Chapter 4

10 10 0
                                    

Chapter 4

Vanna Astrea's POV,

He leaned and moved towards my face. He's so close I can feel his breath on mine enough to send me goosebumps. I can also smell his breath. It was intoxicating. Like I wanted to be in this distance with him every time.

He lifted my chin and I look down. I don't want to look at his eyes, I might do something stupid.

"Eyes up, Violet,"

"Eyes up, Vanna," napatingala ako at napansin na normal lang ang lahat. Na nasa klase ako, nagdidiscuss si ma'am at may sari sariling gawain din ang mga kaklase ko.

Napailing iling ako habang inaalis si Tyler sa isip ko. Heto na naman ako sa pag-iisip sa kanya. Nasobrahan na ba ako sa pagsusulat kaya pati dito naiisip ko na siya?O baka...

Hindi naman siguro.

Hindi pwede.

"Vanna, may assignment ka ba?" tanong ng katabi ko.

"Oo," wala sa sariling tanong ko.

"Vanna pahiram ballpen ha,"

"Oo,"

"Vanna ang cute ko?"

"Oo,"

"Vanna, pangit ka ba?"

"O–teka–" napalingon ako at nakita ang nakangiting si Selena. Siya nga pala yung katabi ko. Masyado na namang okupado yung isip ko. Bigla siyang tumawa ng mahina kaya nahihiya akong umiwas ng tingin. I was preoccupied at sinamantala naman niya ito. Nakakahiya naman.

"Kumusta pala kagabi?Nagkasundo ba kayo ni Fuku?I saw how beautiful our project is!" Selena asked. Muli akong lumingon sa kanya.

"Okay naman. Magaan kasama si Fukuzatsu kaya naman hindi nakakailang,"totoo iyon. Akala ko magiging awkward ang pagsasama namin pero hindi dahil masaya kausap si Fukuzatsu. Hindi ako nabagot sa kakakwento niya. Kahit si tita Therese ay natuwa sa kanya. Hanggang sa silang dalawa na ang nagusap dahil hindi naman ako mahilig rito. Pero masaya ako dahil kasundo niya si tita.

"Good!At least alam kong may chance na siya," sabi niya habang nakabungisngis.

My forehead creases. "Chance saan?"

Her eyes widened. As if may nasabi siyang mali na mas ikinataka ko. "Sa ano...art?May chance na siya maging artist!Gusto yun ng parents niya for him," sabi niya kaya tumango nalang ako. Wala talaga ako sa mood makipagusap. Ngayon kasing nabanggit siya, naisip ko yung offer na inalok niya sa akin. Nakakakaba talaga iyon lalo na at hindi naman ako tiwala sa gawa ko.

"Hi insan!"napalingon ako sa likod at nakita si Fukuzatsu. Nakangiti siya kaya naman akala mo nakapikit na siya. Ang singkit niya naman, may nakikita pa ba siya?

Silly me. Syempre meron pa.

"Konnichiwa insan!" bati ni Selene saka nakipaghigh five sa pinsan niya. Nagtaka ako sa paglapit niya at saka ko lang napansin na tapos na ang klase at umalis na ang teacher namin. Hindi ko na napansin ang oras. Naiinis na talaga ako sa sarili ko.

"Stop trying hard insan," tumatawang sabi ni Fukuzatsu bago bumaling sa akin. "Hi Vanna,"

"Salamat pala ulit sa tulong,"saad ko saka tipid na ngumiti.

"He really wa–" hindi na naituloy ni Selena ang sinasabi niya nang takpan ni Fukuzatsu ang bibig niya.

"No worries. Selena owe me one anyway," he said kaya tumango nalang ako. Hindi talaga ako fan ng conversations kaya naman medyo tipid lang ako sa pagsagot.

"Sabay ka sa amin kumain Vanna?" Fukuzatsu asked. Umiling lang ako bilang pagsagot.

"Just this time Vanna, pleaseee," Selena pleaded. Natanggal na pala ang kamay ni Fukuzatsu sa bibig niya.

"Ah kasi–"

"Please please please, pretty pleasee," saad ni Selena habang nakatutop ang kamay at nakapuppy eyes pa.

I sighed. Wala naman na yata akong magagawa. "Sige,"

-----

"Ihatid na kita,"nagulat ako nang may biglang humablot ng laptop bag ko. Kinabahan ako nang mabilis ko itong mabitawan pero nawala naman agad nang mapagtantong si Fukuzatsu pala ang kumuha nito.

"Salamat,"saad ko saka muling tumingin sa daan. Walang umimik sa amin pareho habang naglalakad. Kahit pa may pinagusapan na kami nung nakaraan, hindi pa rin ako ganon kasanay sa presensya niya kaya tingin ko, naga-adjust pa rin ako.

"Uh, may gagawin ka ba sa Saturday?"he suddenly asked.

"Wala naman,"

"I just want you to meet someone if you're free,"nahihiyang sabi niya.

"Sige,"sabi ko at lumingon sa tindahan ni tita Therese nang mapagtantong nandito na pala ako. Mukhang napansin rin ito ni Fukuzatsu.

"Great. Ill just text the info, ingat!" sabi niya saka ibinigay ang laptop bag sa akin saka tumakbo na paalis. Sayang hindi ako nagpasalamat ulit. Nakakahiya kasi na kailangan pa talaga niya buhatin ang bag ko.

"Iha, hindi mo talaga manliligaw iyon?Alam mo mukha iyong mabait saka masaya kasama,"nagulat ako nang biglang magsalita si tita sa tabi ko. Sa tono ng pananalita niya, parang binubugaw niya ako sa tao.

I chuckled. "Hindi po. At imposible," sagot ko. "Nga po pala, may hapunan na ba?Ako nalang po magluluto," pagpapalit ko ng usapan.

"Oo mabuti pa nga. Sumasakit na ulo ko sa mga nangungutang!Sila pa nagpapasingil, sila na nga itong may kinuha!" inis na sabi ni tita saka pumasok na sa loob. Tipid akong ngumiti saka sumunod kay tita sa loob ng bahay.

---

Creating "Him"Onde histórias criam vida. Descubra agora