Chapter 18

5 3 0
                                    

Vanna

"I can feel your passion for this role, Fukuzatsu. Just keep up the good work, okay?"saad ni Scarlet sa kanya. Tinanguan niya naman ito kaya mahina siyang tinapik ni Scarlet sa balikat bago umalis.

"How was that?"nagulat ako nang bumalik si Fukuzatsu sa akin. Napaangat ang tingin ko sa kanya mula sa script na binabasa ko. Nagulat ako nang makita ko si Tyler mula sa kanya kaya wala sa sariling napailing ako.

"Is there something wrong?"he immediately asked.

"W-Wala. Pagod lang siguro."pagsisinungaling ko. Pakiramdam ko mali ang idinahilan ko dahil sa aming dalawa, halata namang mas pagod siya kumpara sa akin.

"Gusto mo bang ihatid kita sa room niyo?"alok niya pero umiling lang ako.

"Hindi, hindi. Ayos lang talaga ako. Ikaw ang dapat magpahinga."saad ko. Ang weird pero nawala na yung awkwardness sa pagitan naming dalawa. Nag-uusap na kami ulit ng normal at natutuwa ako para doon. At least wala na akong iisipin pa sa pagitan naming dalawa.

Pero sa pamilya niya, oo. Halatang makapangyarihan ang pamilya nila Fukuzatsu kaya hindi ko alam kung tama ang desisyon niyang tahimik na lisanin ang pamilya niya at hayaan na lamang ito sa ginagawa nila. Patuloy nilang sinisira ang buhay ng ibang tao pero kung susubukan naman namin silang pigilan, kami naman ang sisirain nila.

Mabuti nalang at hindi katulad ni Fukuzatsu ang pamilya niya. Mabuti at may konsensya siya hindi katulad nila.

He chuckled. "Mamaya na. Sure kang okay ka lang?"

"Oo naman."

"Uhm...may papakita ako sayo."

-----

Hindi maalis alis ang tingin ko sa nakakamanghang tanawin sa harapan ko. Sa terrace ng kwarto ni Fuku, kitang kita ang ganda ng buong lugar. Ang pinakamalapit na isla sa amin kung saan napaliligiran ng napakaraming puno, kulay bughaw na langit at tubig, ang mga iilang taong may kanya kanyang gawain, at ang araw na sumisilip sa gitna ng mga ulap.

"Ang ganda..."iyon na lang ang nasabi ko.

"Mas maganda ka pa rin."hindi agad ako nakasagot sa sinabi niya. Marahil na rin siguro sa gulat dahil hindi ko inaasahang sasabihin niya iyon.

"Uhm...gusto mo kumain?Nagluto ako."pag-iiba niya ng topic. Napangiti ako saka tumango kaya dali dali siyang pumunta sa kusina para maghanda. Nagugutom na rin naman ako kaya mabuti na rin siguro na sumabay ako sa kanya. Isa pa, hindi ko pa natitikman ang luto niya, nakaka-curious tuloy.

"S-Sorry, kaunti lang 'yong alam ko lutuin, tinuro sa akin yan ni mama, sana magustuhan mo." Sabi niya saka inalalayan pa ako mula sa pag-upo. Siya na rin msimo ang naglagay sa plato ko.

"Salamat."natigilan si Fuku saka biglang umiwas ng tingin na ikinataka ko. May sinabi ba akong mali?

"W-Wala yon. Sige na, kumain ka na."saad niya saka kumuha ng pagkain niya. Napansin ko rin ang pamumula ng mukha niya kaya di ko na tuloy naiwasang tumawa.

"B-Bakit?"

"Namumula ka kasi. Hindi naman mainit rito ah."saad ko. Napansin ko na mas lalo siyang namula sa sinabi ko.

"A-Ano wala lang yan."

"Alam ko na may kasalanan tayo pareho sa isat-isa pero gusto ko na maging maayos na tayong dalawa. Kaya wag kang mahihiya sa akin, ha?"

"Oo, sige."

