"I'm home!"
Saktong kakalapag ko lang ng plato sa lamesa nang dumating si Deanna. Sinalubong niya ako ng maganda at malawak na ngiti, agad niya akong niyakap at hinalikan. "How's your day, Adi? Napagod ka kakalibot?"
"Medyooo. But it's worth it naman, ang gaganda ng pasyalan dito." Nakangiti kong sagot. Tinulungan ko siyang maghubad ng coat niya at tanggalin ang neck tie niya. "Ikaw? Kapagod ba sa work?"
Tumango naman siya at nagnakaw ng halik kaya kinurot ko siya. "Aw! Medyo tiring but I'm happy kasi I get to be with you after work now."
Napangiti ako sa sinabi niya at sinuklay ang buhok niya. Inaya ko na siyang kumain at pinagsandukan ko na siya.
"I know you missed this." Nakangiti kong batid habang nilalagyan ng sisig ang plato niya. Nakita ko namang nagniningning ang mata niya. "For the past three years, lagi akong tambay sa bar ni Val. Hoping you're there at tumutugtog."
"Really?" Tanong niya sa akin na ikinatango ko. "Are you happy na kasi hindi ka na maghihintay sa bar ni Val?"
Masaya naman akong tumango sa kaniya bago sumubo. "Yes. I am glad kasi kasama na kita ulit." Ngumiti siya sa akin at tinuloy na namin ang pag kain namin. Nagkekwentuhan lang kami ng mga ginawa namin for the past three years na hindi kami magkasama. Nag-asaran din kami dahil alam niyo naman kaming dalawa, love language ang bardagulan.
"Namove nga bukas meeting ko with Miss Frost eh." Kwento ko sa kaniya. Nakita ko namang napaangat siya ng ulo niya. "Kilala mo ba si Miss Frost, Adi? Siguro naman kilala mo siya since sikat ang AuroraFrost dito sa New York diba?"
Tumango naman siya. "Yeah, I know her. Siya pala client mo?"
"Oo, di ko nga inexpect na magkakaron ako ng client na sobrang sikat nakakaloka." Sagot ko kaya natawa siya. "You know her personally diba? What is she like?"
Napaisip naman siya saka biglang ngumiti. "Miss Frost is a fine woman. Strong ang personality niya, successful and siyempre, maganda. She dresses well at very mature when it comes to her work. Talagang makikita mo sa kaniya how dedicated she is sa company niya. Makulit siya and mapagmahal."
"Ilang taon na ba si Miss Frost?" Tanong ko sa kaniya. Pinipigilan kong kumunot ang noo ko dahil sa mga papuri niya kay Miss Frost. Todo puri kase, jinowa mo ba yan? Tss.
"My age." Sagot niya habang malawak ang ngiti.
Gustuhin ko mang umirap ay hindi ko ginawa. Baka isipin niya ang oa ko dahil nagseselos ako. Mapagmahal daw? Mapagmahal din naman ako eh, sampal ko kaya sa kaniya puso ko?
Tumango tango na lang ako sa kaniya at hindi na nagsalita. Nawala na ako sa mood eh, bahala na siya diyan. Puri pa more.
Habang nagliligpit ako ng pinagkainan namin ay nandoon siya sa sofa at nakaupo, tanaw na tanaw ko siya dito. Kitang kita ko ang malaki niyang ngiti habang nagtitipa sa phone niya. Sinong kausap non?
Napalingon siya sa akin at nakita niyang nakatingin ako kaya ngumiti siya. "Kausap ko kapatid ni Miss Frost, Adi."
"Ah." Tanging sagot ko, bumalik naman siya sa pagtitipa sa phone niya. Naiinis na ko ha? Magsama nga sila nakakainis.
Tinapos ko na ang hinuhugasan ko at inayos na ang kusina. Pinatay ko ang ilaw saka dere deretsong pumasok sa kwarto, di ko na siya pinansin dahil busy naman siya sa pagtipa sa phone niya at tumawa. Tawa tawa siya dyan sakalin ko Miss Frost niya eh.
YOU ARE READING
Red Strings
FanfictionAs Ivy graduated Architecture in National University, the last piece on her puzzle is still nowhere to be found. Being an organizer is her job aside from being an Architect. She grew to love organizing events, but what if one day.. a new client pops...
Red String 11
Start from the beginning
