labi ko at pilit kong ipinapasok sa utak ko ang sinabi niya.

Hinila niya ako at niyakap niya ako mula sa likod ko, ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko at nagsimulang magsalita.

"After 2 years, natapos na rin yung bahay. Halos kasabay lang ng coffee shop." Bulong niya na nagpatindig sa balahibo ko, ngayon ay parang naiintindihan na ng puso ko ang gusto niyang iparating sa akin.

"Ethan naman." Bulong ko, huminga siya ng malalim. Sa mga yakap niya pakiramdam ko ay ligtas na ligtas ako, yung bango ng katawan niya na kumakapit na rin yata sa katawan ko ang siyang mas lalong nagugustuhan ko sa tuwing yayakapin niya ako at isa rin sa kinababaliwan ko.

"May anim na kwarto sa loob ng bahay na yan, isa para sa mag asawa, isa para sa panganay na anak at apat na kwarto sa magiging anak ng mag asawa." Hindi ko napigilan ang pagpatak ng luha ko sa sobrang saya ng nararamdaman ko.

"May isang medyo malaking swimming pool sa likod ng bahay kung saan gustong makasabay maligo ng asawang lalaki ang asawang babae." Natatawang sambit niya, hinampas ko ang braso niya at mas lalo kong narinig ang lalaking lalaking halakhak niya.

"May magandang kusina kung saan magkasamang magluluto ang mag asawa." Patuloy niya at kasunod non ang matigas na pagmumura niya. "Lahat ng iyon ay pinangarap ko sa loob ng limang taon, at ikaw yung babaeng nasa pangarap ko." Patuloy niya na mas lalong nagpaiyak sa akin. Kinalas ko ang yakap niya at humarap ako sa kanya saka tumingala upang magtagpo ang mata naming dalawa. Nakangiti niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko.

"Kumpleto na ang lahat sa bahay na yan, ikaw nalang ang kulang." Aniya.

Kinulong ng dalawang palad niya ang pisngi ko at hinalikan niya ang tungki ng ilong ko. "Alam kong marami pa akong dapat ipaliwanag sayo." Simula niya, hindi ko alam pero sa tingin ko ay hindi ko na kakailanganin ang mga paliwanag niya dahil sobrang kasiyahan na ang nararamdaman ng puso ko at ayoko nang huminto iyon.

"Marami pa tayong haharapin na problema. But, baby, will you be my Mrs.Cando?"

***

AN:
Thank you! Hihi! Sa mga nagtatanong, masasagot din po lahat ng tanong niyo. Malapit na. :) Salamat ulit! Pasensya na ito lang ang nakayanan ko ngayong araw ng day off ko, medyo pagod ang isip ko ngayon. :)

Love lots.

Ate Ash.

Somewhere Down The Road (Published under Pop Fiction/Summit Media)Where stories live. Discover now