"Hoy wala akong balak wag kang pala desisyon dyan." Irap ko sa kaniya kaya natawa siya at pinisil ang pisngi ko.
"Yan ang Miss Sungit ko. Masungit talaga literal." Sambit niya kaya natawa naman ako. Humarap ulit siya sa lapida habang nakahawak pa rin sa kamay ko. "Pa, miss na miss ka na namin nila Ate. Naaalala ko pa yung huling sinabi mo sa akin bago magpahinga.."
Huminto siya sa pagsasalita kaya nagtaka ako. Ano kayang huling sinabi ni Tito?
Nakita ko na lang na nagpunas siya ng luha niya kaya naman agad kong kinuha ang panyo sa bulsa ko at inabot sa kaniya. "Pa, kung nasaan ka man ngayon, sana alam mong mahal na mahal ka namin. Mahal ka namin ni Ivy, kaya naman hinarap ko siya ulit sa'yo dahil ayoko nang mawala pa siya sa akin ulit."
"Adi.." Bigla siyang lumingon habang nakakunot ang noo ko. "Bago magpahinga si Papa, pinakiusap niya sa akin na gusto niyang makitang masaya ako ulit, gusto niyang hanapin kita at iharap sa kaniya ulit pero hindi ko nagawa dahil mas inuna ko ang pagpapagaling sana niya."
"10 years is enough para sa paghihintay nating dalawa. Ngayon, naiharap na ulit kita kay Papa kaya tutuparin ko naman ang hiling niyang makita akong masaya." Nakangiti niyang dagdag sa sinabi niya.
Napangiti ako nang ilabas niya mula sa bulsa niya ang isang maliit na blue velvet box. Binuksan niya ito at bumungad sa akin ang napakaganda at kumikinang na butterfly ring.
Kinuha niya ito sa box at ihinarap sa akin. "Will you marry me, Adi?"
"Yes." Masaya kong sagot dito kaya ngumiti din siya at isinuot na sa akin ang singsing. "But.. why butterfly, Adi?"
"Butterfly means hope." Sagot niya sa kain habang hinahaplos ng thumb niya ang kamay ko. "Hope means you."
"Ako?" Takang tanong ko sa kaniya kaya ngumiti siya at hinigit ako upang mausog ako palapit sa kaniya. Ipinulupot niya ang kanyang mga braso sa akin.
"You gave me hope, Ivy. Nung nagbreak kami ni Jema.. I lost my only hope. Siya lang talaga kinakapitan ko nung panahon na yon. She was there for me.. yet she betrayed me too." Kwento niya sa akin kaya naman nakikinig lang ako sa kaniya. "You were there when I almost died. Ikaw ang dahilan kung bakit nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay ulit. Kaya nung nakilala kita, I saw hope right in front of my eyes. Nabigyan ako ng pag-asa because I had you."
"Nung naghiwalay naman tayo, I was really devastated. Sabay pa na nawala si Papa, I also thought of giving up again.." Sambit niya. "But then when I was thinking of doing it again.. bumukas yung phone ko nang walang dahilan, and there I saw your photo. You, holding the bowl of ginisang pechay na niluto ko noon para sa'yo-- which was your favorite by the way."
"Masarap kasi pechay mo." Natatawang sagot ko kaya naman ngumisi siya at nagtaas baba ng dalawang kilay.
"I know right, Adi." Nakangising sagot niya kaya pabiro ko siyang kinurot. "Back to my story-- ayun nga nakita ko picture mo sa lockscreen ko. Natauhan ako non. I didn't really wanna die, I just wanted to end the pain. Sabi ko sa sarili ko, hindi pa huli ang lahat. I know you're mad at me kapag nagpakita ako sa'yo all of a sudden pero kaya ko namang mag explain, I can apologize to you naman. That's when I realized na I should look for my love again, that I should look for you again."
"Si Carly at Cadeann lang sana talaga ang uuwi non sa Pinas, nakabili na nga sila ng ticket eh. Sumunod lang talaga ako sa kanila non kasi nag decide ako to look for you again." Tagal na nitong pangyayari, ngayon ko lang naririnig yung side niya. "Nung makabalik ako sa Pinas, kinabukasan non when I accidentally met you. Hindi pa talaga ako ready makita ka ulit non kasi kakauwi ko lang no? Tapos makikita kita bigla, nakakakaba kaya."
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red String 12
Start from the beginning
