Chapter 3

10 10 0
                                    


Vanna

Napatapik ako ng lapis sa mesa habang nagiisip ng pwedeng isunod na isulat. Wala akong maisip ngayon na ipinagtataka ko bakit. Kapag kasi naiisip ko si Tyler, ang dami agad ideas na pumapasok sa utak ko.

Maya maya biglang nag-ting! ang cellphone ko kaya sinilip ko kung sino ito, si Selena lang pala, isa sa mga kaklase ko.

Tiningnan ko ang message niya.

Selena:

Otw na ako, cutie<3

Otw?Nawrong send ba si Selena sa akin?Pero imposible dahil ako lang daw ang tinatawag niyang cutie. Hindi ko nga rin alam bakit, hindi naman ako cute.

Magtitipa na sana ako ng irereply para itanong kung para saan pero nasagot na niya ang tanong ko bago ko pa maitanong.

Selena:

Check the gc!Pair tayo for the project.

Wala pang sampung minuto, muling nagpadala ng mensahe si Selena.

Selena:

Sheesh, may family emergency. Sorry cutie😔

Me:

Its fine :)

I sighed. Mukhang hindi kami makakagawa ng project ngayon. Chineck ko ang gc at napanganga nang malamang bukas agad ito ipapasa. Kung ganon, kailangan kong gawin ito mag-isa?

Tumayo na ako para sana magpalit at bumili sa labas ng materyales na gagamitin nang bigla akong tinatawag ni tita Therese.

"Vanna iha!May bisita ka sa baba!" dali dali akong bumaba. Inasahan kong si Selena ito at baka naayos niya agad ang problema niya.

Pagkababa ko, naabutan ko si Fukuzatsu sa may kusina. Inabutan siya ni tita ng juice na agad niyang tinanggap. Pagkatapos, bumaling ang tingin niya sa akin saka kumaway.

"Bakit ka nandito?" tanong ko saka lumapit sa kanila.

"Manliligaw mo ba ine, iha?" tanong ni tita kaya tumawa bigla si Fukuzatsu.

"Hindi po. Tutulungan ko lang gumawa ng project si Vanna. Humingi kasi ng tulong si Selena sa akin, sakto malapit lang ako sa bahay ninyo kaya mabilis akong nakarating," sagot niya na tinanguan namin ni tita.

"O siya doon lang ako sa tindahan," sabi ni tita saka umalis.

"Nga pala, wag ka na bumili ng mga materials. May mga dala na ako," sabi pa niya nang umalis si tita saka ipinatong ang plastic na may lamang mga gagamitin para sa project.

"Uh, salamat pala," nahihiya kong tugon. Hindi naman kasi kami ganong nag-uusap ni Fukuzatsu. Kaunting tanong lang tapos ayon, tapos na. Pero di naman maikakailang sikat siya sa school dahil sa pagiging star player sa soccer team ng school. Kaya naman kahit hindi kami ganong nag-uusap, marami rami na akong alam sa kanya.

Ang alam ko ay isa siyang half japanese pero dito siya sa pilipinas pinanganak at lumaki. Bukod doon, pinsan niya si Selena at kabarkada niya ang ilan sa mga pinakasikat na estudyante sa school.

"Don't thank me. Isa pa, Selena owe me one kaya no worries," sabi niya kaya tumango ako. Wala na kasi talaga akong masabi. Hindi ko alam kung bakit, baka dahil nahihiya ako.

"So, saan tayo gagawa?Dito ba sa kusina?" he asked.

"Uh, doon nalang sa kwarto," saad ko saka umakyat na sa hagdan. Tumango siya saka sumunod sa akin. Hindi naman ako nagaalangan na papasukin siya sa kwarto since everyone knew how gentleman he is. Kahit kapag si Selena ang nagkukwento, palaging mabuting bagay ang sinasabi niya tungkol kay Fukuzatsu.

Hindi rin naman ako nagaalangan magpapasok ng ibang tao sa kwarto lalo na at malinis at maayos naman ito. Saka mas makakagawa kami ng maayos dahil meron din akong art tools na pwedeng gamitin in case kailangan.

"Nagsusulat ka pala?"manghang sabi niya kaya nanlaki ang mata ko at agad isinara ang laptop na ikinataka niya.

"Bakit?" he asked.

Umiling ako. "Magsimula na tayo," sabi ko kaya tumango siya.

---

"A-Ano nga palang emergency ang nangyari kay Selena?" tanong ko. Kanina pa kasi kami tahimik habang naggugupit at nagdidikit ng kung ano ano.

"Uh...yung mom–si tita, bigla nalang nagsuka kaya dinala sa ospital," sabi niya kaya tumango ako.

Muling tumahimik ang paligid namin. Ang dami ko sanang gustong itanong kaso, nahihiya talaga akong makipag-usap lalo na at hindi naman ako sanay.

"I know a publisher," sabi niya dahilan para mapatingin ako sa kanya.

"Uhm, may kaibigan ang parents ko na may-ari ng publishing house. We can try submitting your work there. Who knows?Baka maging sikat ka na manunulat," sabi niya kaya mapait akong ngumiti.

"I doubt that,"

"Why?"

I shrugged. "I don't know. I just feel like they won't like it,"

"You won't know unless you try. Let me try reading it and let's see,"

"I won't let you read a trash," giit ko. Wala naman kasi talaga akong tiwala sa pagsusulat ko. All I know is that I am writing because that's what I wanted.

"That isn't a trash. A work that's been done because that's what your heart wants isn't a trash but a treasure. So can I read it?"muli niyang tanong.

Matagal akong nakasagot. It's the first time someone talked to me about my own novel. "Okay. Basta I already told you it's a trash,"

"Great!"he said smiling which made me smile too.

----

Creating &quot;Him&quot;Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