Chapter 14

7 4 0
                                    

Vanna

5 years later...

The case about the fire in our baranggay was left until now. Simula noong narinig ko ang pag-uusap ni Fuku at "Selena", kinabukasan niyon ay lumipat na ng school ang dalawa. At unti unti na ring nalilinis ang pinangyarihan ng krimen kaya nawala na ang mga ebidensya. Isa pa, naging off limits na iyon sa mga tao kaya wala na akong nagawa kung hindi tumigil.

Kung sino man ang namatay, sana maging masaya pa rin siya kahit na ganito ang kinahinatnan ng lahat.

"Ate Vanna, ikaw nga po!"napaangat ang tingin ko sa isang babaeng may malawak na ngiti. May hawak hawak siyang libro habang nakatingin sa akin.

"Pwede po bang pirmahan ninyo?Kanina ko lang po ito binili!"she said. Nang tumango ako, agad niyang nilapag ang libro saka inabutan ako ng ballpen. Agad ko naman iyong pinirmahan saka binalik sa kanya.

"Thank you po!Thank you!"saka siya umalis na. Wala sa sariling napangiti ako. Two years after the incident, nilakasan ko ang loob ko at nagsubmit ng short stories sa isang publishing company. Surprisingly, they accepted it. Mabilis iyon na sumikat na ikinagulat ko.

Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko bakit hindi ko pinasa ang kwentong ginawa ko tungkol kay Tyler. Hindi ko alam pero hindi ako komportable na may ibang nagsasabi tungkol sa kanya. Iniisip siya at iniimagine ng ibang tao. Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko ang selfish ko dahil gusto ko ako lang ang may alam kay Tyler.

Tyler's story won't end. That's what I'm always thinking. Every day, maraming pangyayari sa buhay ko na may nagiisang what if. What if nandito siya sa tabi ko?Ano kayang gagawin niya?Sasabihin niya?

These thoughts pushed me to write the story of Tyler and Violet. Nakakaselos nga dahil si Violet ang nandoon para kay Tyler samantalang ako ay parang mambabasa lang.

Pero kahit pa ganon, inisip ko nalang na si Violet ay ako at si Tyler ay si Tyler. Na mananatiling nasa tabi ko ano man ang mangyari.

As the time flies, my love towards Tyler Bryson grew fast. Hindi ako makatingin sa ibang lalaki dahil pakiramdam ko nagtataksil ako kay Tyler.

Ewan ko lang—

"Ms. Lesouvage?"napalingon ako sa tumawag sa akin at napagtantong isa pala iyon sa mga kasamahan ko sa publishing company.

"Nandito na po yung producer na gustong gawing movie yung isa sa novels niyo,"saad niya kaya tumango ako habang siya ay umalis na. Inantay ko naman ang sinasabing producer habang umiinom ng inorder ko na frappe.

Maya maya isang lalaki ang nasa harapan ka. He asked me if I'm Vanna Lesouvage and I nodded so he sat in front of me.

"Do you want something more?"he asked and I shook my head.

"So uhm, shall we start?"

"Sure."

-----

"Ate! Aattend ka ng graduation ko?"Vincent asked. Yumuko ako para pumantay sa kanya saka hinawakan ang baba niya.

"Of course naman. Lalo na at valedictorian pa ang bunso namin."sabi ko at nang ngumiti siya hindi ko narin napigilang ngumiti. Nakakahawa ang saya ni Vincent. At masaya ako na nakamove on sila sa nangyaring sunog noon.

"Dali na rito anak, kakain na tayo."yaya ni mama kaya tinapik ko si Vincent saka sabay kaming pumunta sa kusina. Pinaayos at pinaganda ko pa lalo ang bahay ni tita kaya ngayon isa isa na kami ng kwarto. Nakatiles na ang sahig, at nadagdagan ang mga gamit rito.

Lumaki na rin ang kusina ng tita ko, kumpleto na ang mga appliances at puno lagi ang ref. This is my way of giving back to my family especially to tita. Pinatira ako ni tita rito, pinaaral ako, pinakain, at inalagaan na parang tunay na anak. Kaya gusto kong pagaanin ang buhay nila sa pamamagitan ng pagbibigay ng lahat ng kailangan nila.

"Kamusta ang pakikipagmeet mo sa producer?"tanong ni mama na nakaupo na. Umupo na ako sa bakanteng upuan bago sumagot.

"Maayos naman po,"sagot ko saka kinuha ang bowl ng kanin saka kumuha mula rito.

"Wait ka lang ate, pag ako nakatapos, babawiin ko lahat ng pinaaral mo sa amin,"saad ni Vanessa na nasa 2nd year college na ngayon sa kursong nursing.

Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko naman talaga hinihiling na ibalik nila ang lahat ng ibinigay ko sa kanila. Pero ang makita silang makapagtapos, isa iyon sa achievements na pakiramdam ko ay para sa akin na rin.

Masaya na ako sa buhay kong ito, pero hindi ko akalain na magbabago ang lahat sa pagbabalik ng nakaraan.

-----

Creating "Him"Where stories live. Discover now