And speaking of lampa, panira ng moment yung babaeng yun kanina ah.

Binunggo ba naman ako while me and Krissy making out ?!

Damn ! nage-enjoy na nga ako eh.

Pero dahil umeksena siya, nawalan na ako ng gana at iniwan na lang si Krissy. Urrggghhh !

Makaalis na nga.

I was heading to the parking lot. I was about to open the door of my BMW convertible when I saw her.

She's alone, and about to leave also with her car.

Hindi ba siya ihahatid ng boyfriend niya ? Nakikita ko kasi sila kapag uwian na, magkasama papuntang parking lot, so malamang, hinahatid siya.

Humanda ka. Gaganti ako sa yo.

"Lampa !" tawag ko.

And there I caught her attention.

Tiningnan na naman ako ng masama.

Kung nakakamatay lang ang titig nito sakin, maaga na akong namatay. Akala mo papatay eh. Ganda pa naman ng mata. Hindi lang ginagamit sa tama.

Nilapitan ko siya.

Hinawi ko yung kamay niya na bubuksan sana yung pinto ng kotse niya.

"Bakit ka istorbo samin kanina, ha ?"

"At bakit, tama ba yung ginagawa niyo kanina ?"

"At bakit ka ba concern ? Gusto mo ikaw halikan ko ?" sabay lapit ng mukha ko sa kanya.

Agad siyang umatras.

"Tigilan mo ko unggoy ha ! Para kang sira ! Alam mo ba yung salitang privacy ? Spelled as P-R-I-V-A-C-Y ? Alam ko namang matalino ka and I'm very sure alam na alam mo yun. So baki-----"

But she stopped nagging when my lips meet hers.

I don't know why I did that. Ano bang pumasok sa utak ko ? Gusto ko lang namang tumigil siya sa ingay niya. Nakakarindi na kasi.

Diniinan ko pa yung halik, at gulat na gulat siya sa ginawa ko.

Feeling ko tumigil yung oras eh.

Peo bakit ang bilis ng tibok ng puso ko ?

Parang gustong makawala ng puso ko. Hindi naman ganito pumintig ang puso ko kapag ibang babae ang hinahalikan ko eh.

She was too stunned kaya ako ang unang bumitaw.

We are staring at each other for I think 3 minutes when she already realized what I did and ..

*pak*

"Aray !" sabi ko. Grabe, ang sakit ng pisngi ko !

Kanina sinuntok niya ako, tapos ngayon, sinampal naman ?!

My goodness, I can't believe it's happening. Siya pa lang ang nakakagawa nito sakin, sa lahat ng babaeng nakikilala ko.

"Ill-mannered !" at sabay pasok sa kotse niya.

Sasagasaan pa yata ako dahil hindi man lang bumusina nung pinaandar yung kotse niya. Basta nagpaharurot na lang.

Napatalon tuloy ako sa gulat.

"Grabe ka Celine !" sigaw ko and I wish she heard it.

Hawak-hawak ko pa rin yung mukha ko nung i-rewind ng utak ko yung ginawa ko kanina.

Actually, pati ako, nagulat sa ginawa ko.

Si Celine ? Hinalikan ko ?

Pero bakit ?

You Are Mine (Published Under LIB)Where stories live. Discover now