Masaya ako dahil habang kumakain kami ay marami kaming kinukwento sa isat isa. Kadalasan ay ang mga nakakahiyang nangyari o nagawa namin o kung ano-ano pa. Mas naging komportable ako sa samahan naming dalawa dahil doon.

Nakaupo kami ngayon sa couch saka pumili ng panonoorin namin. Napagdesisyunan naming panoorin ang The Notebook para daw umiyak kami.

Alam ko na ang kwento non dahil nabasa ko na iyon pero hindi ko pa napanood ang movie adaptation kaya pumayag na rin ako.

Nakakatawa lang dahil saglit lang kaming nanood at nag-usap na kami ulit at hinayaang magpatuloy ang pelikula.

"Handa ka na ba sa gagawin niyo?Katulad nyan ang gagawin niyo."saad ko.

"Artista ako. Syempre lagi akong handa."nawala bigla ang ngiti sa akin. Oo nga pala, artista siya. Sanay siya sa ibat ibang eksena. Sa dramahan o sa kahit ano.

Marami tuloy gumulo bigla sa isip ko. Marami na kayang humalik sa kanya?Ano ang nararamdaman niya kapag gumagawa sila ng intimate scenes?

Naguluhan ako sa sarili ko dahil alam kong wala akong karapatan. Pero may kaunting kirot akong nararamdaman sa di malamang rason.

"May problema ba?"mukhang napansin niya ang biglaang pagpapalit ko ng mood.

"Wala naman. Naalala ko lang, may intimate scenes ba diyan sa movie?Gagawa rin kayo ng ganoon di ba?"aish, gusto ko sampalin bigla ang sarili ko dahil sobrang mali ng tinanong ko.

"Oo, yon ang nakasulat eh."

Gusto ko na talagang sampalin at sabunutan ang sarili ko. Oo nga pala, ako ang nagsulat. Bakit ko ba iyon sinulat?Nakakainis tuloy.

Hoy Vanna. Wala kang karapatang mainis.

"Komportable ka ba sa ganon?Ano, wag mong masamain, nagtataka lang ako."

"Ayos lang naman lalo na kapag marunong umalalay yung kapareha mo. Kapag nababasa ninyo ang isat isa madali nalang yung eksena."saad niya kaya tumango tango lang ako. "Ikaw pala, ikaw nag nagsulat non diba?Paano mo iyon nasulat?"

Kaswal lang ang pagkakatanong niya pero bigla akong nagover react. "H-Hindi ko pa nararanasan yon!Nabasa ko lang din sa ibang libro at gumawa ako ng sarili kong bersyon!"

Natawa tuloy siya bigla. "S-Sinasabi mo ba sa akin na—pasensya ka na. Kung ano ano nang pumapasok sa utak ko."

Bumuntong hininga ako. "Ayos lang. P-Pero oo. Wala akong naging nobyo o kahit sino at kung meron man wala rin akong balak."isa sa mga bagay na ikinatataka ko pa rin bakit.

"Mabuti naman."

"Anong mabuti doon?"

"Masaya ako dahil wala pang kahit sino...dahil gusto ko ako ang mauna."natigilan ako sa sinabi niya saka biglang lumabas ang kissing scene mula sa mga bida. Napaiwas tuloy ako ng tingin sa tv at saktong nagtama ang tingin naming dalawa.

Dahan dahan siyang lumapit kaya wala akong nagawa kundi pumikit at antayin siya. Gusto ko siyang itulak palayo pero hindi gumagalaw ang katawan ko.

Matagal kong pinrotektahan ang first kiss ko, tapos ibibigay ko sa hindi ko man lang boyfriend?

Lumapat na nga ang labi niya sa akin at naramdaman ko gaano kalambot iyon. Hindi ko na siya nagawa pang itulak dahil nang lumayo siya, mas gusto ko pang hilahin niya pabalik at halikan pa ako.

Teka, ano ba yang nasa isip mo, Vanna?!Nasisiraan ka na talaga ng bait.

"S-Sorry."

"A-Ayos lang."

------

Creating "Him"Where stories live. Discover now