Chapter 13

9 9 0
                                    

Vanna

"Good morning Vanna!"tipid akong ngumiti nang dumating si Selena at umupo sa tabi ko. Mabilis akong umiwas ng tingin at ibinaling nalang ito sa sinusulat ko. Napagdesisyunan kong isabay nalang sa pag-iimbestiga ko si Tyler kahit paonti onti lang. At least may progress na nagaganap.

"Huy, okay lang sa akin."sabi niya dahilan para kumunot ang noo ko. Okay ang alin?May alam ba siya tungkol sa nangyaring sunog?Pero hindi ko siya pwedeng tanungin basta basta.

Hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy siya. "Sana nga lang sinabi niyong kayo na ni Fuku para alam mo yon, updated ako,"nabitawan ko ang ballpen na hawak ko sa sinabi niya.

"Pano mo nasabi yan?"tanong ko saka muling pinulot ang ballpen na nahulog ko.

"Nakikita kaya kayo laging magkasama!Rumors na sa buong school yon. Marami raw nagsasabi na nililigawan ka raw o kayo na. Pero ano nga ba kasi, Vanna. Ano bang totoo?"gusto kong ibalik ang tanong sa kanya lalo na ng makita namin ang kwintas niya sa pinangyarihan ng sunog. Nakapunta na nga ba talaga doon si Selena?Ano ba yung totoo?

"Walang kami. Tinutulungan niya lang ako. Saka imposible yan, hindi magugustuhan ni Fukuzatsu ang isang tulad ko."pag-amin ko.

"Sus, kung alam mo lang."sabi niya kaya napalingon ako sa kanya. Magsasalita sana ako nang nagsidatingan na ang iba ko pang classmates.

------

Dismissal na pero heto ako papunta sa abandonadong building ng campus dahil pinapaopen yung main switch para mabukas yung ilaw sa laboratory sa baba nito. Hapon pa rin naman pero halos lahat sa mga estudyante nagsiuwian na.

Nasa third floor ako nang building nang makita ang main switch. Bubuksan ko sana iyon nang may marinig akong nagsisigawan.

"Hindi mo na kami maloloko!Nasaan si Selena?"nageecho ang tunong sa buong floor ang sigawan nila kaya napagdesisyunan kong sumilip. Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong si Fukuzatsu saka si Selena pala ang nagsisigawan.

Biglang tumawa si Selena. Sa una mahina, tapos papalakas ng papalakas. Saka bigla siyang kusang tumigil. "Tingin mo nasaan na siya ngayon?Hindi mo na siya makikita pa!At ganon din ang mangyayari sa iyo if you keep on meddling your grandfather's business!"

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Malayo ito sa Selenang nakita ko noon na masayahin at makulit. O siya nga ba talaga si Selena?

"Mga hayop kayo!Hindi ko na kaya pang maging parte ng pamilya niyo! I'm done silencing myself! I don't care what lolo will do to me, but I'm done!"Fukuzatsu shouted.

"You don't care?"a smirk crept out from Selena's lips. "How about Vanna?You don't care if something happened to her?"

"Wala na kayong pakikialamang kahit sino,"banta ni Fukuzatsu.

Selena giggled. "As if naman may magagawa ka. Once your lolo knew about you and Vanna investigating, tingin mo tatantanan niya si Vanna?Idadamay niya pati buong angkan niya. And you, you will live in regret. Na sana pinigilan ko bago pa mahuli ang lahat."tumigil si Selena saka lumakad. Mas nagtago pa ako para hindi ako makita pero mabuti nalang at tumigil din siya agad at muling lumingon kay Fukuzatsu.

"Thankfully, that didn't happen, yet. So, if ayaw mong mangyari sa kanya ang sinasabi ko, itigil niyo na ang lahat,"

"Kung hindi ikaw si Selena, sino ka?"pagiiba ni Fukuzatsu ng topic. Muling ngumiti ang babae na sa mata ko ay ibang tao na. Kahit pa kamukha niya si Selena, hindi na iyon ang nakikita ko.

"Sabihin na nating, hindi mo ako mapansin noon dahil sa isang babaeng cheap lang naman at walang kwenta but when your lolo approached me, naisip ko na baka bilang pinsan mo mapansin mo na ako. And it work, di ba?"

Nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kahit ulila, nakaya kong umangat. Of course with the help of your lolo since ginawa niya akong scholar. Binigyan niya rin ako ng apartment na titirhan. Kaya bilang kapalit, pinagbutihan ko lahat. I never settle for less. I was always aiming for that best. And then, I met you in the school. I thought you are perfect kaya ginusto kong mapasakin ka. Pero ginawa ko nang lahat wala pa rin. Alam mo yung ikinagagalit ko? Doon ka pa sa Vanna na yon nagkagusto!Sa Vanna na walang kwenta!"

I pursed my lips. Well, she's right. Kung ikukumpara mo nga ako sa kanya, mas marami siyang achievements di tulad ko. Mas sikat siya sa school, at ako hindi. "At ngayon na sinabi ko na lahat, might as well do me a favor."

"What?"

"Leave Vanna alone. And she'll be safe."

"Hindi mo pwedeng gawin yan,"

"Pwede at kaya ko. Sa isang sabi ko lang sa lolo mo, tigok yang Vanna na yan. Kaya, kaya ko Fuku. Dont even bother testing me,"

Matagal na hindi sumagot si Fukuzatsu. But then after, he heaved a sigh. "Hindi mo sila gagalawin."

"You have my word."

"Fine."

Hindi ko alam, pero pakiramdam ko sobrang sakit ng pagpayag ni Fukuzatsu. Oo alam ko na para sa akin yon kaya hindi ko maintindihan ang sarili ko bakit nasasaktan ako.

Sa dami pa nang nalaman ko, hindi ko na alam kung alin nga ba ang totoo. Ayoko nang marinig pa ang pinaguusapan nila dahil baka hindi ko na kayanin kaya tumakbo na ako paalis. Sa sobrang pagmamadali, hindi ko na nagawa ang pakay ko talagang gawin.

-----

Creating "Him"Where stories live. Discover now