Chapter 19

2 2 0
                                    

Vanna

Buong araw ay hindi ako makapagfocus sa ginagawa ko dahil sa nangyari kagabi. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang lahat, kung paano lumapat ang labi niya sa akin—

Vanna, itigil mo na yan.

Ayoko ng nararamdaman ko na ito. Nagtataksil ako kay Tyler. Hindi dapat ako mahulog sa iba.

Pero gumaganap rin naman na Tyler si Fukuzatsu. Wala namang pinagkaiba yon.

Napailing ako. Meron, malaki ang pinagkaiba ni Tyler at Fukuzatsu. Hinding hindi sila magiging magkatulad. Hinding hindi magiging Tyler Bryson sa paningin ko si Fuku.

"Vanna, ayos ka lang?"nabalik ako sa reyalidad nang may magsalita sa tabi ko. Narealize ko na si Scarlet pala iyon habang hawak hawak ang script ng isang buong scene.

Napatingin ako sa paligid at nakitang nagreretouch ang mga artista. Mukhang break pa nila. Aksidenteng napasulyap ako sa kanya at mukhang napansin niya rin ito kaya bigla siyang ngumiti at kumaway. I awkwardly waved back.

"Alam mo matagal ko nang napapansin yang namamagitan sa inyo ni Fukuzatsu ha, ano bang meron?" pagsingit ni Scarlet.

Naramdaman ko ang paginit ng pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin. "Ha?W-Wala naman."

"Asus wala raw." saka mahina niya akong tinabig sa tagiliran na animo'y pabirong nang-aasar. "Wag kang mag-alala, ayos lang. Hindi naman kami strikto pagdating sa mga artista namin basta ba hindi makakasama sa image nila." dagdag pa niya.

I awkwardly smile as I nodded. Hindi ko na rin kasi alam kung anong isasagot ko nang may maisip ako biglang itanong. "Bakit pala walang PA si Fukuzatsu hindi katulad ng ibang mga artista?" tanong ko.

"Gusto niyang siya ang umasikaso sa sarili niya. Pero kung nagmamadali na gaya dito sa set, may mga naka-assign naman na para ayusan sila. Pero kung personal assistant, hindi niya gusto." paliwanag ni Scarlet dahilan para mapangiti ako. Hanggang ngayon, down to earth pa rin si Fukuzatsu. Hindi siya kailanman nabulag sa yaman o kasikatan. Nakakatuwang isipin na hindi siya nakakalimot maging mapagkumbaba.

Parang si Tyler.

Aish, itigil mo na ang pagkukumpara sa kanilang dalawa Vanna. Magkaiba sila at kailanman ay di magiging magkatulad.

Hindi ko tuloy napansing kanina pa ako nakatulala kay Fukuzatsu. Nakita ko na nakangiti siya sakin at sa sobrang hiya, napaiwas ako bigla ng tingin.

"Nakakatuwa kayo alam mo yon?Nanliligaw na ba siya sa'yo?" nasa tabi ko pa rin pala si Scarlet. Masyadong preoccupied ang isip ko na hindi ko na napapansin ang mga tao sa paligid ko.

"H-Hindi, bakit naman siya manliligaw sa akin?"

"Kasi halata naman na gusto ka niya, at gusto mo siya." imposible na magustuhan ako ni Fukuzatsu. Oo, sinabi niya pero hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. Paanong ako?Hindi naman ako naiiba. Katulad lang din ako ng ibang mga babae. Hindi rin ako ganon kaganda. Base sa career ni Fuku, sigurado ako marami na siyang models at magagandang artista na nakita.

Pero bakit ako?

Hindi ko makita ang nakita ni Fuku sa akin. Kaya ang hirap hirap paniwalaan.

Saka, hindi ko rin alam kung gusto ko rin ba siya. Paano si Tyler?Ayokong magalit siya sa akin. Ayokong isipin niya na nagtataksil ako sa kanya. Siya lang ang kaisa isang lalaki na nakakaalam ng mga sikreto ko, siya lang ang nakakaalam ng mga kwento ko. Siya lang ang nandiyan sa akin pag kailangan kong iwan ang mundo. Hindi siya umalis sa tabi ko. Kaya ayokong lokohin siya.

"Vanna?"

I zoned in again. "P-Pasensya na."

"Ayos lang. Nga pala, bed scene na ang sunod. Manonood ka ba?" my face automatically flustered when she said that.

"Uh, hindi ko alam."nahihiya kong saad.

She chuckled. "Ikaw bahala. Ayos lang kung uncomfortable ka pero ikaw naman ang nagsulat non di ba?Sigurado ako alam mo na yon."

"Oo nga naman." pagsang ayon ko dahil hindi ko na talaga alam kung anong isasagot ko.

"Sige, maiwan na kita." saka tinapik niya ako ng mahina sa balikat bago siya umalis.

---

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 06, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Creating "Him"Where stories live. Discover now